Chapter 24- Tigayon Hill

809 20 1
                                    

Papunta na kami ngayon sa Tigayon Hill, dun ang next stop namin 2 days kami sa Hinugtan Beach and pahinga muna kami ng isang araw sa hotel, and here we are again sa Tigayon Hill. Hindi sya ganun kataas na bundok, dito kami na talaga ang magluluto ng pagkain namin so kailangan ko talagang mag assign.

"Babe I'll help you" si Bryle nasa likod ko, bati na kami? Yes. Before kami umalis na Hinugtan Beach nagkausap kami.

*flashback*

I am currently packing my things up. Si Jing na ang pinadala ko na tent namin, habang inaayos ko ang gamit ko nilapitan ako ni Bryle.

"Sorry" sabe nya, di ko parin sya pinansin

"Di mo'ko papansinin?" Tanong nya, di parin ako umimik "well, pakinggan mo nalang ako" sabe nya tahimik lang ako habang inaasikaso ko mga gamit ko

"Sorry dahil di kita pinansin nung nakaraang araw, naiinis ako kase di kita naging kagrupo, you should be my leader, you didn't even bother na kausapin manlang ako so mas lumapit ako kay Sandy, that night I saw Kryptton gave his jacket to you, sa sobrang inis ko na hindi kita kagrupo nakalimutan ko na Girlfriend nga pala kita, and naisip ko na It should me, na bumigay nung jacket sayo, sana binigay ko nalang ang blanket na napanalunan ko since ako lang naman mag isa sa tent, alam ko na lamigin ka, babe I'm sorry, please? Babawi ako sayo, I just get jealous" explain nya sakin, hinarap ko sya

"Yun nakalimutan mo na girlfriend mo'ko? Ansaya mo nga kay Sandy eh, tabi pa kayo sa bus man o kung saan ka nandun din sya" nakasimangot na sabe ko niyakap nya ako.

"I'm sorry please? I love you" sabe nya

"Asus pasalamat ka mahal kita, sige ok na. Wag mo nang uulitin pa" sabe ko

*end of flashback*

Yun na nga ang nangyari, humingi naman sya ng tawad eh, syempre dapat patawarin ko naman nga talaga sya.

"Ito nalang mga lutuan ang dalhin mo" sabe ko at binigay sa kanya yun "baka magalit sina Nathalie nyan" sabe ko

"Hindi yan, akong bahala" sabe nya, naglakad lang kami ng naglakad "Dito ko ba to ilalagay?" Tanong nya nung makarating na kami sa taas, tumango nalang ako

"Thank you, sige na bumalik kana dun, baka talaga magalit sina Gab" sabe ko ngumiti sya at bumalik na doon sa lugar nila, medyu hapon na din nung makarating kami dito, sa hotel na kase kami nag lunch kanina.

"Guys, set up your Tents na, cook for your dinner and pumunta kayo sa may ground para sa activity nyu." Sabe ni Ma'am Torres.

Inayos na namin ang mga tents namin,sa sobrang dami halos magka dikit-dikit na kami,Sina Princess and assign sa pag saing, kami naman ni Jing ang magluluto ng ulam,23k ang pera sakin para sa foods, 46 ba daw kaming kakain, adobong baboy ang lulutuin namin, specialty ko yun eh. Para kaming nagpapakain ng tao sa fiesta, dapat kase kami lang na Grade 12 students eh, pero ok lang din naman mas enjoy.

After namin mag saing at magluto ng ulam ay kumain na din kami, pahinga lang ng konti at nag proceed na kami sa ground.

"Since nandito na kayong lahat, may I request all the leaders na pumunta sa amin dito a harapan" sabe ni Sir "Ngayomg gabi ang gagawin nyu ay hanapin ang flags nyu, kanina kinuha namin yun sa inyu at tinago nandito lang yun sa lugar natin, the first group na makarating dito ay syempre mayreward" sabe ni sir

"Eh paano naman kaming mga member sir?" Maarteng tanong ni Sandy.

"Mag bobonfire tayo dito, and to know about yourselves, mag kukwentuhan lang, we will give your leaders 2 hours para mag hanap 6pm palang naman, pag nag 8 na at ang leaer na wala pa dito kailangan nyu silang hanapin na" sabe ni Sir

"Ay ok sir" sabe ni Sandy

"Ok leaders, wag kayong lalayo, you have your flashlights with you and good luck" sabe ni Sir, tumakbo kami ni Dale.

"Memorize mo naman siguro dito diba?" Tanong nya

"Hindi na, last kung punta dito is 1st year high school pa ako" sabe ko.

"Ay sige hawak kalang sakin wag kang bibitaw ha? Ayoko na maghiwalay tayo" parang may laman ang pagkasabi nya nun, naglibot lang kami ng naglibot. Nakita namin ang flag nung red dragon at dahil dakilang loko-loko si Dale aba tinago nya talaga, tinampukan nya ng dahon at konting part lang ng tela ang nakit

"Oy baliw, baka magalit sila" sabe ko

"Shhh, di nila malalaman kung di tayo aamin, tsaka malay natin ang ibang grupo natago na din ang flag natin diba?" Tanong nya

"Sabagay" nagtawanan nalang kami at dumiretso na sa pag hahanap, halos isang oras na kaming naghahanap wala padin talaga, di namin makita, di kami sumuko syempre, kailangan namin mahanap yun.

Mag 8pm na at di parin namin nahahanap, nakadating kami sa may Cave at yun nandun nga yung flag namin, nakuha na namin.
Akmang babalik na kami ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Ala pano tayo makakabalik ngayon Dale? Natatakot na ako" sabe ko

"Wag kang matakot kasama mo naman ako eh" sabe nya "Dito muna tayo sa cave, buti nalang at nag dala tayo ng tarpaulin kanina di mababasa ang tent" sabe ni Dale.

"Kaya nga eh, nilalamig na ako" sabe ko at niyakap sarili ko, hinubad ni Dale ang jacket nya, naka t-shirt at naka jeans naman kase ako kanina kaya di na ako ng jacket

"Alam mo na lamigin ka tapos di kapa nagdala ng jacket mo" sabe nya sakin

"Sorry, di ko naman kase akalain na uulan eh"paliwanag ko

"Ok lang yan, upo nalang muna tayo dito" sabe nya at umupo, lumakas pa nga ang ulan, ang malas naman oh

"Kamusta kayo nung bf mo?" Pagbabasag nya ng katahimikan

"Ok na kami, nag sorry na sya sakin" sabe ko at ngumiti

"Mabuti naman kung ganun" sabe nya

"Ikaw ba wala kabang nililigawan?" Pagtatanong ko

"Nililigawan? May bf na kase sya eh" sabe nya at medyu nalungkot

"Sino? Tsaka bf palang man eh agawin mo" natatawang sagot ko

"Mahal na mahal nya bf nya" sabe nya

"Subukan mo lang" sabe ko

"Siguro pag sinaktan ulit sya at pinaiyak aagawin ko na talaga sya" sabe nya, napaisip naman ako kung sino.

"Ikaw ang bahala" sabe ko, inakbayan nya ako at pinasandal sa braso nya tsaka niyakap. Yung puso ko parang hinahabol ng kabayo sa lakas ng tibok

"Matulog kana baka pag tila ng ulan hanapin nila tayo" sabe nya, di ako nailang sa yakap nya, parang safe ako sa bisig nya

"Thank you" sabe ko at natulog na.

-----
A/n: Maganda talaga sa Tigayon Hill
Vote,Comment and Share

The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon