Nagising ako, nakahiga na ako sa kama ng ospital. Nasa tabi ko si Xylan. Binantayan nya ako buong gabi? Imposible!
"Ok ka na? Pasensya na at hindi ako dumating kaagad." Xylan? Ikaw ba ito? May lagnat ka ata eh! At bakit para bang ang amo-amo ng mukha nya?
Napabangon ako. Umupo muna ako at sinigawan ko si Xylan.
"Tigilan mo nga ako! If I know, tuwang tuwa ka dahil nabugbog ako nung mga bading na admirers mo!"
Sumimangot si Xylan. Paawa na may halong inosente effect ang mukha nya.
"Alam mo naman na wala akong kinalaman dun diba?"
"Pwede ba, wag ka magbait-baitan. Hindi bagay sayo!"
Tumayo sya sa kinauupuan nya. At bigla nya akong...
niyakap..
"Xylan!"
"Maniwala ka..Wala akong nalalaman dun..Kung alam mo lang kung gaano ako nagalala sayo nung nalaman kong binugbog ka nila.."
Humarap sya sa akin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa...Kinakabahan ako..Anong gagawin nya?
"Denise..."
"DENISEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Pagmulat ko ng mata ko,
Si Papa yun ah?
Panaginip lang ang lahat?
Nakita ko si Papa na nasa pintuan ng kwarto at inaawat ng tatlong kong Kuya. Galit na galit sya at hawak nanaman nya ang kanyang latigo.
"Ang batang yan! Hindi mapagsabihan! Sinabi ng wag makikipagaway eh! Tignan mo ang napala ngayon!"
PAK!
Aba, pinalo ni mama ng dyaryo si Papa sa ulo. Kumalma sya kahit papano.
"Kung napaaway ang anak natin, edi sana ang nakaratay ngayon sa kama yung mga nakaaway nya at hindi sya."
"Oo nga naman papa! At sabi nung nagdala kay Denise dito eh, pinagtulungan daw si Denise kaya sya nagkaganyan! Hindi sya lumaban!" Sabi naman ni Kuya Dexter.
"Kita mo na, edi kung lumaban sana si Denise eh di sana ngayon hindi sya nagkaganito! Kasalanan mo ito eh! Napakabait nya dahil hindi sya lumaban dahil sinabi mo na wag na syang makipagaway!" - mama
Haha. Nabulyawan tuloy ni mama si papa. Natahimik na lang sya.
"Ah ganun ba...Sige, magpagaling ka, igaganti kita sa mga yun!" - papa
"Oo! Igaganti ka namin! Sino ba gumawa nyan sayo?" - kuya denver
Nako, pagsinabi kong bading ang gumawa nito sa akin, tiyak pagtatawanan ako nila kuya. At ayoko ngang sila ang gumanti para sa akin!
"Wala..Wag na...Napatawad ko na naman sila eh.."
"Naku, tigilan mo nga kami..Haha..Alam ko nasa isip mo Denise..Igaganti mo sila pag alis ni-"
Tinignan ko ng masama si Kuya Dave.
"Ah..Haha..Wala pala..Hehe.."
"Oo nga. Pabayaan na lang natin sila.." Nagets ata ni mama ang gusto kong gawin. Haha. Buti na lang.
Kinabukasan, nakapasok na ako kaagad. May benda sa ulo at may gasa sa kaliwang mata. Tsk tsk, pagtritripan nanaman ako nito.
"My Goodness! Miss Buendia! Anong nangyari sayo?" Bati agad sa akin ni Mr. De Guzman.
"Ha? Wala po ito..Napagtripan ng mga adik sa kanto.."
"Naku, kawawa ka naman dapat di ka muna pumasok.."
"Hindi..Ok lang po ito.."
Pagpasok ko sa classroom, napansin kong wala ang grupo ni Xylan. Bakit kaya?
Tahimik ang araw ko. Walang mga bumabagsak na itlog,arina,thumbtacks sa upuan ko at flypaper sa likod ko.
Nagkakagulo yung mga estudyanteng taga CSDA at St. Anne's. Bakit kaya? Lahat sila ay papuntang St. Anne's Academy. Bakit kaya?
Nakita ko yung tatlong bading na bugbog sarado, underwear lang ang suot at may nakasabit na plakard sa leeg na nakasulat ay "Sorry". May linilinis silang kotse sa labas ng school.
At andun din ang tropa ni Xylan na nagtatawanan.
Lumapit ako sa kanila. Grabe naman ang ginawa nila sa tatlong ito!
"Xylan! Ano ba itong ginagawa mo? Di mo naman dapat gawin ito eh!"
Hindi ako pinansin ni Xylan. Ni hindi man lang sya kumurap.
"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? At ano yan? Bugbog sarado ka din? Hahaha!" - alfred
"Si Xylan! Ginaganti nya ako sa mga bading na yan dahil binugbog nila ako kahapon!"
Nagtawanan ang grupo ni Xylan. Si Xylan tumingin sa akin at nagsalita.
"Alam mo, kung ako sayo, hindi ako magsasalita ng mga bagay na hindi ko alam. Wag kang makisali sa bagay na wala ka namang kinalaman." Bumalik sya sa panonood sa mga bading.
"Ano? Nagpabugbog ka sa mga yan? Wala ka pa talagang sinabi! Puro salita ka lang!" - brix
"I have my own reasons kaya hindi ako lumaban!"
"Sus..Maniwala kami sayo..At ano? Ginanti ka ni Xylan? Saan galing yun? Haha!" - mikee
Uwian na ng fourth year nun, at nakita ko si Diana na kumakaripas ang takbo papunta kila Xylan.
"Xylan! Itigil mo na ito! Ano ba itong ginagawa mo?" - Diana
"Ayan ang nararapat sa kanila.." - xylan
"Ayaw mo nun? Para tigilan ka na nila!" - mikee
Teka, ano ba talaga ang nangyayari dito?! Naguguluhan ako!

BINABASA MO ANG
SKETCH [ Book 1 ]
RomanceAbangan ang magiging papel ng isang "sketch" sa buhay nina Xylan at Denise...