[ sketch - 28 ]

1.4K 14 2
                                    

Nung mga oras na yun, hindi ko alam kung bakit ako andun. Bakit kailangan ko marinig ang mga katagang yun? Eto ang napapala ko sa pakikinig ng conversation ng ibang tao. Teka, ano nga ba ang napala ko?

Edi, isang nasasaktan na puso. 

"Okay..I promise..I'll stay..Walang magbabago sa pagkakaibigan natin.."


Teka, sino yung papalapit na yun sa balcony? Si Kelvin! Patay na! Kailangan hindi nya makitang magkasama si Diana at Xylan!

Lumapit agad ako kay Kelvin. "Hi! I'm Denise, and you are?"

"Umalis ka nga sa harapan ko." Binangga nya ako at tumuloy sa balcony. 

"Sinasabi ko na nga ba!" Sumugod agad si Kelvin kay Xylan at sinuntok ito. Napatilapon si Xylan sa sahig.

"Please stop! We were just talking!"

Sumuntok pabalik si Xylan. Tamang tama, nagsidatingan na yung mga tao mula sa dining hall. Kasama na ang pamilya ni Kelvin at Diana! Naku, patay! Paano na ito?

"How dare you! Bakit mo sinasaktan ang anak ko?" Sabi ng Papa ni Kelvin.

Lumapit agad si Kelvin sa Papa nya at sinabing,

"Itong lalakeng ito, sinabihan ko ng lumayo kay Diana, ayaw makinig! Kaya sinuntok ako!" 

Aba, sino ba nauna sa inyong dalawa? Diana, ipagtanggol mo naman si Xylan!

Tahimik lang si Diana. Ganun din si Xylan.

"Tama nga ang sabi ng Tito Roman mo! Sakit ka nga ng ulo! Wala kang mabuting maiidulot sa anak namin! Simula ngayon, umpisahan mo ng layuan sya! Ayaw na namin makita kayong magkasama!" Sabi naman ng Papa ni Diana. 

Hinarap ng Papa ni Kelvin si Xylan at dinuro-duro ito.

"Idedemanda ka namin sa pananakit mo sa anak namin!"

Hindi na, hindi na talaga ako makakapagpigil. Bwiset na yan! Pinagtulungan na si Xylan!

Pumasok ako sa balcony at hinarap ang magulang ni Diana at Kelvin.

"Si Kelvin ang nauna! Nakita ko! Naguusap lang sila ni Diana tapos bigla nya na lang itong sinuntok! Xylan! Ipagtanggol mo ang sarili mo! Sabihin mong hindi ikaw ang naunang nanuntok! Diana! Nakita mo lahat diba? Bakit ayaw mo magsalita?"

Parehong tahimik si Xylan at Diana. Bakit hindi sila magsalita?

"At sino ka naman?"

"Don't believe her! Isa sya sa kasama ni Xylan nung pinagbantaan nila ako! Anim silang lahat! Sila yun!"

Ano? Ang hilig nya mambaliktad ng sitwasyon! Hindi ba't sya ang nagpadala ng mga goons para kidnapin si Xylan?

"Sinungaling! Ikaw nga nagpakidnap kay Xylan para pagbantaan sya diba?"

"Dahan-dahan ka sa pananalita mo! Baka pati ikaw ay ipademanda ko din!" Sabi sa akin ng Papa ni Kelvin.

"Tama na. Birthday na birthday ni Diana, ganito tayo." 

Lumapit si Xylan sa pamilya ni Diana at Kelvin.

"Pasensya na po. Pasensya na sa gulong nangyari. Pasensya na din po kayo sa kaibigan ko."

Lumabas na si Xylan ng balcony at bumaba ng hagdan. Hinabol ko sya at kinausap.

"Xylan! Wala ka namang dapat ipaghingi ng pasensya! Lalo lang silang maniniwala na ikaw ang may kasalanan! Ano ka ba naman!"

Lumingon si Xylan at humarap sa akin.

"Wala ka ng pakialam dun! Teka, bakit ka ba andun nung naguusap kami ni Diana?"

"Ha..Ah eh..."

"You shouldn't listen to other people's conversation in the first place. Bakit ka ba nakikialam? Kung maniwala sila na ako ang may kasalanan,problema ko na yun."

"Concerned lang naman ako...Because you're my bestfriend..."

"Well not anymore."

Ha? Ayaw nya na ako maging bestfriend? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko?

"Ah ganun? Okay, let me rephrase that.."

"Huh?"

"Concerned ako dahil..."

"MAHAL KITA! MORE THAN A BESTFRIEND!"

Nagiba bigla ang ekspresyon sa mukha ni Xylan. Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Pagkatapos, pinagpatuloy nya ang pagbaba sa hagdan.

"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko-"

Lumingon sya and he said..


"Well, i'm sorry. The feeling's not mutual."

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon