Chapter 29- Dankyle ikaw ba?

861 25 2
                                    

Bago kami umuwi ay pupunta daw muna kami ng Manduyog, dito kami umaakyat pag Good Friday, Station of the Cross, syempre para ibless ang pagbalik namin ng Manila.
Umakyat na kami, bawat station ay nagsisindi kami ng kandila namin, nasa bus na ang mga gamit namin para diretso na kami sa airport after neto.

Sina Ma'am ang nagbabasa sa kada station, parang di kami nakaramdam ng pagod habang paakyat kami, pagkadating namin sa tuktok makikita mo ang view ng Aklan especially ang Kalibo, syempre yung iba selfie selfie ganun din kami ni Bryle.

"Ang ganda ng view dito babe" sabe nya sakin

"Oo nga eh" sagot ko

"After our graduation, balik tayo dito, dito tayo mag celebrate nung Semana Santa" sabe nya

"Promise yan ha?" Tanong ko

"Yes promise" nag pinky promise pa kaming dalawa.

"I love you" sabe ko

"I love you more" sabe nya

Nag stay kami ng mga 30 minutes doon, kami lang naman ang tao eh, nung pababa na kami dun kami nakaramdam ng konting pagod, masakit sa paa, diretso na kami sa bus, katabi ko naman ngayon si Dale.

"Ang ganda pala talaga dito sa Aklan no?" Tanong nya

"Sinabe mo pa, di lang Boracay ang maipagmamalaki namin dito marami pang iba" sagot ko sa kanya

"Pag bumalik ako dito, gusto ko mapuntahan lahat ng meron ang Aklan" sabe nya

"Gustong-guto ko pumunta sa Tambak, ang sarap ng hangin dun, nakaupo ka lang at kahit mainit talagang mahangin kase sa Dagat, tapos pag ginutom ka, yun kain kalang sa Talabahan masarap dun super, tapos pag gusto mo mag over night, pwede ka dun sa Ocean View. Matagal ko ng gustong magka Me-time doon sa New Washington eh, gusto ko lang talaga ang Vibe sa Tambak" sabe ko sa kanya

"Sayang di natin yun napuntahan" sabe nya

"Kaya nga eh, pero siguro pag mapunta ulit ako dun kasama ko na si Bryle" sabe ko kay Dale at ngumiti

"Ahh" yun lang nasagot nya at di na umimik pa, ilang minuto lang ang byahe papunta ng airport at pagka baba eh diretso na kami sa loob.

NAKASAKAY na kami sa eroplano at si Dale ang katabi ko. Naisipan ko na ikwento sa kanya yung Stalker ko

"Oy Dale alam mo ba for almost two years may lalaking nagpapadala sakin ng rose" kwento ko

"Really? Di mo pa sya kilala?" Tanong nya

"Hmmm. May hula kami we just need to confirm it nalang" sabe ko sa kanya

"Sino?" Tanong nya

"Si Dankyle" sabe ko

"Ahh, bat mo nasabe na sya?" Tanong nya

"Kase nung binigyan nya ako nung gumamela nung nakaran meron sticky note, gumawa kami ng paran para mabuksan namin bag nya sabe namin kukuhain lang namin ang cap ni Rica dun nakita namin ang sticky notes" sabe ko

"Ahh. So sasabihin mo na sa kanya na alam mo na?" Tanong nya

"Oo pagkadating natin sa school" sabe ko tumango nalang sya.

NAKADATING na kami sa school, lahat kami talagan pagod dala-dala ko ang bagahe ko.

"C tulungan na kita" si Dankyle pala

"Oy thank you, Nga pala Dankyle pwede ba tayong mag usap before ka umuwi?" Tanong ko.

"Oo naman" sagot nya

Nag umpisa ng magsiuwian ang mga classmate namin, si Bryle nauna na din may importante daw kase syang pupuntahan, pinadala ko nalang kay Jing gamit ko para makausap ko si Dankyle

"Uhm, Dankyle" tawag ko sa kanya

"Oh C, so ano ngayon?" Tanong nya

"Una gusto ko mag thank you, kase sa 2 years na yun naramdaman ko na may tao palang gustong makita akong masaya" nakakunot ang noo nya at parang di nya alam ang sinasabe ko

"Huh? Ano yun C?" Nagtatakang tanong nya

"Sus wag ka ng ano dyan alam ko na" sabe ko at ngumiti

"Alam na ano?" Nagtataka talaga sya

"Na ikaw si D tapos ikaw yung Stalker ko na nagpapadala ng roses sakin" sabe ko

"I don't know what you are saying C" sabe nya

Kinuha ko ang gumamela at sticky note sa shoulder bag ko lanta na yung gumamela, tapos kinuha ko ang sticky note sa gilid nung bag nya

"Ito oh, wag kanang mag deny, ikaw lang naman may gamitong sticky note eh" sabe ko

"Di akin yan, I swear C that is not mine" sabe nya, napahiya ako dun

"Ganun ba ? Sorry ha? Kala ko kase ikaw" sabe ko

"Kung ako yan, kahit may Boyfriend kapa, di ko na gagawin yan, liligawan na agad kita" sabe nya

"Baliw, pero sorry kala namin ikaw yun, akalain mo 2 years ko na syang gustong malaman kung sino ang galing nya din eh" sabe ko na medyu nalungkot

Lumapit sya at niyakap ako "tiwala lang dadating yung time na sya mismo ang magpapakilala na sya yun" sabe nya, at tumango nalang ako

Hinatid nalang ako ni Dankyle sa bahay, kung hindi si Dankyle, sino ka ngaba Mr. Stalker?

-----
Sino ka nga ba ?

The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon