[ sketch - 4 ]

2K 27 1
                                    

Nagkulong muna ako sa kwarto. I need some time alone. Paano na? Hindi ako sanay ng ganito. Kailan kaya uuwi si papa? Nakakainis naman. Sana linatigo nya na lang ako. Pero alam ko naman di nya kayang gawin yun eh. Naku badtrip talaga. 

"tok tok tok"

"Bawal mangistorbo!"

"Pahiram ng cd ng Melancholic Rhapsody! Icocopy ko lang sa computer ko!" - kuya denver

"Ako rin, pahiram ng cd ng Waiting List!" - kuya dexter

"Pahiram muna ng bola mo! Maglalaro kami ng mga katropa ko!" - kuya dave

Binuksan ko ang pinto. Ang dami naman nilang kailangan! 

"Musta first day of classes?" Umupo si Kuya Denver sa harap ng CD rack ko at naghalungkat ng mga cd.

"Hindi okay.."

"Bakit naman?" Tanong ni Kuya Dexter. Tumabi sya kay Kuya Denver at naghalungkat din ng mga CD.

"Basta..."

Tapos, bigla kong naalala yung tungkol sa brothers of doom.

"Kuya, ano yung taguri nila sa inyo na Brothers Of Doom?"

Matapos kong sabihin yun, nagtawanan silang lahat. 

"Anong meron dun?" - ako

"Haha! Ewan..Yun tawag nila samin eh.." Kinuha ni Kuya Dave yung bola ko ng basketball sa cabinet ko.

"Mga basagulero at troublemakers kami NOON eh." Sabi pa ni Kuya Denver. Nakuha nya na yung cd na hinahanap nya at inayos nya na ang kinalat nyang mga CD.

"Talaga? Wow naman! Kaya pala parang kinakatakutan kayo dun!"-ako

"Oo naman! Kahit ng mga teachers! BWAHAHAHA!" - kuya dexter

"Eh si Mr. De Guzman? Anong nakaraan nyo nun?"- ako

Lalong lumakas ang tawanan ng tatlo kong Kuya.

"Aba, ibagsak ba naman ako sa subject nya porket di ako pumayag na sumama sa bahay nya para magpaturo!" Umupo si Kuya Denver sa kama ko at tinabihan ako.

"Anong masama dun? Buti nga tinutulungan ka eh" 

"Masama yun! Kasi may pagnanasa yun sakin eh!" Sabi ni Kuya Denver sabay tawa nanaman.

"Paano kayo gumanti?" 

"Lakas talaga ng hatak ni Denver sa mga bading no?" Sabi ni Kuya Dave kay Kuya Dexter at nakipagpapir pa sya.

"Bibigay na nga dapat eh! Haha!" - kuya dexter

"Manahimik nga kayo! Sinabit lang naman namin sya sa flagpole!" Kaya pala. Di na nakakapagtaka na mainit ang dugo sakin ni Mr. De Guzman!

"Eh...Yung Xylan? May kilala ba kayong ganun?"

Naging seryoso ang mukha nila Kuya.

"Yun? Kakaiba yun eh...Ang angas.." - kuya denver

"Wag mong kakalabanin yun Denise...Malakas yun..." - kuya dave


"Malakas? Haha! Hinagisan ko lang naman sya ng balde kanina sa mukha! Haha!" Pagmamayabang ko pa.

"Hindi naman yun gaanong nagseseryoso sa laban eh...Pero malakas yun.." - kuya denver

"Pero pag si Diana Lyn Buenavista na ang ginalaw mo..Ibang usapan na yan.." - kuya dexter

"Sya ang natatanging lower year na nakagasgas sa maganda kong mukha noon." Sabi ni Kuya Dexter with matching hawak pa sa kanyang baba.

"Bakit? Nakasagupa nyo na ba sya dati? Kwento nyo naman!"

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon