Papunta ako ngayon sa GYM, oo sa GYM pupuntahan ko si Bryle, hindi para piliin sya kundi para kausapin lang sya.
Sinalubong agad ako ni Bryle ng yakap nung makita nya ako "C I know you would choose me" sabe nya,bumitaw ako sa pagkakayakap
"flowers for you" binigyan nya ako ng Bouquet of flowers, tinanggap ko yun, nginitian ko sya at nilagay sa table ang bulaklak na hawak-hawak ko
"Bryle di ako nandito kase ikaw ang pinipili ko" halata ang pagkagulat nya dun, tumango tango nalang sya
"Bryle Im sorry, nung mga time na lagi akong nasasaktan si Dale ang laging nandyan, sya yung nagpapasaya sakin di nya hinahayaang malungkot ako" medyu naiiyak na ako sa pagsabe nun kase alam ko na nasaktan ko sya
"Ayaw ko naman na piliin si Dale at mag hintay ka dito na hindi alam ang side ko, Bryle sorry, sana pagkatapos nito ay maging okay parin tayo" sabe ko
Niyakap nya ako at sinabeng "C I am the one na dapat mag sorry sayo, C pinapalaya na kita gusto kong makita kang masaya kahit di man saakin tatanggapin ko, tandaan mo lang na nandito parin ako para sayo, for the last time C I love you" alam ko na umiyak sya kase may tumulong luha sa balikat ko
Bumitaw sya sa pagkakayakap at pinunasan nya ang luha nya at nginitian ako "Puntahan mo na sya" pagkasabe nya nun ay dumiretso na ako sa Garden
Patakbo akong pumunta sa Garden, pero pagkadating ko dun Walang Dale, Walang Dale na nanduon.
Nakita ko lang dun ang isang bouquet of red roses na nasa damuhan dinampot ko yun, alam ko na galing kay Dale yun
Nag hintay ako, hinihintay ko sya inabutan na ako ng 8 pero wala parin sya, wala parin si Dale
Matamlay akong bumalik kina Jing "Oh ano C? Happy Ending naba to?" Tanong nya
"Di pa Jing, wala si Dale, nainip siguro sya kaya sya umalis" niyakap ako ni Jing
"Akala ko okay na lahat eh sya ang pipiliin ko Jing pero pagdating ko dun walang Dale na nanduon" sabe ko
"Naku malay mo may importante lang na pinuntahan diba?" Sabe nya
"Sana nag txt o tumawag sya kung ganun" pagkasabe ko nun naisipan ko nga na tawagan sya
Nag ring sya pero ilang segundo lang Unattended na, pinatay nya ang cellphone nya, Dale naman bat naman ganito? Ang Unfair naman eh ikaw na nga ang pinipili ko eh
"Jing ipag drive nyu ako sa condo nya please" dali-dali akong sumakay papasok ng kotse ni Lance
Habang nasa byahe ay di ko maiwasang malungkot, Bakit ganito? Dapat pala sya ang inuna ko kanina na pinuntahan eh, sana pinahuli ko nalang si Bryle baka inisip nya na si Bryle yung pinili ko at hindi sya.
Pagkadating na pagkadating namin sa building ng condo nya dali dali akong pumasok sa elevator, gusto ko na makarating agad sa condo nya, pagkadating ko dun bukas sya
Sa sobrang saya ko pumasok agad ako "DALE" sigaw ko
"Ma'am? Wala na po dito si Sir Dale" sabe nung housekeeper
"Ano pong wala? Hindi pwede" sabe ko
"Pinalinisan nya po sakin ang condo nya sabe nya po mawawala daw po muna sya ng ilang buwan magbabakasyon daw po'' para akong pinag sakluban ng langit at lupa ng marinig yun
"San po sya pumunta?" Tanong ko
"Wala pong sinabe ma'am" sabe nya
"Sige po, pwede po na ako nalang mag sara ng condo nya?" Sabe ko
"Cge po ma'am" tapos na din kase sya kaya pumasok na ako sa loob, pagkalabas nya ay nilibot ko ang condo ni Dale
Naalala ko tuloy yung time na nakita ko si Bryle at Sandy, dito nya ako dinala sa condo nya
Pumasok ako sa kwarto nya, dito ko sya nakatabi, mabuti nga syang tao kase di nya nagawang pagsamantalahan ako nung mga oras na yun
Dale saan kanaba? Ang daya mo naman eh, di mo pa nga alam na mahal kita tapos mawawala kana?
Nakakita ako ng papel at ballpen dun at sumulat ako, bakasakaling bumalik sya at malaman nya na mahal ko sya
Dale, bakit umalis ka agad? Ikaw sana yun eh, ikaw yung pinipili ko at hindi sya, Dale ikaw yung mahal ko at di sya, ikaw ang nagpapasaya sakin at hindi sya di mo yun alam kase di ko sinabe agad sayo, siguro inakala mo na sya ang pinili ko pero hindi Dale. Ikaw Dale ikaw yung pinipili ko, di ko na alam ang gagawin ko nasan kanaba? Kung umuwi kaman dito sa condo mo at makita mo to tawagan mo naman ako, gusto kitang makausap, gusto kitang mayakap Dale, puntahan moko kina Jing ha? Dale, Mahal kita
Nilagay ko yun sa may Ref nya kase dun sya laging pumupunta sabe nya sakin, nilock ko na ang condo nya, bumaba na ako at sumakay sa sasakyan nila Jing, di naman sila nag tanong kaya di rin ako nag salita
Pagkadating sa bahay ay diretso na ako sa kwarto ko, Ngayon Dale ako naman ang mag hihintay at di na ikaw.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Fiksi RemajaSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...