Chapter 18-Meeting

923 21 1
                                    

Dumiretso lang kami ni Dale sa meeting room ng SSG OFFICE nandun na lahat ng officers kami nalang ang kulang, pagkadating namin ay nagsi-upo na sila.

"Hi" sabe ko "so nandito tayo para idiscuss ang mga games and fun activities sa darating na fieldtrip natin" pinindot ko ang PowerPoint ko at lumabas ang picture ng hinugtan Beach

"This is hinugtan Beach located at Buruanga, it is a white sand beach, bale ilang araw din tayo magtatagal sa hinugtan beach, si Papa na ang bahala na kumuha ng permit sa Mayor doon, so ano suggestions ng Games ? Ang maganda kase sa hinugtan is di sya ganun ka populated" sabe ko

"May naisip ako, nakita ko lang sya sa TV paramihan ng maiipon na sand, bale magbubuhos ka ng tubig sa katawan mo gugulong ka sa sand, then tatakbo paikot sa nakatayong member pabalik sa pwesto at ipapagpag sa tela ang sand sa katawan mo" sabe ni Kyle

"Ok yan, for sure at magugustuhan naman nila ano pa?" Tanong ko

"Pres, masyadong luma pero yung hilahan ng lubid" sabe ni Hassel

"Pwede din yun, bale kung sino kase ang mananalo sa mga games is may reward na yun and secret na daw ni Ma'am relis ang reward sa winning team" sabe ko

"Ano pabang magandang laro sa beach?" Tanong ni Dale

"Ang mga advicers may naihanda na daw silang games eh bale ngayon idadagdag lang natin ito sa kanila" sabe ko "and may hiking daw tayo and syempre dun din tayo mag ste-stay" sabe ko pa

"Pupuntahan din daw natin ang Bungan-Bungan ba yun basta cold spring sya" sabe ni Dale

"Ay maganda dun promise, medyu ilang minuto ngalang na lakaran pero enjoy dun" sabe ko.

"Pano ba yan pres sa field trip wala munang presidente presidente dito hahaha magkalaban tayo" sabe ni Bryan

"Syempre, gawin nalang natin ang best natin, and sabe ni Ma'am pagkabalik natin dito syempre reporting haays" sabe ko

"Kaya nga eh" sagot nila

"So ayun guys medyu mahaba-haba ang 2 weeks pero bihira lang tayo maka pamasyal" sabe ko

"Pres. since diba may grupo-grupo what if magpagawa tayo ng t-shirt like nung Intramurals color coding para alam agad, and kailangan may name ang grupo" sabe ni Arabella

"Ay tama, ganun nga dapat" sabe ko

"Green samin" sabe ni Hassel

"Red" sabe naman ni Nathalie

"Maroon samin" sabe ni Arabella

"Blue amin" sabe ni Jocey

"PINK SAMIN" Sigaw ni Dale tumawa naman kami

"Medyu nakapagtataka na ang gender ni Vice" natatawang sabe ni Kyle

"Ugok, real men wears pink nga daw" sabe nya, napuno ng tawanan ang meeting room

"Kyle, ikaw nalang ang bahala mag design ng T-shirt, since magaling ka naman dun, and maybe bukas ibibigay nalang namin sa iyo yung name ng groups namin" sabe ko

"Sure pres" sabe nya at ngumiti

"Ano ba ? Uhmm. Regarding nga pala sa mga group leaders since dito naman na kayo make sure na di porket leader kayo iaasa nyu sa juniors ang mga gagawin ok?" Sabe ko, tumango naman sila

"Ang regarding sa tent bawal ang babae at lalaking mag sama sa loob ok?" Sabe naman ni Dale

"Oo naman Vice" sagot ni Bryan

"Ang sabe ni Ma'an regarding sa foods natin tayo ang magluluto, so hihingi din kayo ng budget sa mga members nyu and syempre aambag din kayo, basta wag naman kayong sobra sobra" sabe ni sa kanila

"Ala so mag dadala pa pala tayo ng mga lutuan neto?" Tanong ni Hassel

"Oo, pero kami kase since taga dun naman ako pupunta nalang ako sa bahay namin para kumuha pero kayo syempre magdadala kayo" sabe ko

"Daya pres. dun nalang din kami kumuha sa inyu" sabe ni Arabella

"Tange di tayo kagrupo noh tsaka iaassign nyu din naman ang mga magdadala di naman sa inyu lahat" sabe ko sa kanila

"Mabigat sa bagahe yun" sabe ni Nathalie

"Di naman yan" sabe ko

"Di naman sinabe na dalhin ang buong damit sa closet diba ? Sa hotel din tayo mag stay so pwede naman mag laba" sabe ni Dale

"Kaya nga si Nathalie kase di marunong mag laba, don't worry ako nalang mag lalaba lahat ng mga sinuot mo" pabirong sabe ni Gabriel

"No thanks nalang noh, ibababad ko lang sa powder then ok na wala naman akong B.O di tulad mo" pagtataray nya

Tinaas ni Gab ang kamay nya at itinapat ang kili kili nya kay Nathalie "Oh ano mabaho? Ang bango nyan noh" sabe ni Gab.

"Oy tama na yan, baka magkatuluyan" sabe ni Dale napuno ng tuksu'an ang Meeting room

"Dumidilim na siguro ok na yung mineeting natin, basta tomorrow give me nalang ang Name ng grupo nyu para maipagawa na natin kay Kyle ang design" sabe ko

"Yes pres." sabe nila

"Sige na uwi na tayo" sabe ko nagpahuli ako kase ako ang maglolock ng room after ko mag lock ay dumiretso na ako sa gate mag aabang ng masasakyan.

"Sakay na" nabigla ako sa pag sulpot ni Dale sa harapan ko

"Ay salamat naman, pagod na ako" sabe ko at sumakay na sa motor nya.

Tahimik lang kami habang sa byahe, hanggang sa makarating kami sa bahay

"Thanks Dale" sabe ko

"Welcome" sabe nya at ngumiti

"Sige pasok na ako" sabe ko tumango sya at pumasok na ako sa loob ng apartment namin. Nag date pa daw si Jing at Lance kaya mag isa ako dito. Umakyat ako at nagbihis na, nung binuksan ko ang bag ko dahil kukunin ko pa ang notebook ko may isang rose nanaman

I know na pagod ka
Sana mabawasan ang pagod mo
Sa pamamagitan nito-D

Gustong gusto ko na talagang malaman kung sino ba talaga sya, sino nga ba talaga ang Stalker ko na 2 years ng nagpapadala ng roses.

-----
A/n: Vote,Comment,Share

The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon