[ sketch - 31 ]

1.4K 16 1
                                        

"Denise! Denise!"

Binuksan ko yung pinto, aba! Si Arvin! At basang basa sya sa ulan!

"Ano't napasugod ka dito? Basang basa ka oh!"

"Sila Brix! Kalaban nila ngayon yung mga seniors na nakalaban nila nung nakaraang buwan! Isang buong klase na sila! Hinahanap nila si Xylan kaso ayaw nilang sabihin kung nasaan!"

Hindi talaga susuko yung mga seniors na yun. Nakakainis talaga.

Siguro, ang gusto nya ay tulungan ko sila Brix!

"Sige. Akong bahala. Pupuntahan ko sila Brix."

"Hindi, hindi yun ang pinagbilin nila...."

"Ang gusto nila, kausapin mo si Xylan na habang ngayon ay andun parin sa harap ng bahay ni Diana!"

NO WAY! 

"Ano? Naku, wag na. Anything but that.."

"Sige na, para naman wala kayong pinagsamahan..Isantabi mo muna ang pride mo Denise.."

"At kapag nakausap mo na ng matino si Xylan, sabay nyong tulungan sila Brix!"

Naku, ako nga tigil-tigilan mo Arvin ha! Ayokong tulungan yung lokong yun!

"Sige, aalis na ako ha! Hihingi ako ng tulong sa iba nating classmates para tulungan sila Brix! Sana kausapin mo si Xylan!" Bumaba na si Arvin na nagiwan pa ng bakas ng tubig sa hagdan namin.

Umakyat naman si Kuya Denver.

"Sino ba yung lalakeng yun at basta-basta na lang sya pumasok dito sa bahay?"

"Wala..Pinipilit ako kausapin si Xylan..Naku, ayoko nga.." Kumuha ako ng basahan sa kwarto ko at pinunasan ko yung tubig sa hagdan.

"Ano bang drama nyo ni Xylan at magkaaway kayo?"

"Wala..Basta..Marami na syang kasalanan sa akin.."

"Well, wala akong alam sa pinagawayan nyo pero ang masasabi ko lang,"

"A true friend sees you behind your imperfections. Kahit ano pang naging kasalanan nya sayo, isipin mo na lang nung mga oras na may nagawa syang mabuti para sayo..Wag mong bilangin ang mga pagkakamali nya..Instead, yung mga nagawa nyang tama ang tignan mo. "

Hayyy...Bakit ba parang alam na alam nya ang sitwasyon namin? Bakit pag sila Kuya na ang nagsalita, natatauhan na ako! Kakaiba talaga! Tama sila, kahit na marami ng masasakit na salita ang sinabi sa akin ni Xylan. Kahit na marami na syang ginawang di magandang bagay, wala yun sa mga ginawa nya para sa akin dati..

Yung pagligtas nya sa akin mula sa mga bading..

Yung pagsalo nya sa kahoy na dapat ihahampas sa akin..

Yung paginom nya ng beer na may paminta na dapat ay para sa akin..

Pagkain ng seafoods kahit alam nyang allergic sya dito..

Marami na syang nagawa para sa akin...Panahon na, para ako naman ang bumawi..

"O san ka pupunta?" 

"Aalis na ako! San pa ba?" Hinagis ko yung basahan kay Kuya.

Tumakbo na ako palabas ng bahay at pumara na agad ng taxi.

"Manong, sa Buenavista Compound nga po.."

Hay nako! Ang tanga ko din minsan! Wala akong dalang payong! Mababasa ako ng ulan nyan!

Maya-maya nakarating na ako sa compound. Walang tigil pa din ang pagbuhos ng ulan.

Natunton ko agad ang bahay nila Diana dahil ito ang pinakamalaki sa buong compound. Nakita ko si Xylan doon na nakasandal sa pader at nakayuko. Basang basa na sya sa ulan! Hindi ba sya nilalamig sa katayuan nya?

"Xylan! Tara na, umalis na tayo dito! Sila Brix, nanganganib sila ngayon! Kailangan natin sila tulungan!"

Inangat ni Xylan ang mukha nya. Damang dama ko ang lungkot na nararamdaman nya dahil sa kanyang ekspresyon sa mukha. Mukha na nga syang may sakit. Namumutla sya at ang lalim ng mga mata nya.

"Bayaan mo sila. Wag mo nga ako pakialaman. Hindi mo alam ang pakiramdam ng nagiisa. Pabayaan mo na lang ako dito!"

PAK!

Nasampal ko si Xylan dahil sa sobrang galit.

"Nagiisa kamo? Anong tingin mo sa amin nila Brix? Nila Mikee,Jojo at Alfred? Andito kami para sayo! Hirap sayo, hindi ka marunong magpahalaga kung anong meron ka!"

"Wag ka magsalita ng hindi mo alam.. Pinahalagahan ko si Diana ng buong buhay ko.."

"Pero wala na sya diba? Wala na! Wag mong gawing rason yun para magmukmok ka na lang dyan! Hindi habang buhay andyan sya sa tabi mo! Akala ko ba, malakas ka pero nawala lang si Diana nagkakaganyan ka na!" Unti-unting tumataas ang tono ng pananalita ko. Naiinis na talaga ako sa ugali ni Xylan! 

"Mahina ako..Akala mo lang yun.." Yumuko sya ulit.

"Kung ganun, maging malakas ka..Ang pagkawala ng isang taong mahalaga sayo ay wag mo gawing dahilan para mawalan ka ng pagasa sa buhay! Maging malakas ka para sa sarili mo...At higit sa lahat..Para sa mga taong minamahal mo.."

Ewan ko kung anong meron sa mga sinabi ko at natauhan din sya. Nagiba ang reaksyon ng mukha nya. 

Sinubukan kong lumapit at iabot ang kamay ko sa kanya ng bigla syang bumagsak papunta sa akin. Ang taas ng lagnat niya! Nahalata ko yun dahil sobrang init nya!

"Denise...Sorry..Ate..Patawad din.."

Habang hawak-hawak ko sya, tamang tama naman na dumating sila Brix na panay pasa sa mukha at katawan.

"O? Ano nangyari sa inyo? Papunta na dapat ako para tulungan kayo!"

"Edi linigpit namin yung mga seniors na yun! Wag nilang sabihin na madami sila, di na namin sila kaya! Haha!" -Mikee

"Naku, di ka na kailangan dun! Mamaya, ayaw namin masabihang niligtas nanaman kami ng isang babae! Tama na yung kausapin mo si Xylan!" -Jojo

"Ano na nangyari kay Xylan?"  -Alfred

Napansin nila na hawak ko pa din ang walang malay na si Xylan.

"May lagnat sya! Ang init nya! Anong gagawin natin?" -ako

"Dalhin natin sya sa kanila!" - Brix

"Ha? Hindi ba delikado? Andun papa nya diba?" -ako

"Wala papa nya ngayon! Nung friday lang umalis para magbakasyon kasama ang mga anak nya kaya bale ang natira dun ay yung mga katulong lang!" -brix

"Ayos! Tara at dalhin na natin sya dun!" -ako

Naghanap kami ng taxi at sila na ang nagbayad ng pamasahe.

Maya-maya, nakarating na kami kila Xylan. Sinalubong agad kami ni Manang Flor.

"Anong nangyari sa kanya?"

"May lagnat po sya! Dalhan nyo po kami ng bimpo at plangana na may tubig!"

Bumaba na kami sa servant's quarter. Nagtataka sila Brix kung bakit sa servant's quarter ko dinala si Xylan. Sinabi ko na ipapaliwanag ko na lang yun sa susunod.

Kailangan ni Xylan ng gamot kaya sinubukan ko silang utusan na bumili ng gamot.

"O, bumili kayo ng.."

"Pasensya na Denise, nakakahiya man kay Xylan pero masyado ng gabi. Pagagalitan na ako."  - Mikee

"Ganun din ako. Lalo na't napaaway nanaman ako.." -Jojo

"Bubulyawan nanaman ako ng Mama ko pag umuwi ako ng hatinggabi.." -Alfred

"Sa mga oras na ito, ginagatungan na ni Melanie ang mama ko para pagalitan ako pagdating ko sa amin.." -Brix

"Kaya..." -Jojo

"Paalam Denise! Alagaan mo si Xylan!" -Mikee



Nagtakbuhan na agad sila paalis ng kwarto. Mga lokong ito may kanya-kanyang dahilan!



ANO?! MAGSIBALIK KAYO DITO! AKO LANG MAGAALAGA KAY XYLAN MAGDAMAG?!!

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon