[ sketch - 21 ]

1.6K 16 0
                                        

Tatakbo na sana ako paalis para habulin ang van kaso pinigilan ako ni Brix.

"Huwag padalos-dalos. Hindi natin sila kakayanin ng tayo lang..Kailangan natin ang tulong ng iba pa nating classmates."

"Tama! Magandang ideya yan! heto at itetext ko sila Arvin!" Nilabas ni Jojo ang cellphone nya at nagsimula ng magtext.

"Tatawagan ko naman ang grupo nila Jay!" NIlabas ni Brix ang phone nya at nagdial.

"Pero...Hindi pa nga natin alam kung saan tayo magsisimulang maghanap? Malay ba natin kung saan dinala si Xylan diba?" -ako

"Tama ka nga dyan Denise! Paano nga ba?" -mikee

Maya-maya narinig na namin na may kausap si Brix sa cell.

"Jay! Si Xylan kinidinap! Kinuha sya ng mga armadong lalake at sinakay sya sa isang blue na van!"

"Ano? Nasa highway ka? May natatanaw kang blue na van? Ah teka.." Humarap si Brix kila Mikee.

"Mikee! Naalala nyo ba yung plate number nung van?"

"Ha...Teka...TS...Nalimutan ko na!" - mikee

"TSR pare! Anong sunod dun Jo?" -alfred

"512! TSR 512! Tama! Yun nga ang nakita ko!" -jojo

"Jay, TSR 512! Yun ba? Ha? Yun? Sige...Magkita-kita na lang tayo dyan ha! Aalis na kami agad dito!" -brix

Tinago na ulit ni Brix ang phone nya.

"Ano raw sabi?"

"Nagdridrive ngayon sila Jay sa highway at nakita nila yung blue na van! Mukhang papunta daw ng 11th Ave! Kung magtratrain tayo! Mapapabilis tayo kaya't tara na!"

Hanga din ako kay Brix. Kahit hindi sila gaanong nagkakasundo ni Xylan, makikita mo na sobra ang pagaalala nya para sa kaibigan nya.

Umalis na agad kami sa parking lot at pumunta na agad sa pinakamalapit na istasyon ng train. Sumakay na agad kami. Hindi parin mawala ang kaba ko dahil kay Xylan. Natatakot ako na baka saktan sya nung mga lalakeng yun. Habang nakasakay sa train, nakayakap ako ng mahigpit sa gown na binili nya sa akin.

Maya-maya nagring nanaman yung phone ni Brix. Sinagot nya naman ito agad.

"Hello? O ano ng balita? Ano? Sige..Dalawang stasyon na lang...Magkita na lang tayo sa stasyon ng train okay?"

Hinang-up nya na yung fone at 

"Guys,  dinala daw si Xylan sa warehouse daw malapit sa 11th Ave Cemetery!"

"Ganun ba? Sabi naman nila Arvin medyo matatagalan sila dahil traffic!" -jojo

Maya-maya nakarating na kami sa 11th Ave. Pagkababa sa train at pagkaalis sa stastyon, kinausap ako ni Brix.

"Maiiwan ka muna dito ha? Baka madamay ka lang kapag sumama ka pa sa amin."

Ano? Hanggang ngayon pala, wala parin tiwala si Brix sa kakayahan ko!

"Bakit? Kailangan kong sumama!"

"Wag ka ngang makulit! Nagaalala lang ako na baka mapahamak ka! May mga dala silang baril! Babae ka pa naman! Kaya huwag ka ng sumama okay?!"

Akala nya ba porket babae ako, wala akong magagawa? Ayos din sya ha!

"Wala kang karapatan na sabihan ako kung ano ang dapat at di ko dapat gawin! Bestfriend ko si Xylan at hindi ko magagawang tumayo na lang dito at maghintay habang nasa kamay ng mga lalakeng yun si Xylan! Ilang beses nya na ako linigtas kaya ngayon, ako naman ang magliligtas sa kanya!"

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon