[ sketch - 33 ]

1.4K 13 1
                                    

“Ayoko parin ilayo mo na sa akin yang asong yan”

"Ang sama mo! Gusto mong kasuhan kita ng Cruelty To Animals?"

"Di ko akalain na ang mga matitigas na tulad mo, lumalambot ang puso sa mga hayop."

“Bahala ka nga dyan! Inumin mo na gamot mo at matutulog ka na!”

“Hindi ako matutulog ng may aso sa kwarto"

"Bakit naman? Hindi ako matutulog ng hindi sya kasama!"

-0-0-0-

Okay, pinandigan ko na hindi ako matutulog ng wala si X-Rae kaya eto at nasa labas ako at natutulog. Hindi ako matutulog sa sala o kahit saan pang kwarto dito! Nakakatakot ang bahay ni Xylan pag gabi! Ang laki na, ang dilim pa! Gusto ko sanang puntahan si Manang Flor, kaso hindi ko alam kung saan syang kwarto natutulog dito sa Servant's Quarter. Natatakot na nga ako dito sa katayuan ko eh! ANg lamig lamig pa! Pakiramdam ko, lahat ng buhok ko sa katawan nagtayuan na!

*THUNDER SOUND EFFECTS*

Waaaaaaaaaaaaa! Ayoko na dito! Natatakot ako sa kulog! Pero ayokong malaman ni Xylan. Baka sabihin nya, kulog lang natatakot pa ako. Buti na lang at hindi ko ugali ang tumili kapag natatakot. Hindi lang naman ako ang natatakot kundi pati itong si X-Rae na panay ang tahol.

Naalala ko, pag natatakot ako na ganito, kumakanta ako! Tama! Kakanta na lang ako! Para makatulog na din itong si X-Rae! 

Hmmmmm...Alam ko na! Akin Ka Na Lang! 

Nagsimula na akong kumanta, kaso nga lang, parang hindi umeepekto dahil panay parin ang tahol ni X-Rae! Hindi ba sya natutuwa sa pagkanta ko?

"Akin ka na lang! Iingatan ko ang puso mo! Akin ka na lang!"

Biglang bumukas yung pinto sa kwarto ni Xylan. Muntik na akong atakihin sa puso! Si Xylan lang pala.

"Hoy! Kayong dalawa! Tigil nyo ang pagtahol dyan! Kung ayaw nyo matulog, magpatulog kayo!"

"Ako natahol? Kumakanta ako!"

"Kaya nga eh, hindi pagkanta tawag dun."

"Bwiset na ito!" Babatukan ko sana sya, kaso pinagsarhan nya ako ng pinto. Naku, nagsisi ako at dito ako natulog dito sa bahay nila!

Tumigil na ako sa pagkanta. Bumalik nanaman yung takot ko. Wala pang ilang minuto, bumukas nanaman yung pinto.

"Pasok na. Matulog ka na."

"Ayoko nga! Diba sabi mo di ka matutulog kasama si X-Rae?"

"Pwede mo na syang isama."

"Ayoko pa rin! Isa lang ang kama dyan! Hindi ako matutulog sa iisang kama ng kasama ka!! Dito na lang ako sa labas!"

Hindi na umimik si Xylan at bigla nya akong binuhat!

"Hoy! Ibaba mo nga ako!" Pinagpapadyak ko yung paa ko kaso ayaw nya talaga akong ibaba. Hinagis nya ako sa kama at humiga na din sya. Nasa dulong dulo na sya ng kama at nakatalikod sa akin.

"Matulog ka na ha.." Tapos, nagtakip sya ng kumot. Mukhang may lagnat pa sya dahil nilalamig pa din sya. 

Tumalikod na lang ako sa kanya. Weird talaga ng taong ito. Nakakainis. Hay, ako naman ang nilalamig ngayon. Kaso mukhang di kami kasya sa kumot kaya nagtiis na lang ako.

Maya-maya pagharap ko tamang tama na humarap din sya.

"Linalamig ka no?"

"Ha? Hindi..Okay lang ako dito..Kaya matu-"

Lumapit sya sa akin at yumakap sya. Hindi ko malaman ang gagawin ko! Pumalag ako pero ang higpit ng yakap nya sa akin.

"Okay lang sabi ako!"

"Manahimik ka na dyan at matulog na."

Ngayon, hati na kami sa kumot. Hindi na ako giniginaw pero naiilang parin ako sa pagkakayakap sa akin ni Xylan.

Habang nakayakap sa akin si Xylan, nasa gitna naman namin si X-Rae! Nakakahinga pa kaya sya sa sobrang higpit ng yakap sa akin ni Xylan?

Hindi ako makatulog kaya magdamag akong nakatulala lang at nakatingin sa natutulog na Xylan.

-0-0-0-

Pagising ko, umaga na. Hindi ko akalaing makakatulog pala ako. Wala na si Xylan sa tabi ko at pati na rin...SI X-RAE!

Nagpanic agad ako! Baka kung anong ginawa ni Xylan dun! Baka binenta nya! Baka inihaw nya! Baka..Baka..

Napatingin ako sa mesa at nakita kong mahimbing na natutulog si X-Rae sa isang basket na may kasamang maliit na kumot at unan. Hmmm..Sino kaya nagayos nito? Imposible naman si Xylan..Siguro si Manang Flor..

Lumabas na ako ng kwarto  para hanapin si Xylan ng makasalubong ko si Manang Flor.

"Salamat po sa paggawa ng higaan ni X-Rae!"

"Ha? Hindi po ako ang gumawa nun.."

"Si Xylan po ang gumawa nun kaninang madaling araw.."


SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon