Sana.
It's been 2 days mula ng umuwi kami galing Pilipinas.
Naging maayos naman at walang aberya ang pagbalik namin ng Korea.
"Love, I have to go. Sa lawfirm ako tutuloy. I have to hold a case, is it okay?" tanong ko sa asawa ko habang inaayos ang sleeve ng suot ko.
Nandito kami dalawa sa kwarto ngayon, habang si Dana hinatid siya sa bahay ng parents ni Dahyun kasi may pasok rin sa office si Dahyun ngayon.
"Basta mag iingat ka." nakita sa mga mata niya ang pag aalala.
Sobrang natakot talaga siya noon at nadala niya hanggang ngayon yung nangyare ng nagbubuntis siya kay Dana.
"I will." saad ko. Alam naman kasi niyang di ko hihingiin ang pabor na 'to kundi mahalaga.
Si Irene unnie na kasi ang nagrequest. Medyo komplikado yung hawak hawak na case kaya sa akin ibinigay.
Hindi na ko tumanggi since matagal narin ang panahon mula ng humarap ako sa korte.
"Tara na, sumabay kana pala sa akin, love. Daan na lang kita sa company niyo." sabi ko.
Tumango lang siya at magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng bahay.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan bago ako tuluyang sumakay ng sasakyan.
"Anong oras kang uuwi mamaya?" tanong ko sa kanya habang nakatuon ang atensyon sa pagdadrive.
"5pm pa lang siguro out na ko." sabi naman niya at napasilip pa sa relo niya.
"Love, baka malate ako ng uwi mamaya." paalam ko.
"Sige papahatid na lang ako kay Nayeon unnie. Tutal isang kalsada lang ang pagitan ng building namin." nakangiting sabi niya. "Ako narin susundo kay Dana. Basta mag iingat ka." bilin niya.
Nang makarating kami sa company building nila hininto ko lang sa may harapan yung sasakyan para makababa na si Dahyun.
"Una na ko, love." she smiled. "I love you." she added.
"I love you more. Eat your meals ah." paalala ko tsaka ko siya dinampian ng halik sa labi.
Ngingiti ngiti siyang naglakad papasok ng building nila habang ako pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa lawfirm.
Pagdating ko sa lawfirm naabutan kong busy ang mga staffs. Iilang lawyers lang ang nasa office mukhang maraming kaso ngayon dito.
Nagpunta lang ako sa office ko para bitawan dun ang suit case ko.
Umupo ako sa swivel chair ko at nakita kong nasa may desk ko ang isang folder na naglalaman ng kaso.
Inumpisahan kong basahin ang kaso pinag aralan kung ano bang pinagmulan nito.
Mukhang madali lang naman pala o may posibilidad na wala ring kwenta.
Nagulat nalang ako ng biglang dumating si Irene unnie dito.
"Oh Sana kanina ka pa dito?" tanong niya at umupo sa may upuan sa harapan ng desk ko.
"Kararating lang. Anong pangalan ng client bakit di nakasulat dito?" tanong ko.
"Kaya andito ako to tell personally kung sino siya." sabi niya.
"Oh sino nga?" tanong ko naman.
"She's Ms. Krystal Jung." sagot niya.
Sa apelyido ako napahinto.
"Bakit ako ang pinili niyang abugado?" tanong ko.
"Nirecommend ka ng cousin niya. Which is kilala mo talaga." tugon niya.
BINABASA MO ANG
Intoxicated|SaiDa
Fanfic"I was the girl who gets pregnant but the father of my child refused to marry me. So they forced her to marry me even if she's against with it." -Kim Dahyun