Dahyun.
"Buntis po ako."
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko dahilan para mapapikit ako.
"Hindi mo man lang binigyan ng kahihiyan ang pamilya natin!"
He just shouted.
After 2 weeks as Vernon left me, I prayed for the courage para maamin kay Daddy at Mommy ang pagkakamali ko.
Nilakasan ko ang loob ko para masabi ko na, para habang maaga pa malaman ko na ang reaksyon nila at ang kauuwian neto.
"Tama na, wag mong pagbuhatan ng kamay ang anak mo." madiin na awat ni Mommy.
"Hindi mo ba naisip?! Hindi mo ba naisip ang kahihiyan na ginawa niyang anak mo. My Godness gracious! Dahyun, kakagraduate mo lang! Wala ka pa ngang trabaho and everyone are expecting that you will handle our business in a fews months but look at what you did!" iyak lang ang naisagot ko sa mga sinabi ni Daddy.
Tinatanggap ko lang ang mga sinasabi niya.
"Kung gusto niyo ipalaglag ko yung bata. Para matapos na..." wala sa katinuang sabi ko.
"Are you out of your mind?! You would kill a life because of your mistake?!" Dad just blurted out.
"Walang kasalanan yung bata, Dahyun." Eomma just added.
"What do you want me to do?! To be honest, Vernon left. Iniwan niya ko at hindi niya ko pananagutan." mahinang tugon ko habang patuloy lang sa pag iyak.
"That bastard." madiin na sabi ni Daddy. "I'll make sure na wala na siyang karapatan sayo. And lastly ipapahanap ko yung hayop na yan at pagbabayaran niya ang ginawa niya sayo." he added.
"Appa, ayoko ng gulo. Hayaan mo na. Itakwil mo na lang ako, lalayo ako." wala na ko sa katinuan at lahat nalang nasasabi ko.
"No, no dub. No way in hell, you're my only daughter." umiiyak si Mommy habang sinasabi niya yun.
"Siguro tama ka. Simula ngayon, hindi na kita anak. Wala na kong anak. Makakaalis kana." madiin na sabi ni Appa.
I clenched my fist, let those tears fell down.
It's my karma. It's my own mistake and this is the consiquence.
I was about to go upstairs to get my things.
As I heard someone entered our door.
"Are you leaving?" I heard a man's voice. I know him, my father's bestfriend.
"Steve, let her. She's not my child anymore." madiing sabi ni Dad.
Para akong sinaksak at nanghihina sa sinabi ni Appa.
This is the first time na itanggi niya ko.
"I know everything, Daniel. Sinabi ni Dahyun sa akin ang sitwasyon niya bago pa niya masabi sayo. And as I came here, I'm expecting these scene." he smiled a bit.
I'm close with Uncle Steve, he's my ninong kaya ganun. Bukod pa dun bestfriend siya ni Daddy at bukod kay Mommy siya ang nalalapitan ko kapag takot ako kay Daddy.
"Steve, what are you trying to say?" Daddy just asked.
"Ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis niya. At kung papayag ka na si Sana ang managot sa magiging anak ni Dahyun." seryosong sabi ni Uncle.
"Dahyun, marry my daughter."
Napakapagat ako sa labi ko, si Sana.
Si Sana na hindi naman involve dito nadadamay.
Hindi kami nag uusap o kahit nagkikita man lang.
Hindi niya nga ata ako kilala.
Kilala ko lang siyang anak ni Uncle Steve pero ni minsan hindi ko siya nakilala bilang Sana.
Naging college schoolmate ko siya pero hindi naman kami nagpapansinan pagkatapos ganito pa pala ang kauuwian namin.
She's well known lawyer and a playgirl.
A happy go lucky, professional person.
Wala rin siyang love interest.
Malaking gulo kung pati ang nananahimik niyang buhay, sisirain ko.
"Steve, seryoso ka ba? Tingin mo papayag si Sana?" tanong ni Eomma.
"Sana has no girlfriend and she's into girls as you know. Iniisip ko din siya na baka in the future maging mag isa siya. Susubukan lang naman, Dahyun needs Sana to pass this challenge and Sana needs Dahyun to secure her future. Pareho nilang kailangan natin ang isa't isa." Uncle Steve just pointed out.
"What if hindi nag work out?" Dad's asked.
"Then maghihiwalay sila, choice nila yun. Ang mahalaga malusutan ni Dahyun 'to at yun ang best na solusyon sa problemang yan." Uncle Steve replied.
"Papayag po ba siya? Hindi po ba sobra sobra 'to at baka ikagalit niya?" nahihiyang sabi ko.
"She has nothing to do about it. I will control her, ones and for all para maayos ang gusut mo at baka makahanap ng sagot sa magiging future niya." seryosong tugon ni Uncle. "Daniel, magdesisyon na kayo. Pag isipan niyo, isa pa we have the strongest connection sa bawat pamilya natin." he added.
Nakita kong tumikhim si Appa, hinawakan ni Mama yung kamay niya na tila pinag iisipan ang magiging desisyon nila.
Maya maya pa nagsalita si Dad.
"Steve, pumapayag na ako. I will let Sana and Dahyun to get married." seryosong sabi ni Appa kaya napalingon ako.
"Nice decision, Daniel. Hindi mo pagsisisihan ito. Kakausapin ko si Sana. And as soon as possible aayusin natin ang kasal nila." Uncle Steve just smiled.
Nagpaalam ako na aakyat na, masyado na akong drain para sa araw na 'to.
Maraming nangyare sa sandaling oras, akala ko aalis na ko sa bahay na 'to.
Akala ko palalakihin at aakuin ang anak ko ng mag isa.
At sa isang iglap may nadamay sa pagkakamali ko.
Hinahanda ko na ang sarili ko dahil hindi ko alam kung may mukha pa kong ihaharap kay Sana.
Sinira ko ang tahimik niyang buhay dahil sa pagkakamali ko.
She has to marry me even if I know that it's against to her.
Napahawak ako sa tiyan ko, isang buwan at kalahati na kong buntis.
Hindi ko lubos maisip na malaking parte na ng buhay ko ang nagbago.
Anak, kapit ka lang. Even your dad is not here andito lang ang mommy. Kahit ako lang mag isa, bubuhayin kita.
At hindi ko ipaparamdam sayo na ikinahihiya ko ang pagbubuntis sayo.
Iniisip ko, matanggap rin kaya siya ni Sana?
Ano bang klaseng tao si Sana para mag isip ako ng ganito.
Natatakot ako sa maisip niya, mga masasabi niya kapag nalaman niya na ikakasal siya sa isang disgrasyadang tulad ko.
----
A/N : Gumana nanaman ang malikot kong kaisipan. Haha. Bahala na kung pangit fighting padin.
BINABASA MO ANG
Intoxicated|SaiDa
Fanfic"I was the girl who gets pregnant but the father of my child refused to marry me. So they forced her to marry me even if she's against with it." -Kim Dahyun