[ sketch - 19 ]

1.6K 18 0
                                    

Si Mama talaga. Yan ang napapala ng kakapanood ng mga telenobela sa TV. Kitang kita sa mga mata? Anong kakornihan yun? Haha. Mama talaga oh.

Hindi ko na lang pinansin si mama at hinanap ko ang ATM card ko sa drawer ko. Teka, nawawala! Nasaan na yun?

Bumaba agad ako para tanungin sila Kuya. Panigurado sila nanaman ang kumuha nun!

"Kuya! ATM card ko?!"

"Hihiramin muna namin! Pasensya na ha! Humingi ka na lang ng pera kay Mama!" -kuya dexter

"Ano ba naman yan! 500 lang dala ko ngayon! Anong mabibili ko nito?" 

"Wag ka magalala ako na bibili ng gown mo." -xylan

ANO?!

"Anong sabi mo?!" Napatingin ako kay Xylan.

"O yun pala eh, ibibili ka na ng boyfriend mo. Wag ka magalala, babayaran naman namin eh!"  -kuya denver

Naku, nakakahiya naman kay Xylan! Teka, anong pambibili nya ng gown? Nakikipagsabong pa nga sya para lang may pangdate tapos ibibili nya pa ako ng gown?!

"Sige, aalis na po kami." hinila ako ni Xylan palabas ng bahay.

"Wag ka magaalala, babayaran ko na lang pag binalik na nila kuya ATM card ko."

Hindi umiimik si Xylan. Dere-deretso sya sa paglalakad.

"Hoy nakikinig ka ba?"

Hindi parin ako pinansin ni Xylan. Naiinis ako at inunahan ko sya at saka sya hinarap.

"Hoy! Ano ba? Makinig ka sabi-"

Hinila ako ni Xylan at sa lakas ng hila nya, pareho kaming bumagsak. Saka ko napansin na nasa tawiran na pala kami at muntik na akong mahagip ng sasakyan.

Naalala ko itong posisyon na ito...

Ito yung...

*flashback sa staircase kissing scene*

Tumayo agad ako at ganun din si Xylan.

"SA SUSUNOD NGA TIGNAN MO DINADAANAN MO! MUNTIKAN KA NA DUN AH! TANGA KA BA TALAGA? ISA KA TALAGANG NAPAKALAKING MENACE!"

Ang O.A. nya ha! Kailangan bang sumigaw?

"PASENSYA NA HA! SINO BANG NAGSABING SUMAMA KA SA ISANG MENACE NA TULAD KO HA?!"

"Ah, may gana ka pang sigawan ako, matapos kong iligtas ang buhay mo?"

Aba, sa kauna-unahang pagkakataon. Deretsahan nyang sinabi na niligtas nya ako. Pero nakakainis parin! Kailangan ba nya akong sigawan?

"Tara na nga, wala tayong matatapos nito kung magaaway tayo dito sa daan."

Sumakay na kami ng jeep at saka sumakay ng tren. Nagpunta kami sa isang malaking Mall sa 7th Ave. 

"Kumain ka na ba?" -xylan

"Hindi pa! Paano ba naman, dadating ka na lang ng walang pasabi! Hindi tuloy ako nakapagalmusal! Alam mo bang kagigising ko lang nung dumating ka?"

"Tinatanong ko lang kung kumain ka na, ang dami mo pang sinabi. Edi kumain na muna tayo."

"NAKU!!! PASALAMAT KA TALAGA! PASALAMAT KA, MAH-"

"Ma?"

"MARAMING NAGMAMAHAL SAYO KUNDI BAKA KUNG ANO NG NAGAWA KO SAYO!"

Pumunta kami sa isang japanese restaurant na malapit sa entrance. Naghanap kami ng puwesto at umupo na.

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon