It took my mind a few minutes to register what happened....
Hindi...
Hindi ito maari...
WE KISSED ACCIDENTALLY! OH HINDE!
Tinulak namin ang isa't isa at pareho kaming natulala.
"Bakit sa lahat pa...Ikaw pa...Nasayang ang 1st kiss ko!"
Napatulala ang tropa ni Xylan.
"Oh? Eh ano ngayon? Lalampa-lampa ka kasi." Tumayo si Xylan. Kalmado parin sya matapos ang nangyari?
"Hoy, kayo. Tara na, nagugutom na ako." Sinenyasan nya na ang mga kaibigan nya. Humabol na sila kay Xylan. Kita parin sa mukha nila ang pagkagulat sa mga pangyayari.
Ako. Nakatulala pa din. Nakakainis talaga. Sa lahat pa ng tao. Bakit sya pa!
Tumakbo ako patungong banyo para maghilamos at hugasan ang bibig ko.
"Yak! Yak talaga! Humanda ka sakin Xylan! Hinding hindi kita tatantanan!"
Gusto ko ng umuwi. Hindi ko na kaya ang pressure ngayong araw na ito. Pero paano ako makakalusot sa guard? Pagpunta ko sa gate, may dalawang guard na nagbabantay. Hinarangan nila ako as expected.
"Miss, di ba't may klase pa kayo? Hindi nyo pa uwian ngayon." Sabi nung payat na guard.
"Huh? Eh pinauwi na kami ng maaga ng teacher namin eh.." Nagsinungaling na lang ako. Bahala na.
"Imposible yun. Sino yung teacher na yun? Anong pangalan mo at section?"
"Huh? Nakalimutan ko eh...Denise Buendia..Section 3AD.."
Parang nakakita sila ng multo nung narinig nila ang sinabi ko.
"Siguro nga...Sya nga...Kapatid sya ng Brothers Of Doom..."
*sa isip ng mga guard, may 3 black figures resembling yung 3 brothers ni Denise. At taning nakikita ay ang mata nila na mistulang kulay pula*
"Si...si...ge...Pwede ka ng lumabas.."
Huh? Weird ha? Anyway, sige..Magandang opportunity ito..
Habang nakasakay sa jeep pauwi, napapaisip ako. Ayokong makuha ang respeto nila at matakot sila sakin dahil sa mga kapatid ko, kung ano man ang reputasyon nila sa CSDA. Gusto kong makuha ang respeto nila at makagawa ng pangalan, gamit ang sarili kong paraan!
At ang itatawag nila sa akin ay....
“Denise The Menace!” Bigla kong narinig nanaman ang boses ni Xylan na sinasabi ang mga katagang yun...Bwiset! Nakakainis! Paulit-ulit na naririnig ng tenga ko. Ayoko na!
Magiisip ako ng magandang title! Hindi Denise The Menace! Naku, naalala ko tuloy ang bwiset na Xylan na yun!
Naalala ko din tuloy yung kiss! Nakakainis! Kahit saan ata ako tumingin, yung eksenang yun ang palagi kong nakikita! Kahit ipikit ko pa ang mata ko!
Nababaliw na ako dahil sayo!!!!
Teka, lampas na ako!
"MAAAA! PARAAAAAAAA!"
Prumeno bigla yung driver dahil sa sobrang lakas ng sigaw ko. Nagtinginan sakin ang mga pasahero. Nakakahiya. Bumaba na lang ako agad. Bakit parang kabado ako? Hmmm..
Pagdating ko sa bahay, nakaabang sa labas si Kuya Dave,Denver at Dexter. Nakakapagtaka, wala ba silang pasok?
"Naku, patay kang bata ka! Ngayon ka pa nagisip na magcutting! Hindi nyo pa uwian diba?" - kuya denver
"Bakit ba? Andyan ba si Mama? Di naman siguro magagalit yun...First day of classes pa lang naman eh.."
"Hindi...Si Papa..." - kuya dexter
"Si...Si... PAPA?!" - ako
"Oo. Si papa nga. Umuwi sya agad ng malaman nyang naexpel ka sa St. Anne's Academy." - kuya dave
Lumabas si Papa. Nakangiti sya. Aba, himala. Yehey! Di nya ata ako pagagalitan!
Pagpasok sa bahay, narealize ko na mali pala ang akala ko.
"BAKIT ANG AGA MO UMUWI NAGCUTTING KA NANAMAN ANO? WALA KANG KADALA-DALA! NAKICK OUT KA NA NGA SA ST. ANNE'S ACADEMY TAPOS DI KA PARIN NAGBABAGO!"
"Asan pasalubong ko?" naghalungkat ako sa mga balikbayan boxes. Baka sakali kalimutan nya muna ang pagsesermon sakin.
"MAY GANA KA PANG HUMINGI NG PASALUBONG! ABA'T GINAGALIT MO TALAGA AKO!" Nilabas ni tatay ang latigo nya. Latigo yun na ginagamit nya sa mga hayop sa circus na pinapasukan nya sa Saudi.
Wala na akong nagawa pa kundi takpan ang mga mata ko.
"Pa naman! Wag mo naman gamitin sa kanya yan! Sobra ka naman! Ako na lang po!" - kuya denver
"Onga papa! Kawawa naman si Denise! Ako na lang po!" - kuya dexter
"Kami na lang papa!" - kuya dave
Humarang silang tatlo sa harap ni Papa.
Nakakatouch naman ang mga kapatid ko. How sweet.
"Hindi..Nagiba isip ko. Icucut ko na lang ang allowance nya. Pero tutal, kayo naman ang nagprisinta, allowance nyo na lang ang icucut ko."
"Ay...Pa, disiplinahin nyo yan si Denise. Tsk tsk. Namimihasa na yan eh." - kuya denver
"Oo nga eh. Wala ng paggalang samin. Palibhasa spoiled samin!" - kuya dexter
"Tama kayo. Icut nyo na po ang allowance nya, wag lang yung amin. Baka lumabas kinukunsinte namin ang kakulitan nyan eh." - kuya dave
Nagiba ihip ng hangin ah! Upakan ko kaya ito isa isa?
PAK! PAK! PAK!
Pinalo ni Mama ng dyaryo sa ulo sila Kuya. Buti nga. Mga bwiset.
"Wag ka naman ganyan sa bata. Kawawa naman. Lumaban lang naman sya sa nagtapon ng mango shake sa kanya eh!" - mama
"O anong napala nya? Natanggal sya sa St. Anne's? Ang ganda pa naman ng eskwelahan na yun. Ayoko sa CSDA na yan! Lalo syang matutulad sa mga kuya nya!" - papa
"Masaya po sa CSDA! Mas maganda pa sa St. Anne's!" -ako
"Kita mo na? Naimpluwensyahan na sya ng mga tao dun!" -papa
"Pero give some considerations naman.." - mama
"Sige.. Simula ngayon, ayoko ng gagawa ka ng kalokohan sa school. Bawal na ang cutting classes. Bawal na ang pagawa ng mga violations. At higit sa lahat bawal na ang mga basag-ulo! Kung hindi, tatangalin kita sa CSDA at sa ibang exclusive school ulit kita pagaaralin! At icucut ko na din ang allowance mo!" - papa
"Huh? Paano po pag inaway ako? Pag sinaktan nila ako? Physically or verbally? Can't I fight back physically or verbally?"
"NO YOU CAN'T! Pag inaway ka, magsumbong ka sa teacher mo!" - papa
"Gawain naman yun ng mga gradeschoolers eh.." Napakamot ako sa ulo ko.
"Ah..So cut ko allowance mo at ililipat kita sa exclusive school?" - papa
"O Sige na! Nakakainis naman!"
Paano na? Paano na lang ako makakalaban sa mga taong mangaapi sa akin sa school? Paano ko madedepensahan ang sarili ko? Lalo na sa grupo ni Xylan?

BINABASA MO ANG
SKETCH [ Book 1 ]
RomanceAbangan ang magiging papel ng isang "sketch" sa buhay nina Xylan at Denise...