Kinabukasan, maganda ang gising ko ng nabulabog ako dahil sa sigawan sa baba. Hindi ko na talaga kakailanganin ng alarm clock dahil sa ingay ng mga tao dito.
Pagbaba ko, nakita kong nagkakagulo silang lahat. Inaawat nila kuya si Mama. Ngayon naman, si mama ang may dalang latigo.
"Walanghiya ka! Matagal mo na pala akong linoloko! Kaya pala uuwi ka na kaagad! Wala kang kwenta!"
"Mama! Pabayaan mo munang magexplain si papa!" - kuya dave
"Oo nga naman! Pabayaan mo akong magpaliwanag!" Sabi ni Papa na takot na takot talaga kay Mama.
"Ano pa't magpapaliwanag ka pa? Maliwanag na sa akin ang lahat! Sabi mo dun sa kausap mo sa telepono, namimiss mo na si Felicia at Selena kaya uuwi ka na agad!"
Nagningning ang mga mata ko ng marinig kong uuwi na si Papa.
"Ano? Uuwi na si Papa?" Ako lang ang naiiba ang reaksyon sa kanilang lahat.
"O, Denise gising ka na pala! Nagkakagulo na dito!" Sabi ni Kuya Dexter.
"Nambabae ang papa mo at ganyan lang ang reaksyon mo?!" Sigaw ni Mama.
"O.A. nyong lahat! Si Felicia at Selena ay alagang tigre at leon ni Papa sa circus. Anong nambabae ang pinagsasabi nyo dyan?" - ako
Huminahon na si Mama. Ganun na din sila Kuya. Napahiya si Mama sa sinabi ko.
"Bakit hindi mo sinabi agad? Humantong pa tayo sa ganito!" - mama
"Hirap sayo! Hindi mo muna ako pinabayaang magpaliwanag! Daldal ka kasi ng daldal!" - papa
Hay ewan. Usual scene na ito sa bahay namin. Napagkakamalan lagi ni Mama na babae ni Papa ang mga alagang hayop nya sa circus. Si Daphne, ang elepante, Sally ang seal,Patricia ang unggoy atbp.
Pero ang masaya, Uuwi na si Papa! Yehey! Hehe, sama ko no? Pero alam ko naman na uuwi rin naman sya agad. Umuwi lang sya dahil nalaman nyang nakickout ako.
Pumasok na ako sa school. Nagingat ako na baka may bumagsak nanaman na kung ano mula sa itaas ng pintuan.
Aba, mukhang iba ang pinagtritripan nila ngayon ah. Nakita kong may binubugbog silang estudyante na hindi mula sa seksyon namin.
Inawat ko sila syempre, mukha naman kasing walang laban yung estudyante eh.
"Hoy! Wag ka ngang makialam-" - mikee
"Teka, Collin? Ikaw nga ba yan?"
Si Collin ay kaibigan ko sa probinsya namin. Andito na pala sya sa Maynila?
"Teka....Madeng?! Ikaw nga ba yan?" - collin
!@#$%^& Kelangan nya ba talaga akong tawaging Madeng? Ayos ha!"
"Madeng? Ano daw? Nickname mo? Baho naman!" - alfredNagtawanan lang ang grupo ni Xylan.
Kawawa naman si Collin, nabugbog sya ng todo ng grupo ni Xylan. Pero si Xylan, nanonood lang. Ang sama nya!
"Anong ginagawa nyo sa kanya? Paano nyo nagawang pagtulungan ang isang walang laban na tulad nya?" - ako
Nagtawanan ang grupo ni Xylan.
"Anong tinatawa-tawa nyo dyan?" - ako
"Pinagtatanggol mo yang boyfriend mo di mo nga mapagtanggol ang sarili mo sa mga bading! Wag mo nga kami patawanin!" -brixNagtawanan nanaman sila. Nakakainis na ha.
"Paano namin di bubugbugin ito? Eh tinapunan nya si Brix ng shake dahil sa kalampahan nya!" -jojo
"Ano bang nangyari dito ha Collin?" Tumingin ako kay Collin na sobrang nanginginig na sa takot.
"Pa-pano kasi..Nagmamadali na ako sa pagpasok ng di ko sinasadyang mabanga yung kasama nila. Napatapon yung dala nyang shake sa damit nya. Hindi ko naman sinasadya eh. Humingi na nga ako ng paumanhin eh."
Humarap na ulit ako sa tropa ni Xylan.
"Ayun naman pala eh! Humingi naman pala ng paumanhin eh! Bakit binugbog nyo pa?" -ako
"At sya...sya naman yung hindi nakatingin sa dinaraanan nya eh.." -collin
"Kita mo na? Kung sya lampa, ano ka? Autistic? Wala sa sarili kaya hindi nakatingin sa dadaanan?" -ako
Nangigil na sa galit si Brix.
"Hoy! Denise The Menace! Wag ka makialam dito! Napipikon na ako sayo!" - brix
"Kung gusto kong makialam?" -ako
"Lalaban ka?" - brix
"Kung kinakailangan!" -ako
"Wohoooooo! Laban na!" sigaw ng mga classmates ko.
Mapapalaban ako ngayon. Kaso nga lang paano ito, may pilay pa ang kanang braso ko at may gasa pa sa kaliwang mata ko. Hindi ako makakalaban ng maayos. Pero bahala na.
Sumugod na si Brix. Susuntukin nya dapat ako pero nakaiwas ako agad. Seryoso talaga sya ha! Pumapatol talaga itong lokong ito sa mga babae!
"Brix! Kaya mo yan! Turuan mo ng leksiyon ang babaeng yan! " -mikee
Habang sinusugod ako ni Brix. Nanonood lang ng maigi si Xylan. Hmp. Akala ko iba sya sa kanila. Ganun din pala sya, walang pakialam. Bwiset talaga sya.
Panay lang ang iwas ko hanggang sa macorner nya ako sa classroom.
"Tignan natin kung makakaiwas ka pa ngayon! Kanang mata mo na ang malalagyan ng gasa sa gagawin ko!"
Pumikit na lang ako at habang hinihintay ang pagsuntok nya.
"Brix, nagugutom na ako. Tara na, wag na natin pagaksayahan ng oras yan.." -xylan
Pagmulat ko, saktong ang kamao ni Brix ay nasa harap na ng kanang mata ko.
"Wrong timing naman yang gutom mo Xylan! Ang init-init ng laban eh!" Sabi ni Jojo.
"Tama ka. Tara na, nagugutom na din ako eh. Hindi naman ako mabubusog sa paglaban sa mga mahihinang tulad nila." -brix
Nakahinga na ako ng maluwag.
"Hoy lalakeng duwag! May araw ka rin sa amin! Lalo ka na Denise The Menace!" Pagbabanta ni Brix. Sya talaga ang pinakanakakabwiset sa grupo ni Xylan. Ay, mali. Pantay lang sila ni Xylan. Silang dalawa ang pinakanakakabwiset!
Pinuntahan ko si Collin na nanginginig sa sulok. Di na talaga nagbago ito, duwag parin hanggang ngayon.
"Collin, okay ka lang? Wag ka ng matakot..Hindi ka nila guguluhin habang andito ako.."
Dumaan si Xylan sa likod ko at kinuha ang bag nya sa upuan nya.
At narinig ko syang bumulong...
"You owe me one.."
BINABASA MO ANG
SKETCH [ Book 1 ]
RomanceAbangan ang magiging papel ng isang "sketch" sa buhay nina Xylan at Denise...