Pinuntahan ako ni Dale sa kusina "Paano ba gawin yan? Tulongan na kita" sabe nya pa saakin
"Ganito lang yan ilalagay mo itong loaf bread sa table na may plastic cover o kahit wala basta malinis then irorolling pin mo lang sya hanggang sa mag flatten" sabe ko
"Kailangang flat talaga?"tanong nya
"Oo" sagot ko
"Gaano kaflat? Yung kasing flat mo ba?" Tanong nya at tawang-tawa talaga sya
"Ay ganun?" Tanong ko at napatawa na din
"Yan buti naman at napatawa na kita Pres." sabe nya at ngumiti
"Salamat, so yun na nga after maflatten, hatiin mo ang small na hotdog ng pahaba, sa gitna mo hatiin then yun ilagay mo na sa loaf bread at tsaka kasama ang cheese after nun ganito iroll mo na sya tapos isawsaw sa itlog at sa breadcrumbs para masarap pag prinito" sabe ko ng makagawa ako ng isa
"Masarap? Parang ako lang pala" at tumawa nanaman sya
"Tama na Dale hahaha" sabe ko
"Matagal na din pala kayo ni Bryle no?" Seryosong tanong nya habang gumagawa
"Oo almost two years na din" sabe ko
"Pano ba naging kayo?" Tanong nya
"Ganito kase yun, grade 10 ng mag transfer ako ng St.Anne syempre wala akong kakilala, as in commoner talaga ako, wala akong kasabay kumain ako lang lagi mag-isa until yun nakilala ko si Bryle" sabe ko at nag stop muna.
"Si Bryle yung unang naging Kaibigan ko varsity na sya ng basketball pero hindi pa sya ang CaptainBall, kaya madalas sya ang sumasama sakin, binibilhan nya ako ng pagkain, ako lang mag-isa that time dito sa apartment kaya medyu mabigat sa bulsa ang 6,000 na upa kada buwan" pagpapatuloy ko pa"Ano so dito kayo magkasama?" Tanong nya
"Tange hindi, Classmate ko na si Jing nung 4th year at naging close kami nung yun naghahanap sya ng apartment at sya ang naging kahati ko, mabalik tayo kay Bryle September 14,2016 yun yung araw na tinanong nya ako kung pwedeng maging kami, syempre dahil laking probinsya kailangan ligaw muna, nag tiis syang manligaw and then December 20,2016 After the christmas party dun ko sya sinagot" sabe ko
"Una sobrang saya, Naiimagine ko na ang life ko with him, our 1st year was so happy not until maging Captain Ball na sya ng team nila, I was very supportive girlfriend, kahit minsan isang text lang isang araw di na ako nagdedemand" nag umpisa ng mang gilid ang luha ko at ng tumulo ay agad namang pinunasan ni Dale
"Shhh. Wag ka ng umiyak pumapanget ka" sabe nya napangiti naman ako.
"Yun na nga kaya hanggat kaya ko tiisin titiisin ko ayaw ko lang mawala ang sayang nararamdaman ko, di ko kase kaya pag nawala sya Dale eh" sabe ko
"Pero pag sobra na tigil ma, (di ko kayang makitang nasasaktan ka)" pabulong pero rinig ko ang sinabe nyang yun.
"Naku drama na tayo dito di sasarap ang Maki Sandwich hahaha" sabe ko
Pagkatapos nun ay ginawa na nga namin ang Maki Sandwich biglang pumunta sa kusina si Jing.
"Naku salamat ha? Nakagawa ako ng 250pcs. ng Graham Balls at salamat talaga ng sobra sa tulong nyung dalawa" sarkastikong sabe nya
"Itong si Dale sakin sya tumulong eh" sabe ko
"Hmmp. Bahala ka nga dyan, aakyat na ako at matutulog na, at ikaw Kryptton, naayos ko na ang kwarto mo, At ikaw din C ilock mo room mo baka gapangin ka ni Kryptton hahaha charoot lang, sige na Good Night C" sabe sakin at nag beso
"Ganun ba talaga yun?" Tanong ni Dale
"Oo nasanay na nga ako eh, pero kay Bryle High Blood talaga sya dun nung una ok naman sya pero dahil nga maraming issues yun parang di na ok" sabe ko sa kanya
"Anong oras na pala oh, taposin na natin to matulog na tapos tayo" sabe nya
Tahimik nalang naming ginawa ang maki sandwich, hanggang sa matapos namin ito, after nun ay inilagay na namin yun sa tupperwear at nilagay sa ref.
"Akyat na tayo Dale 11 na oh" sabe ko
"Cge" sagot nya
Umakyat nalang kami at inihatid ko muna si Dale sa kwarto nya, nalock ko na din ang gate sa labas, maaga pa dapat kami bukas sa school dahil nga Intramurals namin.
"Sige na Dale, tulog kana" sabe ko at akmang aalis na
"Chand, Ikaw ang matulog na, wag mo na syang isipin just for tonight, ok?" Sabe nya, tumago nalang ako "Good Night" sabe nya "Good Night" sabe ko at pumunta na sa room ko.
Pagkapasok ko sa room ko ay matutulog na sana ako ng pumasok si Jing.
"Nakakatampo kana C, spill it anong nakita mo sa condominium ni Bryle?" Tanong nya
"Yun nga he is with Sandy" sabe ko
"I mean yun lang ba ang nakita mo?" Tanong nya
"Nakita ko din nung hinalikan sya ni Bryle sa noo" sabe ko
"C naman kase eh, sabe mo gusto mong maging masaya, and yung way for you to be happy is to be with him, pero look nasasaktan ka ngayon" pagpapaliwanag nya
"Mas masasaktan ako pag Nagkahiwalay kami Jing like what I've said 3 chances" sabe ko
"Sana nga 3 chances lang ang mabibigay mo, knowing you? Duda akong hanggang 3 chances, pero C always remember na kahit anong manyare nandito lang ako ok?" Sabe nya
"That is why I am really blessed to have you as my Bestfriend" sabe ko
"Oh sya matulog na tayo, wag na iiyak ok? And kinuha ko na jersey ni Bryle sa drawer mo ako nalang dadala bukas since ako naman mag aayos ng photobooth, mahirap din maging committee hahaha" sabe nya
"Cge na Jing, good night love you so so much" sabe ko at nag beso sa kanya, nag wave lang sya sakin at umalis na.
Tomorrow is a tiring day, kaya I really need so much energy.
-----
A/n: Like,Comment,Share
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Teen FictionSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...