[ sketch - 10 ]

1.7K 22 0
                                    

"Collin tara, dadalhin kita sa clinic. Para mapagamot natin yang mga sugat mo." Sabi ko sa kanya habang tinutulungan ko syang tumayo.

Habang papuntang clinic nadaanan namin ang canteen at nakita naming kumakain ang buong tropa ni Xylan maliban sa kanya. Diba siya ang nangyaya na kumain na sila? Bakit hindi sya kumakain? Labo talaga ng lalakeng ito.

Naghiyawan ang tropa ni Xylan nung makita nila kami ni Collin.

"Uyyyy! Ang sweet nyong dalawa ah! Bagay talaga kayo!" - alfred

"Oo nga! Magsama kayong parehong mahina!" - mikee

Nagtawanan sila as usual. Hay nako wala akong panahon na pansinin sila.

"Sige, mauuna na ako sa inyo. Dun muna ako sa rooftop." 

Tumayo si Xylan at umalis sa kinauupuan nya at iniwan sila.

"Ano problema nun? Mukhang mainit ang ulo?" -jojo

"Di ka na nasanay dyan kay Xylan. Kakaiba mood swings nyan." -brix

Tinuloy nila ang pagkain at ako naman dinala ko na si Collin sa clinic.

"Sige ha, iwan na muna kita dyan. Magsumbong ka lang sa akin kapag may ginawa ulit sayo yung mga lokong yun!"

"Okay! Sige! Bye!"

Paglabas ko, nakita kong wala na sila sa canteen. Siguro nasa rooftop sila? Naisip ko na sundan sila sa rooftop. Hindi pa ako nakakaganti sa kanila eh.

Pagakyat ko, nakita ko na may kalaban silang mga fourth year's! Ano nanaman bang gulo itong pinasok nila? Pito yung mga seniors na kalaban nila. 

Nakasilip ako sa bahagyang nakabukas na pintuan ng fire exit. Sa tabi ng pintuan, nakasandal lang si Xylan sa pader. Parang walang nangyayaring away sa harap nya ah! Sana hindi nya ako makita dito!

"Kayong mga Juniors! Wag kayong maghari-harian dito ha!" Sabi nung isang matangkad na lalake na mukhang adik dahil sa haba ng buhok. 

Sinagot naman sya ni Brix,

"Teka, sino ba naghahari-harian sa atin? Sa tingin nyo pagaari nyo ang buong eskwelahan at sinasabi nyo sa amin kung saan kami dapat at di dapat tumambay?"

Si Brix talaga! Saksakan ng warfreak! Pero yung mukhang adik naman ang nauna!

"Idadaan pa ba natin sa usapan ito? Upakan na ito!" Sumugod na si Mikee, sumunod na din sa kanya ang mga kasama nya maliban kay Xylan na nakasandal pa din.

Mukhang dehado sila dahil pito laban sa lima. 

"O? Bakit nakatanga ka lang diyan? Nanginginig ka ba sa takot sa amin? Bagsak na yung iba mong kasama oh."

Susuntukin dapat nung parang lider nung seniors si Xylan pero nakaiwas si Xylan at sa halip, pader ang nasuntok nung senior. Napasigaw sa sakit yung senior.

Habang nanonood at nakasandal parin sa pintuan, hinila ito bigla ni Xylan at napatumba ako.

"O yan, para mas maganda ang view mo. Hindi ka ba nahihirapan na sumilip?"

HMP! Paano nya nalaman andun ako? Kainis sya!

Tumayo ako at binatukan ko sya.

"Bakit mo ginawa yun? Natumba tuloy ako!"

"Bakit ka ba andito? In the first place, hindi ka naman dapat nandito."

"Pakialam mo ba? Sino ka para sabihin kung saan ako dapat at di dapat pumunta!"

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon