8:00AM nung nagising ako, since dito lang kami sa hotel ngayong araw mag papaalam pa ako kay Ma'am Relis kung ok lang ba na pumunta ako kina mama ngayong araw kasama sila Jing, kaya pinuntahan ko na sila sa Ibaba.
"Ma'am Good Morning po, Good Morning Sir" bati ko sa kanilang lima.
"Good Morning din C, bakit ka nandito?" Tanong ni Ma'am
"Ah ano po kase ma'am, kung ok lang po sana pupunta po sana ako kina mama ngayong araw, kasama ko po sina Bryle at Dale" sabe ko kay Ma'am
"Suge but make sure before 5PM mamaya nandito na kayo ok?" Sabe ni Ma'am
"Yes ma'am thank you po" sabe ko at umakyat na doon.
"Jing mag handa na kayo pupunta na tayo kina mama, saglit lang pupuntahan ko lang si Bryle dun sa room nila" pag papaalam ko sa kanila at pumunta sa kabilang room, sakto naman na nandun sila Nathalie.
"Nat si Bryle?" Tanong ko
"Ah-eh" di nya ako masagot
"Huh? Nasa loob ba sya ? Pasok ako ha" akmang papasok ako nung pinigilan ako ni Gab
"Pres ako nalang tatawag" sabe nya
"Naku wag na ako na" sabe ko, pagbukas ko nung pinto tumambad sakin si Bryle at si Sandy, magkayakap habang tulog.
Gusto kong umiyak, pero para saan ? Ako ang mahal ni Bryle, tsaka tulog sila, ko ba kung si Sandy may gawa nun since gustong-gusto nya si Bryle diba? Kaya pumunta ako sa higaan nila at ginising ko si Bryle
"Babe, pupunta na tayo kina mama" sabe ko
Nung nagising sya, gulat na gulat at tinanggal nya kamay ni Sandy na nakayakap sa kanya, nagising naman si Sandy.
"Oh sorry C, by the way Good Morning" di ko nalang sya sinapak
"Sorry babe, sige mag aayos lang ako at pupuntahan ko kayo sa room nyu" sabe nya, wala ako sa mood lumabas sa room nila
"Pres sorry" sabe ni Nathalie sakin
"Ok lang wala kang ginawang mali" pilit na ngiti ko at bumalik na sa room
Wala ako sa mood na naligo at nag bihis, naka shorts lang ako plain white loose shirt and old school na sapatos. Di ko na din muna pinungos ang buhok ko dahil basa pa, nagpabango din ako Victoria Secret lang naman ang pabango ko, sinuot ko na din ang binigay na omega watch sakin ni papa, shoulder bag ko lang din ang dala ko, wallet at cellphone lang ang laman nun.
"We are ready" sigaw ni Bakla
"Wow baks excited masyado ha? Sila Jing at Bryle pa" si Jing kase nahuli ng ligo
Mga 9AM at ready na kaming lahat, ang gwapo ni Dale sa suot nya, naka pedal sya, yung hanggang tuhod, then Matchy Matchy kami ng old school at naka polo sya. Si Bryle likas na gwapo naman talaga naka pedal din sya tapos tshirt lang, si Jing naka high waisted jeans sya at naka crop top, si Lance pedal lang din ang tshirt tapos si Rica, feel na feel ang pag dress nya ng fit, para talaga syang babae.
Lumabas na kami ng hotel, naka akbay sakin si Bryle, naka holding hands sila Jing at si Rica nakakapit kay Dale, pumara na ako ng tricycle.
"Manong sa Pusiw kami 150" sabe ko kay kuya at umoo naman sya.
Ako at si Bryle ang nasa Harapan tapos si Jing at Lance magkatabi sa likuran at sina Dale at Rica naman ang kaharap nila, unlike sa manila malaki kase ang tricycle dito sa Aklan kasya ang 9 na katao, pag double back ride sya.
"Hay salamat naman at makakapag pahinga naman tayo" sabe ko
"Anong oras tayo uuwi mamaya ?" Tanong ko
"Basta daw before 5 eh nakabalik na tayo" sabe ko naman
Mga 30 minutes ang naging byahe namin, tricycle lang kase ang gamit eh, isa sa pinakamalaki ang bahay namin sa pusiw, di naman kase uso ang pool dito eh, pagkababa namin nandun na pala si mama nag hihintay.
"Pa nandito na ang anak mo" tawag ni mama kay papa
"Ma di pumasok si papa?" Tanong ko
"Minsan ka lang makadalaw dito kaya ayun di ko muna pinapasok"sabe ko
"Nga pala mga mga kaibigan ko sina Jing,Rica,Lance,Kryptton at Bryle" nakipag shake hands sila kay mama.
Pag pasok namin doon ay may niluluto ang bagong katulong nila mama na almusal para saamin, ipapakilala ko na si Bryle.
"Ma si Br—" naputol ang sasabihin ko nung may tumawag sa kanya kaya ayun nag excuse muna sya para sagotin
"Sino nga ba ang boyfriend mo nak ito bang si Kryptton?" Tanong ni mama
"Hin—"
"Opo tita sya po yun, ito naman po boyfriend ko si Lance" sabe ni Jing
"Ay halata namang decenteng klase ng lalaki, naku wag kang maiilang saamin ha ? Mahalin mo lang at alagaan tong anak ko ok na" masayang sabe ni mama sa kanya
"At remember not to hurt her" sabe naman ni papa
"Ah-eh o-opo" nauutal na sabi ni Dale
Nakakainis naman kase si Bryle pa, may ugali pa naman sila mama na once nagustuhan nila ang isang tao gusto na talaga nila yun, at nagustuhan agad nila si Dale eh paano naman ang totoong boyfriend ko? Paano si Bryle?
Bumalik na si Bryle na medyu naiinis ewan ko kung sino yung kausap nung mokong na yun, nung nakahanda na ang pag kain ay pinakain na kami ni mama, todo silbi pa sya kay Dale, hinainan nya ng kanin tsaka ulam, ganun nila kagusto si Dale, pag magaan kase loob nila sa isang tao kahit di pa nila kilala talagang magugustohan nila.
After naming kumain ay napag desisyonan namin na pumasok muna sa kwarto ko para magpahinga at maglaro o kung ano paman.
"Babe napakilala mo naba ako?" Tanong ni Bryle nung paakyat na kami
"Ah-eh oo kilala kana nila" sagot ko nalang
"Mukhang close agad si tita dyan sa Kryptton na yan ah" sabe nya
"Uhmm oo nga eh" sabe ko
Pumasok kami sa room ko, meron dung x-box enjoy ang mga lalaki kami naman ni Jing ay nanuod nalang ng movie, pinanuod namin yung My Dear Loser: Monster Romance. Crush na crush kase namin ang lalaking lead dun si Lee Thanat at gusto din namin yung babae si Mook ang ganda kase eh.
After lunch namin balik ulit sa mga ginawa namin, nanuod lang kami ni Jing, di pa nga namin na tapos eh mga 4:30 nag decide nalang na kami bumalik na doon.
"Papa babalik na kami sa resort" sabe ko kay papa
"Ipapahatid ko nalang kayo" sabe nya
"Thanks pa" sabe ko at niyakap sya
"Kryptton bantayan mo tong si C" pagbibilin ni papa
"Yes sir este tito" sabe nya at ngumiti pa
"Don't worry tito, ako din babantayan at aalagaan ko din anak nyu" tumango nalang si papa kay Bryle.
Nag paalam na ako sa kanila, mamimiss ko nanaman sila mama neto, baka ilang taon ulit bago ako makabalik dito, ayun hinatid na kami nung driver ni papa a hotel 4:50 nung nakarating kami a hotel.
-----
A/n: matatapos na din itong field trip nila at saabihin na ni C kay Dankyle na alam nanya na sya yun.Vote,Comment and Share
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Teen FictionSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...