36 : Getting Worst

1K 47 4
                                    

Sana.

We're on our way to the hospital kasama si Dana at si Dahyun. Nagcollapse nanaman kasi si Dana.

2-3 months na ang lumipas ng malaman naming may sakit siya at nung mga nakaraang linggo dumalas ang pagcollapse niya.

Hindi ko alam pero bakit parang masyadong maaga yung pagbreakdown ng katawan niya.

May isang taon ang binigay na taning ng doctor para mamuhay pa siya ng normal pero ang hindi ko maintindihan bakit nagkakaganito.

Pagdating namin sa ospital sinalubong na kami ng mga staffs at isinakay sa stretcher ang walang malay na si Dana.

Nakasunod lang kami ni Dahyun habang dinadala si Dana sa ER.

"Hanggang dito nalang po kayo." sabi ng nurse at mabilis na isinara ang pinto.

Napayakap nalang habang umiiyak si Dahyun sa akin.

Kahit nasasaktan ako, hinahagod ko nalang ang likuran niya at di ko hinayaang umiyak din ako.

"Bakit nagkakaganito yung anak natin, Sana? Okay pa naman siya diba?" nagsusumamong tanong niya.

"Kumalma ka, Love. Malakas si Dana, magiging okay siya." pag aalo ko sa kanya.

Andami ng nagbago sa pamilya ko mula ng magkasakit si Dana.

Nagkakasakit nadin si Dahyun sa sobrang pag aalala. Anlaki narin ng ipinayat niya, nagbebreakdown na yung pamilyang itinaguyod ko ng 15 years ng dahil sa isang malaking problema.

Sa ilang minutong pag aantay sa paglabas ng doctor sa wakas andito nadin.

"Doc, kamusta yung anak namin?" tanong ni Dahyun.

"Hindi namin inasahan na ganito nalang kabilis ang pagsakop ng sakit niya sa katawan niya. Mauulit at mauulit ito, lumalala ang kalagayan niya sa bawat araw." deretsong sabi ng doctor.

"We should continue the chemotheraphy. Alam ko ayaw niya pero gawin na natin doc, para maayos siya. Sumugal na tayo." saad ni Dahyun habang nanginginig na dahil sa pag iyak.

"I'm sorry, Mrs. Minatozaki. Chemotheraphy is out in the option, you're left with one option. The bone marrow transplant." pagkumpirma ng doctor.

Dun ako nanlambot sa narinig ko. Alam ko sa sarili ko na kapag humingi ako ng pabor kay Vernon maaapektuhan ng malaki ang pamilyang 'to.

"Pag usapan niyo na munang mag asawa, para malaman natin ang magiging hakbang natin. She will be confine here in the hospital dahil kailangan niya ng ma-obserbahan 24/7." paalam ng doctor tsaka umalis.

"Anong gagawin natin? Gulung gulo na ko, hindi ko na alam yung iisipin ko, Sana. Hindi ko kayang mawala sa atin si Dana." umiiyak na sabi ni Dahyun.

"Shh." pag aalo ko ng punasan ko ang mga luha niya.

"Hindi siya mawawala sa atin, pangako ko yan sayo." sabi ko at niyakap ko siya.

Tanging paghikbi nalang ang naririnig ko sa kanya. Bagamat lumuluha ako, mas pinili kong i-comfort ang asawa ko.

Napakahirap ng ganitong sitwasyon, ngayon ko lang talaga naramdaman yung takot ng isang magulang.

Hindi mo na alam ang gagawin mo para maisaayos pa ang lahat. Parang nilalamon ka ng kalungkutan at sakit sa sitwasyong di mabigyan ng solusyon.

--

"Kamusta ang apo ko?" tanong ni Appa ng dumating siya dito.

Sa ngayon nandito kami sa labas ng kwarto ni Dana, habang si Dahyun nasa loob nagbabantay sa anak naming wala paring malay.

Andun din sila Nayeon unnie at Jihyo unnie na kararating lang halos.

"Appa, ang sakit pala. Kasi lumalala na siya eh, halos di ko na nga makilala yung itsura niya. Sa pamumutla at pagpayat, I don't know if I can survive this." I cried as I recieve an embrace to my father.

"Bago mamatay ang mommy mo, ganyan din yung naramdaman ko. Hindi ko alam kung saan kakapit, akala ko di na ko makakaahon. Maybe, we've been in the same situation, anak. Yung panonoorin mong naghihirap yung taong mahal mo, pero sana wag na wag kang mawalan ng pag asa." bilin niya. "Magtiwala at manampalataya ka Diyos na di niya pababayaan si Dana, ang buong pamilya mo. Sana, you've been a father in your own family for 15 years at masyadong matibay na ang pundasyon niyong mag asawa kaya wag kang susuko." he added.

"Appa, the only option is the bone marrow transplant. But I know the consiquence kapag humingi ako ng pabor sa totoong ama ni Dana." umiiyak na saad ko.

"Hindi na kita ulit nakitang ganito kalambot ngayon nalang, anak. Laban lang, anak. Kilala mo sarili mo alam mo kung gaano ka kalakas. Pamilya mo 'to kailangan mong maging malakas." pagpapalakas niya ng loob ko.

Inayos ko lang ang itsura bago pumasok sa kwarto ni Dana kasama si Appa.

Nakatulog si Dahyun sa tabi ng hospital bed ni Dana. Habang yung mag asawa nakaupo lang sa may sofa.

"Bibilhan ko na muna kayo ng pagkain, tatawagan ko din ang mga magulang ni Dahyun." paalam ni Appa na tinanguan ko lang.

Umupo ako sa tabi ni Jihyo kaya nabaling ang atensyon ko sa kanila.

"Anong balak niyo?" tanong ni Nayeon unnie.

"Gusto niyang maghanap ng ibang donor. Pero alam ko na mahirap yon." saad ko.

"Ganyan ka rin kamahal, Sana. May mas madaling paraan pero pinili niya yung mahirap wag ka lang masaktan." saad ni Jihyo.

"Tutulong narin kami sa paghahanap ng donor ni Dana. Gagawin namin yung makakaya namin, mahirap din kasi na humanap ng ka-match niya." sabi ni Nayeon unnie.

"Sa totoo lang pinag iisipan ko din eh. Paano kung lumapit na ako kay Vernon? Hingiin yung yung tulong niya, I'm willing to low down my pride for Dana." malamyang saad ko.

"You're really matured when it comes on being a father. Pero Sana, wag ka sanang magpadalos dalos." bilin ni Nayeon unnie.

"Wala na kong hindi kayang gawin para sa pamilyang 'to." deretsong sabi ko sa kanilang dalawa.

Tama naman, marami na kaming pinagdaanan at nilampasan.

Sa loob ng 15 years na buo at masaya ang pamilya namin walang sumuko sa amin.

Pero hindi naman siguro masama na gumawa ng hakbang para sa sarili mong anak?

Ganon nga ata kapag magulang ka, wala kang hindi kayang gawin.

Yung kahit na sabihin kong hindi ko totoong anak si Dana, nasa puso at isipan ko padin na gusto ko pa siyang mabuhay.

Na sasaya ulit yung pamilya ko kapag gumaling na siya.

Dana is a piece between me and Dahyun. Kapag nawala siya hindi ko alam kung saan kami hahantong.

Gusto ko ng magdesisyon, ayoko ng gumising sa umaga ng nakikitang nahihirapan ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko.

Mahal na mahal ko sila at kaya kong harapin ang lahat ng bagay para lang sa ikabubuti nila.

---

A/N : Late and lame update. Sorry guys, I can feel na pumapanget na siya. Naging busy ako this past months so ayun.

Not edited.

Intoxicated|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon