Napatulala na lang ako habang nakita kong nahati sa dalawa ang paper bag at yung maganda gown. Tumilapon sa ere ang magagandang tela na kulay pula na kapag tinamaan ng ilaw ay nagiging orange.
"SUGOD!!!" Sigaw ni Mikee at sinugod na nila ang limang lalaki na dumukot kay Xylan.
Napaupo na lang ako sa nangyari. Bigay ni Xylan yun sa akin. Hindi ko iningatan kaya nasira. Hindi lang nakakapanghinayang, nakakapangonsiyensya pa. Pakiramdam ko, hindi ako mapapatawad ni Xylan sa ginawa kong ito.
Habang binubugbog ng 3AD ang mga salarin, lumapit sa akin si Xylan at inabot ang kamay nya.
"Ok ka lang?"
"Xylan...Pasensya na..."
"Pasensya saan? Tumayo ka na dyan."
"Yung gown. Sorry. Hindi ko sya iningatan. Pasensya na talaga." Naiipon na ang luha sa mga mata ko nung mga oras na yun.
Niyakap ako ni Xylan at bumulong sya sa akin.
"Pabaya ka kasi...."
"Pero wala sa akin yun. Okay lang yun."
Pakiramdam ko, may gusto pa syang sabihin pero hindi nya na nasabi pa.
-0-0-0-
Kinabukasan, matamlay pa din ako. Hindi namin naisuplong sa mga pulis ang mga lalakeng yun dahil nakatakas sila. Gabi na kami nakauwi kaya't napuyat ako. Hindi ko pa maalis sa isip ko ang nasirang gown. Nasa akin parin hanggang ngayon ang sirang gown na binigay sa akin ni Xylan.
"Good Morning Madeng! Catch!" Sinalo ko ang binato ni Kuya Denver na atm card ko. Naisip ko agad na bayaran si Xylan sa nasirang gown. Nahihiya talaga ako sa kanya. Sobra talaga.
"Aba, aba. Mukhang matamlay ka ata. Anong problema? Asan nga pala yung gown mo? Hindi mo pinakita sa amin kagabi."
Umupo ako sa mesa at nagtimpla ng kape. Umupo si Kuya sa tabi ko.
"Nasira."
"Ano? Paano? Sayang naman yun! Magkano bili dun? Si Xylan bumili nun diba?"
Inabot ko kay Kuya ang isang tasa ng kape at saka ako nagtimpla ng para sa sarili ko.
"Mahabang kwento. Oo, si Xylan ang bumili. 5,750 Pesos. Pero babayaran ko sya."
"Ha? Teka..Ang labo mo naman! Anong nangyari sa gown? 5750 Pesos? Ang mahal naman nun! Tapos babayaran mo sa kanya? May pera ka ba?"
"Yung sa atm ko..Saan pa ba ako kukuha ng pera?"
Muntik ng maibuga ni Kuya yung kape na iniinom nya.
"Bakit Kuya?"
"Ah...Kasi...Denise..."
Naku, mukhang may hindi magandang ginawa sila kuya ah...
"Three thousand na lang ang natira sa atm mo. Pero wag ka magalala babayaran din namin-"
"ANO?!!!!!!!!!"
-0-0-0-
Pagpasok ko sa eskwelahan, napansin kong wala ang grupo ni Xylan sa may gate. Bakit kaya hindi nila ako inantay ngayon?
Nagmadali ako sa pagpunta sa classroom pero pagdating ko dun, wala rin sila. Marahil nandun sila sa may rooftop. Kaya dumeretso agad ako dun.
Tama nga ako. Pero teka, ano ito?
Yung tatlong bading na nakaaway ko dati, nakaluhod at may timba sa ulo. Puno sila ng pintura na kulay pink. Habang sila Xylan naman ay nagpipicnic sa harapan nila. Ayos ah!
"O? Ano nangyari dito?"
"Alam mo ba na yang tatlong yan ang may pakana nung timba na may pintura nung isang araw?" Sabi ni Jojo habang ngumunguya pa ng noodles na kinakain nya.
"Ano? Sila?"
"Mga walang kadala-dala!" PAK! Sinipa ni Brix yung isang timba. "Wag ka ngang magalaw dyan!"
"Pero sobra naman ata yan! Baka masuffocate sila o kung ano!"
"Bayaan mo sila. Nararapat lang sa kanila yan."
Napatingin ako kay Xylan. Parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon.
"Nga pala..Pasensya na kung three thousand muna ang maibaba-"
Tumayo sya at hinawakan ang kamay ko.
"Tara Denise, may pupuntahan tayo."
"Ano?"
Tumakbo na si Xylan habang hawak-hawak ako. Nagulat silang lahat at lalo na si Brix.
"Hoy! San kayo pupunta? May klase pa tayo!"
-0-0-0-
Maya-maya nasa labas na kami ng school. Kung paano namin nalusutan yung mga guard, wag nyo ng tanungin. Hay nako, naweweirduhan na talaga ako dito kay Xylan.
"Saan mo ba ako dadalhin?"
"Basta. Manahimik ka na lang dyan at sumama sa akin."
Pumara sya ng jeep at pinasakay na ako.
Habang umaandar ang jeep, hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung saan ako dadalhin at kung ano ang gagawin sa akin ni Xylan.
"Saan mo ba ako dadalhin ha? May balak kang masama sa akin no? Wag na dahil hindi mo rin yan matutuloy!"
"Manahimik ka nga muna dyan!"
Nagtitinginan na sa amin yung mga pasahero. Siguro akala nila rapist o kidnapper si Xylan.
Maya-maya pumara na si Xylan at bumaba kami sa....4th Ave?
"Pupunta tayo sa bahay ko."
"Sinasabi ko na nga ba! May masama kang binabalak sa akin! Huwag mo na sabi ituloy!"
"Sige. Iiwan na lang kita dito. Bahala kang maligaw."
Nga pala, hindi ko parin kabisado ang 4th Ave! Paano na ito? Wala na akong choice kundi sundan si Xylan.
Nakarating na kami sa Alcantara Street. Naalala ko na kung saan yung bahay ni Xylan. Yung may malaking gate na puti.
Pumasok na kami sa loob ni Xylan. Grabe, ang ganda ng garden nila. May swimming pool pa sila! Hindi mo aakalain na ganito pala kayaman si Xylan!
Linapag ni Xylan ang bag nya sa sala at may sumalubong sa kanyang isang matandang babaeng nakauniform ng pang-maid.
"Aba, napaaga ata ang uwi nyo. Baka akalain ni Don Roman, nagcutting nanaman kayo."
"Andito po ba sya?"
"Wala. Kaalis lang. Naku, wag kang papahuli dahil mainit ang ulo nya ngayon dahil natalo sa casino. Gusto nyo ba ng maiinom o makakain?"
"Sige, salamat na lang po pero may ibibigay lang po ako sa kasama ko. Sya nga po pala si Denise."
Tumingin naman sa akin si Xylan.
"Denise, Si Manang Flor."
"Kinagagalak ko po kayong makilala."
"Ganun din ako. Aba, kamukha mo pala si Senorita-"
"Sige.. Nagmamadali po kasi kami." Hinila na ako ni Xylan papunta sa isang hagdan pababa.
Mukhang dito ang Servant's Quarter ng bahay nila. Parang basement at pawang maliliit ang mga kwarto. Tumigil si Xylan nung nasa dulo na kami na kwarto.
"Pumasok ka."
Pumasok na ako at ang tumambad sa akin ay isang maliit na kama,isang malaking closet na may salamin sa bukasan nito,mga uniform na nakasabit sa hanger,mga painting materials,painting canvas,mga sketchpad at isang maliit na mesa at upuan.
Napansin kong ang maliit na kwarto na ito ay...Kwarto ni Xylan?
"Dito ka natutulog?"
"Oo. Bakit?"
Bakit sa Servant's Quarter sya natutulog? Nakakapagtaka naman. Hindi ba't dapat dun sya sa taas kasama ang pamilya nya? Gusto ko pa sana magtanong kaso nga lang nahihiya na ako kay Xylan. Baka sabihin nya masyado akong naguusisa sa pamilya nya.
Maliit man at wala masyadong laman, maganda naman tignan dahil organized ang mga gamit nya. Kung ikukumpara ito sa kwarto ko na malaki nga, para namang binagyo sa sobrang gulo. Nakakahiya. Talo pa ako ng isang lalake sa pagaayos ng isang kwarto.
Binuksan ni Xylan ang closet nya. Mukhang may hinahanap sya, habang ako naman tinitignan ko ang sketchpad nya.
Aba, puro si Diana ito ah! Ngunit pagtingin ko sa huling pahina, may nakita akong isang babae. Medyo kahawig ko sya ngunit alam kong hindi ako yun sapagkat maganda ang pagkakaayos ng buhok nya at di hamak na mas maganda sya kaysa sa akin.
"Wag mo ngang pakialaman ang gamit ko."
Aba, ang sungit ha! Sorry naman! Edi wag! Linapag ko na sa mesa ang sketchpad nya.
"Ayun! Nahanap ko na!" Linabas ni Xylan mula sa closet ang isang napakagandang gown na kulay pink. Kahit ayoko sa kulay pink, talagang nagandahan ako sa gown na yun. Simple sya ngunit elegante. Mahaba man, pero mukhang madali syang ilakad dahil tama lang ang haba nya.
"O, suotin mo yan. Tignan mo kung kasya sayo."
"Ha? Xylan. Nakakahiya na sayo. Nasira ko ang gown na bigay mo sa akin. Bibili na lang ako ng-"
"Suotin mo sabi yan. Lalabas muna ako habang nagbibihis ka." Lumabas si Xylan mula sa kwarto nya.
Mukhang hindi ako titigilan nito hangga't hindi ko sinusuot ang gown na ito. Kaya sinuot ko na din. Aba, kasyang kasya sa akin! Habang sinizipper ko yung gown pumasok na bigla si Xylan.
"Teka! Di pa ako tapos!"
"Yung Papa ko! Dumating na! Papunta na sya dito!" Mukhang takot na takot sya. Baka nga akalain na nagcutting kami at mapapagalitan sya!
"Teka..Dito tayo sa closet mo!"
Hinila ko agad si Xylan at pumasok na kami sa closet. Sobrang sikip sa closet. Kaya napayakap na lang sakin si Xylan para magkasya kami. Sobrang dilim sa loob ng closet!
Maya-maya may narinig na kaming pumasok sa loob ng closet. Mukhang yun na ata ang Papa nya. Kabadong kabado kami habang naririnig namin ang mga hakbang nung taong pumasok sa kwarto ni Xylan.
Sumilip ako sa pintuan ng closet at nakita ko ang isang malaking lalake. Nakakatakot ang itsura nya. Papa ba talaga ito ni Xylan?
Sunod na pumasok naman ay si Manang Flor na mukhang kabado din.
"Sinabi ko na po sa inyo na wala sya dito. Nasa eskwelahan po sya."
"Eh bakit nasa couch sa sala ang bag nya?"
"Baka naiwan po. Alam nyo naman po yung batang yun.."
Napansin kong naipit sa pinto at nakalawit sa labas ang dulo ng gown kaya hinila ko ito. Napalingon ang Papa ni Xylan at napatingin sa direksyon ng closet. Patay na! Nakita ata ang pagkawala nung nakalawit na dulo nung gown!
Si Xylan, tahimik lang. Kalmado. Mukhang alam nya na at tanggap nya na kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nahuli kami dito.
Dahan-dahang lumapit ang Papa ni Xylan sa closet at....
BINABASA MO ANG
SKETCH [ Book 1 ]
RomanceAbangan ang magiging papel ng isang "sketch" sa buhay nina Xylan at Denise...