14 : Decision

2.3K 80 39
                                    

Dahyun.

Nalingat ako ng marinig ko ang iyak ni Dana.

Madaling araw na at namumuyat nanaman siya.

Tatayo sana si Sana ng pigilan ko siya.

"Ako na. Matulog kana." pigil ko sa kanya.

"You sure?" dinig kong tanong niya kahit inaantok siya.

"Oo na, sleep kana." sagot ko. Hinalikan niya muna at ako sa noo bago tuluyang humiga.

Tumayo naman ako at pinatahan ko si Dana.

Inihele ko siya, 2 months narin halos mula ng manganak ako. At gabi gabi na lang si Sana ang pinupuyat niya.

Pero ngayon ako muna kasi walang pahinga si Sana kase may ginawa siyang works.

Nabinyagan narin siya last week. Bilis no? Ganun talaga.

"Nako anak, kailan kaya aayos ang sleeping habit mo." tanong ko kay Dana ng tumahan siya. Ngumiti lang ang batang 'to sa akin.

Ilang minuto ko rin siyang hinele aba, si Sana lang ang nakakapagpatahan kaagad dyan eh.

Ang cute niya talaga, marami siyang nakuha sa akin pero yung aura niya nakikita ko kay Sana.

Sa totoo lang pilikmata lang ang nakuha niya sa totoong dad niya. Siguro dahil hindi siya ang pinaglihian ko.

Hindi narin naman ako apektado kay Vernon kase masasabi ko ng nakamove on na ko.

Malaki ang naitulong ni Sana mula ng dumating si Sana sa buhay ko.

Sobra sobra na ang nagawa niya kung tutuusin.

Isang taon na siya halos sa akin at natatakot ako na anytime baka magpaalam na siya sa akin.

Ang alam ko kasi pupunta siyang New York para mag masteral.

Kasabay nun ang unti unting paglingon sa divorce papers namin.

Pero ako parang ayoko at hindi ko pa kaya.

Mahalaga siya sa akin at nasanay na kong andyan lang siya palagi.

"Paano yan, baby? Kapag nagdecide si Appa mo na umalis mahihirapan na kong patahanin ka." naiiyak ako ng maisip ko yun.

Mula ng magbuntis ako at ipanganak ko si Dana madali na lang akong umiyak.

Nag o-overthink ako at natatakot sa posibilidad baka umalis na nga talaga siya.

Nang makatulog si Dana tumabi na ko kay Sana at nagpaantok hanggang sa makatulog.

Kinabukasan maaga akong nagising pero yung dalawa wala na dito.

6:30am palang at mukhang hindi pumasok si Sana.

Nasa baba na yung dalawa for sure. Gising na pareho.

Naghilamos lang ako at naglakad ako pababa tsaka ko nga naabutan si Sana kalong si Dana sa may sala. Nakaupo si Sana sa may sofa aba, nanonood ng Spongebob.

"Good morning, Mommy!" sabi ni Sana ng mapansin ako.

Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. Hinalikan lang niya ko sa pisngi ako naman hinalikan ko sa noo si Dana.

"Ayan, dito mo kasi sa yellow na sponge pinaglihi yan tuloy ang nakakapagpakalma sa kanya pag umaga." naiiling na sabi ni Sana.

"Ewan ko ba bat dyan ko naisipang maglihi." tugon ko. "Hoy, hoy bata! Bakit ang aga mong nagising?" pagpukaw ko ng atensyon ni Dana.

Pero waepek mga fren! Seryoso at natutuwa ang bubwit kay Spongebob.

"Hala, Mommy hindi ka papansinin niyan. Mas mahal niya si Spongebob kesa sayo." pang aasar ni Sana.

Intoxicated|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon