Sana.
"Hoy bata, anong oras matulog kana oy." awat ko kay Dana kase pasado 9pm na nagcecellphone pa.
Naglalaro ba naman ng Rules of Survival eh mahigit 3 years old palang ang batang yan.
"Teka lang, Daddy. Patapos na eh." saad niya.
Nakasandal kasi siya sa balikat ko at andito kaming dalawa sa may sala.
Si Dahyun naman nasa kusina naghuhugas ng pinagkainan.
Friday ngayon at di ako pumasok kanina sa trabaho tas si Dahyun naghalfday lang wala naman kasing masyadong ginagawa.
"Kapag naabutan ka pa ni Mommy naku pati ako sesermunan nun." saad ko.
"Okay lang yan. Hindi naman ako ang under dito." walang prenong sabi niya.
Siraulo 'tong batang 'to eh. Pahamak minsan, alam naman niyang may saltik din ang mommy niya.
"Ay ganyanan? Bahala ka wag kang magpapabili sa akin ang stuff toys." I warned.
Bigla naman niyang ibinaba yung phone niya tsaka yumakap sa akin.
"Joke lang, Daddy." sabi niya.
"Ayan, Dana dyan ka magaling." sabi ko at niyakap siya pabalik.
"Ano nanaman yan? May kailangan nanaman ba sayo yang batang yan?" nakataas kilay na sabi ni Dahyun ng makarating siya dito sa sala.
"Wala, mommy. Pinag uusapan lang naman namin ni Daddy kung gaano ka kaganda." sabi ni Dana at nakipag-appear pa sa akin.
Kanino ba nagmana itong batang 'to?
"Mga bolera. Ayusin niyo. Dana, go to your room. Sleep now." utos ni Dahyun.
"Owkeeeey." sagot niya tsaka tumayo at kinuha yung phone niya.
"Oops! Dana, where's your phone? Alam ko yang iniisip mo." huli agad ni Dahyun sa anak namin.
Kakamot kamot pa ng ulong inabot ni Dana kay Dahyun yung phone niya.
"Go upstairs na. Good night. Love you." sabi ko sa anak namin at hinalikan ko siya sa noo.
Sunod naman niyang nilapitan si Dahyun para yumakap at humalik sa pisngi niya.
"Good night, mommy and daddy." she smiled bago tuluyang umalis.
Bata pa nga si Dana pero may pagkamatured na siyang mag isip. Di na niya kami pinapapunta sa kwarto niya kapag matutulog na siya.
At yung mga bagay na kaya naman niyang gawin, gagawin na niya at hindi niya na iuutos pa.
"Bilis lumaki ni Dana no?" tanong ni Dahyun habang nakayakap sa bewang ko.
Nakaupo kasi kami ngayon dito sa may sofa.
"Oo nga, dami niya ng alam. Lalo na mga kalokohan." saad niya.
"Bata pa lang naman siya. Lilipas ang mga araw di na siya ganyan ka-pilya." sagot ko. "Buti hindi pa nga siya nagtatanong tungkol kay Vernon." napapaisip na sabi ko.
"Sana nga hindi na lang niya hanapin." tugon ni Dahyun.
"Karapatan di naman ni Dana na makilala ang totoong ama niya eh." katwiran ko.
"Sana, ikaw ang daddy ni Dana. She's really of you at kahit iharap si Vernon sa kanya alam natin na ikaw parin ang pipiliin niya." saad ni Dahyun.
"Pero kapag dumating ang araw na magtanong siya sasabihin ang totoo ah? Lahat ng nangyare noon dapat niyang malaman para napupuno ng tanong at maapaektuhan." nakangiting sabi ko.
"Mahal na mahal mo talaga yang anak natin no? Kahit alam kong masakit sayo kapag dumating ang araw na yun ayos lang sayo para lang maging okay siya." nakita yung pag aalala sa mga mata niya.
"Mahal ko kayong dalawa ng anak natin. Sa ngayon wag na muna nating isipin yun. Ang isipin natin kung paano siya papalakihin ng maayos." sagot ko.
"
Ini-spoiled mo nga yun eh. Lumaking bolera gaya mo." nakasimangot na sabi niya."Nagsasabi lang kaya ng totoo yun. Tsaka minsan ko lang siyang pagbigyan. Loko rin yun eh, pati ako pinagtitripan na ngayon." katwiran ko.
"Nga pala nagtext si Nayeon unnie nagyayang mag outing bukas punta raw tayong Philippines. Sabi ko sasama tayo. Until Sunday afternoon lang naman uuwi na tayo." sabi niya sa akin. "Nagpabook narin sila ng flight para bukas." she added.
"That's a good idea. Para makapag unwind tayo, dami ring nangyare buong linggo. Puro busy tayo." saad ko.
May passport narin naman kasi si Dana kaya wala ng problema.
"Alright. Tara akyat na tayo sa kwarto. Maaga rin tayong magpeprepare ng mga gamit natin bukas ng umaga." yaya niya sa kin.
Magkahawak kamay kaming umakyat papuntang kwarto.
Nagpalit lang kami ng pantulog natawa pa ko sa suot namin. Kasi yung pantulog na binili namin nung nagbubuntis siya suot namin ngayon.
Spongebob yung kanya tas Squirrel yung sa akin.
"Ang cute netong pantulog na 'to noh? Cute din sa akin." saad niya.
"Yep. Cute nga. Kaso mas cute ka kung wala kang suot." I smirked.
"Hoy Sana, yang mga kalokohan mo ah." she warned.
"Totoo naman eh. Mas cute kung kung..." tsaka ko siya tinignan ng nakakaloko.
"Minatozaki Sana!" tili niya kaya niyakap ko na lang siya.
"I'm just kidding." sabi ko at umayos ng higa habang yakap siya.
"Love, mahal kita." she said out of the blue.
Ayan nanaman yung pamilyar na bilis ng pagtibok ng puso ko.
"Mahal din kita. At mamahalin pa kita sa araw araw." saad ko.
"Lets sleep?" tanong niya.
"Sige. Good night, love." sabi ko at hinalikan siya sa labi bago pumikit.
Kinabukasan nagising ako pero tulog pa siya.
6am palang pala. Pero ang sabi niya 7:30 am flight namin.
Agad ko ng ginising ang mahimbing na pagtulog ng asawa ko.
"Love, gising na." sabi ko at bahagyang tinapik ang pisngi niya.
"Hmm, daddy anong oras na?" mahinang tanong niya.
I kissed her lips before I answered.
"5:30am pa lang pero we need to pack our things." sagot ko sa kanya.
Dahan dahan naman siyang dumilat at nagkusot ng mga mata niya.
"Gisingin mo na si Dana, gonna pack our things." saad niya.
"Okay. I'll go ahead. Ako na magluluto breakfast." nakangiting sabi ko.
Pinuntahan ko si Dana sa kwarto niya pero wala siya.
Bumaba ako to check her out at nasa sala pala naka-earphone.
"Hey, baby. Aga mong nagising ah." bungad ko sa anak ko pagkatanggal ko ng earphone niya.
"Good morning, daddy. We're going out of town today right? Naayos ko narin yung mga dadalhin kong damit." saad niya.
Dun ko napagtantong nakabihis na siya. Aish, this kid hindi halatang mahigit tatlong taon palang sa dami ba namang alam sa buhay eh.
"Naks. Very good. I'm gonna for breakfast na muna. Wait here." sabi ko at hinalikan siya sa noo.
Noon kapag may out of town kaming magbabarkada kulang na lang hindi ako sumama at di ako nakakaramdam ng excitement.
Pero ngayong may asawa't anak na ko I can feel the excitement and expectations.
Ganun pala ang epekto nun. I love the concept of having a family. Matagal ko ng binawi na kaya kong mamuhay mag isa ngayong I can't leave without Dahyun and Dana.
------
BINABASA MO ANG
Intoxicated|SaiDa
Fanfiction"I was the girl who gets pregnant but the father of my child refused to marry me. So they forced her to marry me even if she's against with it." -Kim Dahyun