[ sketch - 32 ]

1.5K 14 0
                                        

Papayag kaya si Mama na magdamag ko munang alagaan si Xylan? One side of me is hoping na sana hindi ako payagan ni mama. The other side naman is hoping na payagan ako para masolo ko si Xylan! Bad! Bad! Hinampas ko ang ulo ko ng paulit-ulit. Hay...Here goes nothing...Dinial ko na ang number ni Mama sa cellphone ko.

Wala pang ilang seconds, sinagot na agad ni Mama yung phone. 

"Ma, ano kasi...Si Xylan...May lagnat...Walang magaalaga kaya-"

"Talaga anak? Ayos yan! Masosolo mo na yung crush mo! Dalagang dalaga ka na! Ahihihi!"

"Ma naman!"

"Sige, asikasuhin mo na yan! Babay! Ingat ka dyan ah!"

Kakaiba rin itong mommy ko eh no. Hay. May bukas pa kayang botika ng ganitong oras?

Dumating na si Manang Flor dala dala ang isang planganang may tubig at bimpo. Linapag nya ito sa table ni Xylan.

"Saan po ba ang pinakamalapit na botika dito?"

"Sa may kanto lang. Bago mag Rizal St. Teka, wag mo sabihing susugod ka sa matinding ulan na yan? Huwag na! Remedyohan na lang natin yan."

"Naku, mahirap na po. Baka magkombulsyon yan si Xylan! Sige aalis na po ako!"

Pinahiram sa akin ni Manang Flor ang payong nya at umalis na ako sa bahay. Walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Sobrang lamig pa. Buti na lang at nahanap ko kaagad ang botika. 

Bumili ako ng Biogesic at isang antibiotic para kay Xylan. Habang hinihintay ko yung babae na ibigay yung sukli ko, may napansin akong kahon na gumagalaw-galaw sa tabi ko.

Habang tumatagal, lalong lumalakas ang pagyugyog nung kahon! Nakakatakot naman ito!

"Excuse me Miss, eto na po yung sukli nyo.." Inabot sa akin nung babae yung sukli ko. Nacurious parin ako sa laman nung kahon kaya sinipa ko ito ng mahina.

Biglang gumulong yung kahon at lumabas ang isang....TUTA! Huwaw! Ang cute naman nito! Mukhang iniwan sya dito ng amo nya! Hindi naman sya mukhang askal at sa katunayan, mukhang magandang breed sya ng aso! Puting puti sya all over maliban sa kaliwa nyang mata na may malaking bilog na kulay itim!

Mukhang nilalamig na sya sa ulan kaya dinala ko na sya pabalik kila Xylan. Hindi naman siguro sya magagalit kapag nagdala ako ng aso sa bahay nila!

Pagdating ko sa servant's quarter. Sinalubong ako ni Manang Flor ng may dala-dalang pagkain.

"May malay na po si Xylan! Kaso, ayaw nyang kumain. Kaya heto ibabalik ko na yung noodles. Hindi nya man lang ginalaw oh."

May katigasan din ang ulo nitong si Xylan no? Paano sya makakainom ng gamot ng walang laman ang tiyan? Tignan natin kung uubra sya sa akin.

"Ako na lang po ang bahala sa kanya. Kuha nyo na lang po sya ng isang basong tubig." Kinuha ko kay Manang Flor yung tray na hawak nya.

"Mabuti pa nga..Sige..Ikaw na ang bahala sa kanya.."

Pagpasok ko ng kwarto, nakatakip ng kumot si Xylan. Pinalakad ko na lang yung tutang dala ko sa kwarto dahil dala-dala ko nga yung tray na may pagkain ni Xylan.

"Xylan..Kumain ka na..Tapos, paiinumin kita ng gamot.."

Hindi kumibo si Xylan, nakatakip parin sya ng kumot. Hinila ko nga yung kumot.

"Hoy! Akala ko ba napagusapan na natin yan? Ngayon naman, papatayin mo sarili mo sa gutom?"

Umupo si Xylan at humarap sa akin.

"Ikaw na lang kumain nyan, halatang hindi ka pa kumakain..Napagod ka pa sa pagasikaso sa akin.."

Aba, at kailan ka pa naging concern sa akin?

"Naku, di pwede! Diet ako! Ikaw ang nangangailangan nyan, kaya kumain ka na! Eto, susubuan kita!"

"Kailan ka pa naging conscious sa figure mo? Kahit maging sexy ka, mukha ka pa ding lalake."

PAK!

"Wag mo sabihing may sakit ka, eh ligtas ka na sa pambabatok ko! Kumain ka na!"

Aba, nanahimik na si Xylan at kumain na rin sa wakas. Masunurin din naman pala sya kahit papano..

"O, inumin mo na gamot mo." Tinanggal ko yung tablet mula sa lalagyan nito.

"Asan yung tubig? Sa tingin mo, malulunok ko yan?"

"Ay oo nga pala..Pinakuha ko si Manang Flor ng tubig..Antayin na lang natin sya.."

Nanahimik kami bigla. Grabe, nakakailang pag ganito kami katahimik. Hindi ako sanay. Tapos, nakatingin pa sya sa akin, ano kaya problema ng taong ito?

"Hoy! Ano ba? Baka matunaw ako dyan sa ginagawa mo!"

"Denise, may itatanong sana ako.."

Eto nanaman, bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Nakakainis talaga pag nagkakaganito ito!

"Ano yun?"

Lumapit sya sa akin. Nung sobrang lapit na, parang nawala sya sa konsentrasyon at sinabing,

"Ano itong nasa ilalim ng kumot ko?!" Napatingin ako sa kumot nya, may nakabukol na gumagalaw! Naku, patay! Bakit napunta yan diyan? Inangat ni Xylan ang kumot nya at lumantad sa amin yung tutang pinulot ko kanina!

"Bakit may aso dito?!" Napatayo si Xylan sa kama. Akala ko ba may sakit sya? Aso lang, napatayo na sya sa kama nya. Binuhat ko yung tuta at pinakita sa kanya.

"Eto ba? Nakakaawa kasi, nasa loob ng kahon tapos umuulan pa ng malakas! Baka mamatay sya sa lamig kaya kinuha ko na lang!"

"Ilayo mo nga yan sa akin! Pwede ba? Ayoko sa aso!"

"Anong ayaw mo kay sa cute na asong ito? Tignan mo!" Nilapit ko lalo kay Xylan yung tuta at tumalon sa kanya yung tuta! Aba, natuwa sya kay Xylan!

"Ilayo mo sa akin ito! Pakiusap lang!"

"Grabe, tuwang-tuwa sya sayo! Dahil dyan, ang ipapangalan ko sa kanya ay X-Rae!"

"X-ray? Anong klaseng pangalan yun?"

"Hindi yung X-ray na ginagamit ng doktor ha! X-Rae as in Xylan Rae! Diba? Ang cute! Pinangalan ko pa sayo! Kaya umupo ka na diyan!"

Umupo si Xylan at inabot na ulit sa akin yung aso. Bakit ba ayaw nya kay X-Rae? 

"Anong pumasok sa utak mo at ipinangalan mo pa sa akin?"

"Kasi, magkamukha kayo! Tignan mo, may itim syang patch sa mata! Parang black-eye diba? Naalala ko kasi lagi kang may black-eye pag nakikipagaway ka! Teka nga muna, hindi ka naman mukhang allergic sa aso? Bakit ayaw mo sa kanya? Aha! Alam ko na!"

Tamang-tama naman, dumating na si Manang Flor na may dalang isang basong tubig.

"Aba, bakit may aso dito? Alam mo bang takot si Senorito Xylan dyan? Paano kasi nung bata sya, nakagat sya ng aso na may rabies kaya muntik nya ng ikamatay ito!"

"Bakit nyo sinabi?"

Hindi ko na mapigilang mapatawa ng malakas. Kaya naman pala! Takot sa aso!

"Hahaha! Takot ka pala sa aso ha? Kaya naman pala! Talo ka pa ng mga bata!"

"Pwede ba, hindi mo ako masisi.. Muntik na akong mamatay dahil sa aso.."

"Pero a dog is a man's bestfriend! Malay mo, pagdating ng araw, eto pa ang magligtas sa buhay mo.."


-0-0-0-

Ano kayang magiging papel ni X-Rae sa buhay ni Denise at Xylan? Abangan! =)

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon