Dali-dali kaming pumunta sa hospital ni Lance, pagkadating dun pumasok agad kami sa room kung nasaan si Dale pero wala sya dun, nakuha na ang mga aparatos sa katawan nya
"Lance nasaan si Dale?" Pinipilit kong wag umiyak
"Ang alam ko kase C pag tinanggal ang life support ng tao ibig sabihin nun wala sya" dahan-dahang pagkasabe nya
"Lance hindi" niyakap nya ako "Hindi nya akong pwedeng iwan Lance, hindi pwede" sabe ko tumakbo ako papuntang front desk
"Ma'am Kryptton Bryle Garcia po nasaan?" Tanong ko
"Room 201 po ma'am" sabe nya pumunta agad kami dun
"C parang morgue yata yun" mas lalo akong kinabahan sa sinabe ni Lance
Pagkapasok ko doon sa room 201 nandun si Dale nakahiga at may kumot, pinuntahan ko agad sya at niyakap
"DALE ANG DAYA DAYA MO BAT MO AKO IIWAN AGAD? DIBA MAHAL MOKO? WAG NAMAN GANITO OH, DALE DI KO PA NASASABE SAYO NA MAHAL KITA, TAPOS IIWAN MO NA AKO DALE PLEASE NAMAN OH WAG, DI KO KAYA DALE DI KO KAYA" humahagulgol ako habang yakap-yakap ko sya, may narinig akong pigil na tawa at nung medyu lumayo ako nakita ko si Dale gising at ngumingiti
"Dale buhay ka?" Tanong ko
"Makakaya ba naman kitang iwan?" Tanong nya
"Sabe ni Jing sakin may nangyare daw sayo" sabe ko
"Planado yun gusto ko lang makita ang reaction mo" sabe nya
"Ikaw ha, oo nga noh naka dextrose ka eh tanga ko naman" pinunasan ko ang luha ko
"Sabihin mo nga ulit yung sinabe mo kanina" sabe nya
"Anong sinabe ko?" Tanong ko
"Yung hindi mo pa nasasave sakin" sabe nya at ngumiti
"Mahal kita Dale, Mahal na mahal" sabe ko
"Mas mahal kita C" sabe nya
"Teka nga, ikaw may kasalanan kapa sakin ha! Bat bigla kang nawala nung araw na pipiliin na sana kita?" Tanong ko
"Look, listen to me ok? Nung araw na yun nasa Garden ako naghihintay sayo, then suddenly nag chat si Sandy sakin saying na umalis na daw ako kase si Bryle ang pinili mo, di ko yun pinansin not untin she send me a pictures na magkayakap kayo, nung tinanggap mo ang flowers at maraming pictures na magkayakap kayo tapos nakangiti ka sa kanya, inisip ko na baka nga sya ang pinili mo, ang deal ay kailangan ng lumayo ang hindi mapipili, kaya nagpakalayo layo na ako" sabe nya
"Oo niyakap ko sya noon goodbye hug yun tinaggap ko ang flowers pero nilagay ko din yun sa table, pinuntahan ko sya para magkaroon ng closure tapos nung pinuntahan na kita wala kana, so ayun" sabe ko
"Kaya nga sorry, kase di kita pinakinggan, tiniis kita pero nung time na tumawag ka at parang nasa kapahamakan ka inisip ko sa sobrang taas ng pride ko nakalimutan ko na mas higit parin dapat ang pagmamahal ko sayo" sabe nya ngumiti nalang ako
"Nung araw nga nayun pinuntahan ko pa si Bryle para humingi ng tulong, sabe ko tumawag sya ng police then sundan nya ako shinare ko ang location ko sa kanya, di ko nga inexpect na magagawa nya sayo yun eh, pero habang nag uusap kayo chinat ko si Jing inopen ko ang GPS ko para malaman nya kung saan tayo, ok lang C na ako ang masaktan wag kalang kase pag nawala ka mawawalan na rin ng saysay ang buhay ko di ko kakayanin C, hindi talaga" di ko maiwasan di umiyak dahil sa mga sinabe ni Dale sakin
"Thank you Dale, thank you for saving my life thank you for being my hero" sabe ko
"Di man ako si Jiang Chen na gustong-gusto mo,handa naman akong maging si Wu Bosong na gagawin ang lahat para sayo" ngumiti sya ngumiti din ako
"Pero sa love story nating to di si Jiang Chen na gusto ko ang pinili ko, pinipili ko si Wu Bosong na handang gawin ang lahat mapasaya lang ako" sabe ko
"Kaya nga mas lucky ako kaysa kay Wu Bosong eh kase di sya pinili ni Xiaoxi, eh ako, ako yung pinili mo C" sabe nya
"Ikaw at ikaw lang Dale pangako" sabe ko
"C may isa pa akong importanteng sasabihin sayo" seryosong sabe nya
"Ano yun Dale?" Tanong ko
"Ako yung Stalker mo"
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Novela JuvenilSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...