After ng 2 days na pahinga, papunta kami ngayon ng Basang Cold Spring, parang pool lang ang style nya pero malamig, last kong punta dito is nung grade 9 ako. Pinareserve na ni papa yun, 80 ang entrance nya, sinabe ni papa na 200+ naman daw kami eh, so ayun reserve samin di naman kami mag stay dito. After namin sa Basang pupunta din kaming Bungan-Bungan
Katabi ko sa bus si Bryle, di naman by group ang sittings dito sa bus. Sa 2 days na yun naging masaya ang bonding namin, di ko pa ngalang sya napapakilala kina mama at papa maybe bukas nalang.
"Babe, uhm. Pupunta ako kina mama bukas, sama ka?" Tanong ko
"Sorry babe, kay Jing ka nalang magpasama" sabe nya
"Ipapakilala sana kita" sabe ko
"Next time nalang bago tayo umuwi" medyu nadisappoint ako sa sinabe nya, pero tumango nalang ako.
Tahimik lang sya may katext sya a cellpone nya, kinuha ko ito at tumawa, jinojoke ko lang sya, marahas nyang hinugot ang cellphone nya sa kamay ko.
"Ano ba C, kita mong may katext ako diba?" Sigaw nya natahimik ang ibang students sa bus
"Sorry, jinojoke lang naman kita eh" sabe ko at yumuko
"Pwes di yun nakakatuwa" abe nya at tumayo
"Umalis ka nga dyan Bakla dun ka tumabi sa kanya" pagpapaalis nya kay Rica, akmang pupunta na si Rica sakin nang tumayo si Dale at pinatabi nya si Rica kay Dankyle at sya ang tumabi sakin.
"Ito panyo, alam ko na ayaw mo na nakikita kang umiiyak" sabe nya kinuha ko ang panyo sa kanya.
Ok naman kami kahapon ah, bat naging mainit ang ulo nya, wala naman akong ginawang masama eh, dapat nga ako ang magtampo at magalit dahil parang ayaw nya na ipakilala ko sya kina mama.
"Shhh, tahan na. You know what pumapanget ka pag umiiyak" sabe ni Dale
"Maganda naman ako diba?" Tanong ko
"Pag ngumingiti ka oo, pero pag umiyak kamukha mo si wacky kiray" sabe nya natawa naman ako dun
"Ikumpara ba daw ako sa bakla" sabe ko
"Atleast tumawa ka" sabe nya at ngumiti, nagpasalamat nalang ako kay Dale.
Isang oras ang byahe namin papuntang Basang, di ko namalayan na nakaidlip na ako kay Dale
Dale's POV
(Firs time to)Ang gago lang talaga nung BF ni C, ang tulad na babae ni C di dapat pinapaiyak eh, dapat sa kanya binibigyan ng halaga, which is di nya ginagawa. He is such a jerk.
Kung magkaka jowa man nga ako, gugustuhin ko na katulad ni C, arte simple lang, and one thing I really like about her is her leadership. Masasabe ko na she is a good President, a good Leader.
"Oy ikaw Dale ha, ano si C naba gusto mo at hindi ako?" Nasa likod pala ng upuan namin si Rica yung Bakla.
"Di ah" sabe ko
"So ako ang gusto mo?" Tanong nya
"Hindi rin" sagot ko
"Naku umamin ka nga sakin, may gusto kaba kay C?" Tanong nya
"Wala ah, well I like her, don't get me wrong, I like her personality wala ng iba pa" sabe ko
"Asus telege be meme?" Sabe nya
"Tigilan mo nga ako Rica, matulog ka nalang dyan wag kang maingay natutulog si C" nakasandal kase si C sa balikat ko, ang ganda parin nya kahit tulog.
C's POV
Nagising ako nung nasa Basang na kami, nakatulog pala ako sa balikat ni Dale, mabuti naman at di ako lumalaway pag natutulog nakakahiya yun kung ganun.
Pagdating namin don kaming mga leaders ang nag bayad ng entrance fee nasa amin naman kase ang pera nung mga groupmates namin eh. Pagkapasok nila ay ayun nagsi paliguan agad, di yata nila alam na Cold Spring nga kase dito kaya ayun nanginig sila sa tubig.
Para lang kaming nagbabakasyon, ito ang maganda pag tourism, marami kang mapupuntahang mga magagandang lugar, lalo na ako na mahilig mag adventure. Kailangan pag tourism student ka marunong ka mag promote ng lugar na yun.
Kailangan mong iconvice ang mga tao kung bakit sila dapat pumunta dun, kung ano ang meron doon na wala sa iba, at kung ano ang offers nila na babalik-balikan talaga. Marami naman kase ditong magandang puntahan sa Aklan eh.
Nabigla ako nung may yumakap sa likuran mo "Im sorry" sabe ni Bryle nakapatong ang ulo nya sa balikat ko, di ko sya inimik
"Sorry please? Pretty please? Medyu badtrip lang ako kanina" sabe nya at hinalik-halikan pa ako sa pisnge
"Oo cge na" wala eh di ko sya matiis
"Ipapakilala mo na ako kina tita bukas diba?" Tanong nya, tumango ako
"Mag commute lang ba tayo papunta sa bahay nyu? Gusto ko na din na makilala nila ang future son-in-law nila eh" sabe nya at nginitian ako"Asus parang kanina lang aayaw-ayaw ka" sabe ko
"Sorry pwede ba ?" Pag kanta nya, honesty speaking sintunado sya, pero pag mahal mo nakakakilig padin yun diba ?
"Oo na Mr.Bryle Dela Cruz" sabe ko
"I love you C" sabe nya at pinaharap ako sa kanya tsaka hinalikan ako sa noo
"I love you too Bryle" sabe ko
MATAPOS namin sa Basang, diretso na kami syempre sa bungan-bungan cold spring, as in maganda talaga sa bungan-bungan, para syang falls may layer-layer na yan, pero di sya malalim nilagyan nila ng harang bawat layer ba tawag dyan basta yun , may part dun na hanggang dibdib, hanggang tuhod at hanggang beywang.
Pagdating mo sa pinag paparkingan eh maglalakad kapa around 10 minutes, pero enjoy naman magaganda ang views, ang mga classmates/schoolmates ko picture dito, picture doon ang tema eh, para kase syang ilog din sa part nato, nangaling din doon ang agos nung tubig.
Tatawid kapa ng tulay para makatawid sa kabila tapos lakad ulit, madali nalang kaming makarating doon. Masaya kaming nag pipicture-picture, di na kami nag rent ng cottage kase di naman din kami magtatagal medyu hapon na din kase
May maliit din silang cave dito, napapalibutan ng malalaking puno ang lugar kaya talagang malamig, ang problema lang is wala silang enough na Cr para pagbihisan, pero everything was really Nice.
Di na namin sinayang yung time at ayun para kaming bata na naglalaro doon, pati sila Ma'am at Sir naligo na din, sobrang lamig ng tubig, pero pag matagal kana don you'll get into it.
"C, sabe ni Rica pupunta ka daw kina tita bukas sama ako" sabe ni Jing habang nasa tubig kami
"Huh? Sige ipapakilala ko kase sa kanila sina Bryle" sabe ko
"Asus naman legal na legal na ah" sabe ni Lance
"Kung gusto nyung sumama ok lang naman, kaso commute tayo" sabe ko
"Aalis kayo bukas sama ako" sabe ni Rica sa likod
"Ay bawal na" panunukso ni Jing
"Grabe ka, C sasama ako diba? Love you, para na din makapamasyal ako" sabe nya
"Oo na sasabihan ko sila mama" sabe ko
"Ako din ha ?" Tanong ni Dale at tumango nalang ako
Matapos nun nag sabuyan kami ng tubig, nakakawala lang ng stress, si Bryle nandun naman sya sa grupo nya kasama yung si Sandy na dikit ng dikit sa kanya, may tiwala ako sa kanya na mahal nya ako kaya nothing to worry about.
5pm when we decided to go back sa Hotel, mahigit isang oras pa ang byahe namin eh, mahirap ng gabihin sa daan, lahat kami pagod talaga, yung iba tulog na dito sa loob ng bus,katabi ko ngayon si Bryle naka akbay sya sakin, nasa likod namin si Dale at Rica
"If you want to sleep, matulog ka muna" sabe nya, isinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat nya
"I love you" yan lang nasambit ko sa kanya
"I love you more" sabe nya at hinalikan nya ako sa ulo ko
Nakaidlip na ako sa balikat ni Bryle.
-----
A/n: Sorry sa lame update, medyu lutang ako eh, sorry din dahil ngayon lang to.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Подростковая литератураSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...