[ sketch - 8 ]

1.7K 24 2
                                    

"Kasi yang mga bading na yan, matagal ng pinagtritripan si Diana! Ayan, at sinulatan ng kung ano-ano yung kotse ni Diana. Kaya ayan ang napala nila ngayon." - jojo

HUWAT?! Pahiya ako dun ah. Akala ko pa naman, ako yung pinaghihiganti nya. Tss. Yan ang hirap pag basta-basta na lang sumasabak sa kung ano eh.

"Xylan! Stop this na! Ayoko na ng ganito! Itigil mo na ito!" - diana

"Sige..Basta wag ka na nilang guguluhin pa." - xylan

"Hoy kayo! Alis na kayo dyan! Bilisan nyo! Baka magiba pa isip ko!" - xylan

Nagtakbuhan ang tatlong bading. Nagalisan na din yung ibang tao. 

"Maguusap yang dalawang yan. Tara't umalis na tayo." -brix

Umalis na din ang tropa nila Xylan. Ako naman, wala nakatulala pa rin. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Ano ba? Bakit mo ba ginagawa ito?" - diana

"Kasi ayokong ginugulo ka nila. At..Basta.." Tipid talaga sumagot ng kumag na ito.At Basta? May iba pang dahilan?

"Bakit nga? Pagod na ako sa pagiging over protective mo! Ano ba tayo? Wala naman diba? Hindi kasi kita maintindihan eh! Ilang taon ka ng ganito!" - diana

"Gusto lang kitang protektahan. Yun lang. At may iba pa akong personal na dahilan.." - xylan

Ay nako! TORPE PALA SI XYLAN! BAKIT KASI HINDI PA DERETSUHIN EH! NYAHAHAHA! Iba pa daw dahilan? Ano pa kaya yun?

"Yun lang? Yun lang ba ang masasabi mo?" - diana

"Huh? Eh sa yun lang eh." - xylan

"You're hopeless. Wala kang mapupuntahan kung ganyan ka. Sige, aalis na ako." - diana

Sumakay na sa kotse si Diana. SI Xylan, nakatayo parin sa kinatatayuan nya. Bigla syang lumingon at nakita nya akong nakatayo lang din.

"O? Anong tinatayo-tayo mo dyan?" 

"Ha? Ah...Eh...Wala! Uy hindi ako nakikinig sa pinaguusapan nyo kanina ah!" Nice move. Mukha kang tanga dyan.

"Oo nga. Obvious naman eh. Defensive ka nga eh." Napakasarcastic ng dating nya. SObra.

Wala naman ako sa school eh. Hindi naman masama kung gagawin ko ito? Isa lang. Please lang. Nangangati na talaga ako eh.

PAK!

Naghighkick ako at sinipa ko si Xylan sa ulo. Napaupo sya nun.

Napahawak si Xylan sa ulo nya sa sakit.

"At para saan yun? Weird ka talaga. Ako, nagagawa mo laging saktan pero yung mga bading na yun, hindi ka man lang lumaban."

"Wala. Ganyan ako magsabi ng pasasalamat.." Ano ba itong pinagsasabi ko?

"Diba sinabi ko na sayong hindi naman kita-"

PAK!

Binatukan ko ng malakas si Xylan. Ewan ko ba. Ang sarap ng pakiramdam ko pag nasasaktan ko sya eh!

"Kahit na, kung hindi ka dumating, malamang hindi lang ganito ang inabot ko. Kaya salamat na din kahit hindi mo intensyon na tulungan ako."

"Tss. Sana nga hindi na lang ako dumating. Puro sipa at batok inaabot ko sayo eh. "

PAK! 

Binatukan ko pa ng isa si Xylan.

May naalala nanaman ako! 

"Para san nanaman ba yun?"

"Bakit nyo pinagtulungan yung mga bading? Alam mo naman na wala silang laban sa inyo eh! Hindi kayo patas lumaban! Anong klase kayo?!"

Nagiba ang reaksyon ng mukha ni Xylan.

"Di rin naman sila patas lumaban eh. Pinagtulungan nila ang isang kawawang menace na tulad mo."

Nagulat ako sa sinabi nya. Kahit sya nagulat din ata sa sinabi nya.

"Ano?!" Napalakas ata ang sabi ko nun.

"Ha? May sinabi ba ako? Wala. Sige. Alis na ako. Nagaaksaya lang ako ng oras sa pakikipagusap sayo." 

Edi totoo nga. Ginanti nya nga rin ako sa mga bading na yun? Ayaw nya lang aminin? Ano ba talaga?


SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon