Sabay na kaming lahat na pumasok ng klase. Nakaakbay sa akin sila Jojo at Alfred habang nagkwekwentuhan kami tungkol sa kung ano-ano.
"Saan mo nakuha yung mga da moves mo? Astig talaga!" -alfred
"Sama ka sa amin pag may rambol kami ha! Saya nun!" -jojo
Habang nagkwekwentuhan kami kasama si Mikee, yung dalawa naman nagpahuli at may sariling kwentuhan.
"Isama daw? Tss. Pabigat lang yan panigurado. Anong masasabi mo Xylan?" -brix
"Ah ewan.." Hinawakan nya ang likod nya. Mukhang talagang nasaktan sya sa pagkakahampas sa kanya.
"Mukhang nagrabe ang likod mo ah.." -brix
"Ok lang ito. Kung di ba naman kasi nakisali ang Denise The Menace na yan."
ANO DAW?!
PAK!
Binatukan ko nanaman si Xylan.
"Hindi ko naman sinabing iligtas mo ako diba? Sisihin ba daw ako?"
"Naku, nagaway nanaman ang dalawang ito." - mikee
"Diba ang sweet nila tignan?" Pabirong sabi ni Jojo.
Nanahimik kaming dalawa ni Xylan. Pumasok na kami ng classroom.
Buti katatapos lang ng lunchbreak. Nagulat ang mga classmates ko ng makita nilang magkakasundo na kami ng tropa ni Xylan. Tulog kaming lahat sa klase. Napagod kasi kami sa laban kanina. Wala naman magawa ang mga teachers. Hehe.
Nagising ako sa tunog ng bell. Uwian na pala. Uminat ako at kinuha ko na ang bag ko ng linapitan ako nila Xylan.
"Denise, friday naman ngayon. Bukas walang pasok! Alis tayo!" -alfred
Aba, ok ah. Talagang close na kami huh?
"Oo ba! San ba tayo pupunta?"
-0-0-0-
Maya-maya andun na kami sa KTV room ng isang building malapit sa school. Ang daming estudyante! Ngayon lang ako nakapunta dito! Wala naman kasi akong hilig sa KTV!
May pumasok na babae. Hiningi yung order nila.
"Isang order ng sisig tapos chicharong bulaklak,sizzling gambas,inihaw na manok,liempo, sizzling-"
PAK!
Binatukan ni Brix si Mikee.
"May pambayad ka ba ng mga inoorder mo?"
"Pasensya naman! Di pa ako kumakain simula lunch no!"
"Miss. Pasensya na. Dalawang order na lang ng sisig tapos 2 barrel ng san mig light." -brix
Napatulala ako habang sinusulat nung babae yung mga sinabi nya.
"Ah..Uulitin ko lang po ang order nyo. Dalawang order ng sisig at 2 barrel ng san mig light. Yun lang po?"
"Opo. Yun lang."
Paglabas nung babae,
"Iinom tayo?" Tanong ko agad.
"Aba syempre! Akala mo ba kakain lang tayo at magkktv?" -brix
"Wag mong sabihing di ka umiinom?" -alfred
Well, wala pa ako sa legal age pero wala namang masama kung iinom ako minsan diba?. Di naman ako pinagbabawalan nila kuya basta tatanstahin ko lang ang iniinom ko at wag magpapakalasing. Umiinom naman ako pag may okasyon. Pero parang okasyon na din ito dahil first bonding namin ng tropa ni Xylan.
"Umiinom no!"
"Aba..Sige! Lasingan na ito! Tignan natin kung gaano katatag si Denise!" - jojo
Si Xylan, as usual tahimik nanaman. Pero masama ang tingin sa akin. Ano nanaman ba problema nya?
Maya-maya, dumating na order namin. Habang kumakain yung iba nagsimula ng kumanta.
"Denise! Ikaw naman ang kumanta! Daya mo naman!" -mikee
"Huh? E di ako marunong! at wala ako masyadong alam na kanta!"
Binigay nila sa akin yung mic at namili na lang sila ng kanta para sa akin.
Ano? Akin Ka Na Lang? Ayos ha. Buti na lang alam ko yung kantang pinili nila.
Habang kumakanta ako, parang nakatingin sa akin si Xylan. Pero pag tumitingin na ako ng diretso sa kanya biglang aalisin nya ang tingin nya sa akin. Weird talaga ng taong ito.
Pagkatapos ko kumanta, nagsimula na ang inuman namin.Napansin kong hindi walang baso si Xylan.
"Bakit si Xylan hindi umiinom?" -ako
"Under age pa ako. Hindi ako umiinom. At baka magalit yung mga tao sa bahay pagnalaman nilang umiinom ako."
Aba, takot pala ito sa parents nya ha!
Naubos na namin ang dalawang barrel. Tumba na si Alfred. Si Jojo,Mikee at Brix nagiging sobrang ingay na. Rinig na ata sa kabilang kwarto ang pagkanta nila!
"Denish...Kaya pa ba?" -jojo
"Aba oo naman!" Matino pa ako nung oras na yun. Di ko akalain na sila pa ang mauunang malasing sa akin.
"Ang daya mo naman Denish! Bakit di ka pa nalalashing? Manginginom ka no?" Sabi ni Mikee habang sinisimot yung natirang sisig sa plato.
"Haha. Di ah. Talagang magaling lang ako. BWAHAHAHA!"
"Sige...Order pa tayo ng isang barrel!" Pagkatapos, nagbulungan silang tatlo. Hmmm...Ano nanaman bang kalokohan ang gagawin nila?
Nyak. At ano daw? Oorder pa? Makauwi pa kaya sila ng buhay nyan?
Tumayo si Jojo na halatang hilo na.
"Ako na lang kaya!" -ako
"Hindi..Wag na! Ako na Denish! Ikaw ang shtar of the night eh!" -jojo
Star of the night? Ano yun? Lasing na talaga itong taong ito.
Maya-maya pumasok na si Jojo. Dumating na din yung isang barrel. Tapos malaking baso. Pinuno nila yung malaking basong yun.
"O! Mauna ka na Denise! Hamon namin sayo! Istraight mo yung nasa basong yan ha!" -brix
"Oo ba! Ako pa?" Hinawakan ko na yung baso ng,
"Denise! Sa bintana! Kuya mo ata yun!" Turo ni Mikee dun sa bintana.
Napatingin ako sa bintana. Wala namang tao.
"Ano? Wala naman! Mga lasing na talaga kayo ano?"
"Ay...Wala pala..Sige..Inumin mo na yan..." -brix
Hmmmm...Parang may di magandang balak itong mga lokong ito ah..Si Xylan mukhang di maipinta ang mukha.
Ng iinumin ko na yung nasa baso ko, biglang inagaw sa akin ni Xylan yung baso.
"Hoy! Akala ko ba di ka umiinom? Akin na yan!" -ako
Parang hindi malaman ni Xylan ang gagawin nya.
"Ako na iinom nito!" Strinaight nya yung isang malaking basong yun! Grabe! Akala ko ba di sya umiinom? Parang masuka-suka sya nung tapos nya ng inumin yung nasa baso. Tumayo sya at lumabas agad ng kwarto.
"Bakit pinabayaan nyong inumin ni Xylan yun?" Bulong ni Mikee kay Jojo at Brix.
"Ha? Ano?" -ako
"Kantahan tayo! Wag nyo isipin yun si Xylan!"
Nagkantahan ulit kami. At dahil medyo nakakasuspetsa na ako sa kanila, hindi na muna ako umiinom. Hindi na nila naubos pa ang isang barrel. Lahat sila sobrang lasing na. Ako na lang ang matino. Pero naalala ko si Xylan na hindi pa bumabalik sa kwarto.
"Huy! Ano nangyari dun sa kaibigan nyo?"
"Ha? Ay! Pare! Kashalanan mo ito! Baka nagshushuka na yun dun!" -jojo
PAK!
Binatukan ni Mikee si Jojo.
"Bakit ako ang shinishishi mo? Ikaw naglagay ng paminta dun sa basho ah!" -mikee
"Ano?! Nilagyan nyo ng paminta? Wala talaga kayong magawang matino ano?" -ako
Tumakbo ako palabas ng kwarto at narinig kong may sumisigaw na babae mula sa kabilang kwarto. Biglang lumabas si Xylan sa kwartong yun na gegewang-gewang ang paglalakad.
"Pasensya na po! Pasensya na! Akala ko dito ang kwarto namin ito!" -xylan
Linapitan ko sya agad.
"Denise...Di ko na kaya..." Nahulog sya sa akin sa sobrang hilo at napayakap sya sakin.
"Xylan! Ano ba nangyari sayo? Bakit mo kasi ininom yun! Nalasing ka tuloy! Okay ka lang?"
"Alangan naman pabayaan kong ikaw ang uminom nun.."

BINABASA MO ANG
SKETCH [ Book 1 ]
RomanceAbangan ang magiging papel ng isang "sketch" sa buhay nina Xylan at Denise...