[ sketch - 23 ]

1.5K 14 1
                                        

"Flor, Hindi ba't ang ganda ng bago kong polo? Kabibili ko lang yan nung isang araw."

Nawala ang kaba namin ng malaman namin na titingin lang pala sa salamin ang papa ni Xylan. Parang sasabog na ang dibdib ko sa takot nung mga oras na yun.

"Aba, napakaganda nga po!"

"Mahal ang bili ko dyan! Kawawa naman si Xylan at kahit kailan ay hindi pa nakakasuot ng ganito kamahal na mga damit."

!@#$% Tatay nya ba talaga ito? Kung hindi lang ako nakapagpigil, sinugod ko na ito ang binigyan ng isang malutong na batok eh!

Sa wakas, lumabas na sa kwarto si Manang Flor at ang Papa ni Xylan. Lumabas na kami agad ng closet ni Xylan ng biglang bumaba mag isa yung zipper ng gown ko..

Tumalikod agad si Xylan.

"Wala. Wala akong nakita. Magbihis ka na agad. Tatalikod muna ako."

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!

-0-0-0-

Pagkatapos magbihis lumabas na ako ng kwarto kasama si Xylan na puno ng bukol sa ulo. ^_^

"Lika, sa likod tayo dadaan." Hinatak ako ni Xylan paakyat sa hagdan na pinagbabaan namin kanina. 

Dumeretso kami sa sala at pumunta sa garden. Andun ang Papa nya sa may driveway! Naku, paano kami makakalabas nito?

Papalapit naman ngayon sa garden ang Papa ni Xylan. Saan na kami magtatago ngayon?

"Aba, aba..."

"Patay na!" Gumulong-gulong kami sa damuhan palayo sa kanya ng..

"Hindi na pala natritrim ng hardinero natin ang mga halaman dito. Baka magmukhang gubat na ito."

"Hindi ba't sinasante nyo na ang hardinero nyo Sir?"

"Oo. Dahil pwede naman gawin ni Xylan ito. Mas makakatipid pa diba? Sabihan nyo nga siya na itrim nya ang mga halamang ito."

"Ah opo..."

"Xylan! Pigilan mo nga ako! Masasa-"

Tinakpan ni Xylan ang bibig ko. "Huwag ka ngang maingay!"

Napatingin ang Papa ni Xylan sa direksyon namin.

"Parang may narinig ako banda dun ah.."

"Naku! Baka daga lang po ang narinig nyo!"

"Patay na! Kasalanan mo ito eh!" Bulong ni Xylan.

"Alam ko na! Magdive tayo sa pool!" Kasama kong gumulong si Xylan palapit sa pool nila at

SPLASH!

Ang tanga ko talaga. Lalong makahahalata ang Papa ni Xylan na may tao dahil sa lakas ng pagkakadive namin sa pool.

"Sinasabi ko na nga ba't may tao!"

*Ring Ring*

Bago pa gumawa ng kahit anong hakbang ang Papa ni Xylan, sinagot nya na agad ang tawag sa cellphone nya.

"O? Ano? Dyan? Sige..Mamaya.." Habang nakikipagusap ang Papa ni Xylan, pumasok muna sya sa loob ng bahay. Nakahanap na kami ng pagkakataon ni Xylan para tumakas.

Umahon na agad kami ni Xylan at lumabas na ng gate.

"Pasalamat ka at may tumawag kay Papa kung hindi, nahuli na tayo. Magdive ba naman sa pool?"

"Sorry naman! Hindi naman tayo nahuli kaya okay lang yun!"

"O, kunin mo na itong gown." Inabot sa akin ni Xylan yung gown.

"Ha? Nakakahiya naman. Pangalwang beses mo na ako bingyan-"

"Sinong nagsabi sayo na bigay ko yan? Pinapahiram ko lang sayo yan. Ibabalik mo din yan pagkatapos ng debut."

Pahiya ako dun ah, nagassume agad ako na bigay nya sa akin yun. 

Hinatid na ako ni Xylan sa bahay namin at umalis na sya.

"Sige. Alis na ako ha."

"Sige!"

Tumingin ako sa orasan ko at nakita ko ang oras, alas dose pa lang ng tanghali!

NAGCUTTING NANAMAN AKO!!!!!!

Ang daming katanungan nanaman sa isip ko tungkol sa pagkatao ni Xylan. Bakit ganun na lang sya tratuhin ng papa nya? Bakit ganun na lang ang takot nya sa papa nya? Sino ang babae sa sketchpad? 

Sino nga ba ang nagmamay-ari ng gown na ito?

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon