Chapter 25-Tigayon Hill 2

816 22 0
                                    

Nagising ako ng may ulong nakapatong sa ulo ko, pagkamulat ko si Dale pala yun, napansin ko na nakayakap pala sya sakin, nung gumalaw ako ay nagising din sya.

"Ay sorry nagising kita" sabe ko

"Ok lang" sabe nya antok pa siguro kase medyu husky ang voice nya eh bagong gising talaga. Nginitian nya ako

"Ala! Bumalik na tayo dun, baka nag aalala na sila Sir satin" sabe ko, dali dali din syang tumayo at bumalik na kami doon.

"NANDITO NA SILA PRES" sigaw ni Dankyle

"Nakung mga bata kayo saan ba kayo pumunta?" Nag aalalang tanong ni Ma'am Relis

"Ma'am sorry talaga, nakadating po kami doon sa may cave nandun po kase ang flag namin, tapos akmang aalis na kami nung bigla nang umulan" pagpapaliwanag ko

"Ano? Sa cave ? Nasa mga puno lang naman ang mga flags eh" sabe ni Ma'am

"Eh amin nga ma'am natambunan eh buti nalang at malinaw mata ko" sabe ni Gab yung flag nila ang tinabunan namin

"Aba yung amin nga nasa ibabaw ng puno" sabe nung Maroon

"Tama na yan! Naku yan ang problema sa inyu ayaw nyu malamangan" sabe ni Ma'am nakonsensya naman ako dun.

"Mabuti at nakabalik na kayo ng safe" sabe ni Sir.

Matapos ang usapan namin ay bumalik na kami sa kanya-kanyang tent pinuntahan ako ni Bryle at niyakap.

"I was really worried last night, akala ko kung ano na ang nangyare" sabe ni Bryle sakin

"Pabalik na sana kami kaso umulan eh" sabe ko

"Nagseselos na ako" nagtatampong sabe nya

"Bakit ka magseselos? Mahal kita tandaan mo yan" sabe ko ngumiti naman sya, niyakap nya ko

"I know babe, I love you" sabe nya

"I love you too" sabe ko

Matapos ang usapan namin ayun inusisa nila kami kung ano daw ba ang nangyari saamin, di matapos tapos na tanongan, kumain kami ng breakfast namin kase may activity kami na gagawin. After nun pumunta kami sa ground at doon iniexplain ni Ma'am Roldan ang gagawin

"Good Morning students, as you can see may mga obstacle course dito, so dito natin makikita ang cooperation ng lahat, una itong gagapang kayo, maputik kase umulan kagabi at sinadya nmin na maputik talaga sya, sa second naman merong net, all you have to do ay dapat makapasok kayong lahat dyan ng walang sumasayad na parts ng katawan, sa third ay mga gulong kailangan nyung akyatin yan, fourth merong plywood dyan and may lubid kailangan nyu ding akyatin yun and para sa last station kailangan nyung buoin ang puzzle nung logo ng school, after mabuo ang logo ng school, balik dito akyan ulit kayo sa plywood, akyat sa gulong pababa pasok sa net at gagapang, the first team na makakabalik ang syang mananalo" sabe ni ma'am

"Yes Ma'am" sabay sabay naming sabe

"Ready, Get set, and Go" sigaw ni Sir at pumito.

Kami ni Dale ang unang gumapang, shocks yung ibang putik napunta sa mukha ko, tapos habang gumagapang kami binubuhusan nila kami ng tubig, grabe naman yun. Nauna si Dale nakalabas tapos ako na. Nung nakalabas na kaming lahat dun proceed na kami sa net.

"Guys ganito ako ang mauunang papasok, pag naabot na ng kamay ko ang lupa sa kabila tsaka nyu buhatin ang paa ko, dapat lalaki ang mauuna para may aalalay" sabe ni Dale, matangkad kase sya eh kaya abot nya talaga.

Pinasok ni Dale ang dalawang kamay nya at yumuko para abotin ang ground, nauuna na ang Green saamin.

"Iangat nyu na ang paa ko guys, make sure di sya sasayad ok?" Sabe nya hinawakap ko ang paa nya ganun din sina Lance. Nung makapasok na sya ayun na nag umpisa na, sila mna ang pinauna ko.

Naging madali lang ang pag pasok sa ibang member kase may unaalalay doon sa kabila at dito.

"Jing ikaw na ako nalang ang last" sabe ko

Ini-abot nya ang kamay nya sa kabila hinawakan yun ni Lance, nung ok na binuhat ko ang paa nya papasok dun. Nag sisi talag ako bat pa ako nagpahuli, pano ako makaka punta dun walang aalalay sakin dito sa likod

"Oy paano to? Ang hirap" sabe ko

"C give me your hand" iniabot ko ang kamay ko sa kanya.

"Just relax, ok lang ba na hawakan kita sa bewang?" Pagtatanong nya, tumango naman ako "Di ka naman mabigat eh" sabe nya

Inilagay nya ang kamay ko sa my leeg nya, tapos ang dalawang kamay nya nasa waist ko, di naman sya sumagi.

"Wag kang magpabigat just relax then i-straight mo ang mga paa mo" sabe nya inulongan na din sya ni Dankyle. Habang hawak hawak nya ako sa beywang ko si Dankyle ang nag alalay ng mga paa ko, muntikan pang masagi ang net. Mabuti nalang at  nakatawid ako.

"Likana, pinauna ko na ang ibang members dun" sabe ni Dale.

Kawawa ang Maroon si Dellion kase pinahuli nila eh sa mataba si Dellion ayun hirap na hirap sila na papasukin sya, nangunguna na ang green. Tumakbo kami at umakyat sa gulong na pinag patong-patong kami nalang tatlo ang hindi nakaakyat nasa plywood na sila eh, unang umakyat si Dale pagkatapos ako na, 4 na gulong yun na pinag patong patong nasa pangatlong gulong ako nung nadula ang paa ko.

"Aahhhhhhhh" pinikit ko ang mga mata ko kase alam ko mahuhulog ako, ilang segusndo pa ang lumipas at pagkamulat ng mata ko nasalo pala ako ni Dale

"Ok kalang?' Tanong nya medyu nahiya na ako sa kanya yumuko ako

"Oo salamat" sabe ko, nginitian nya ako pagka baba ni Dankyle ay tinanong nya kung ok lang din daw ba ako, umuoo nalang ako. Natagalan din kami sa may plywood kase medyu madulas talaga sya, kaya ang pinagawa namin sa kanila, pinakiskos namin ang paa nila sa lupa para di gaanong madulas kase binuhusan pala nila ma'am yun ng mantika. Mas napadali nga ang pag akyat namin.

Sunod sunod kaming umakyat, di Dankyle nanaman ang nag pahuli sa pag akyat. Tapos na kami, binuo na namin ang puzzel nung logo nung school. Nagalan kami sa logo kase madami syang puzzle di sya malalaki na pieces ng puzzle mga 5 minutes nung magawa namin yun, halos sabay kami nung green team, sila din daw ang naunang nakahanap ng flag kagabi eh at ang reward nila ay imbis na 46 silang maglalaro 40 nalang, malaking advantage sa kanila nun.

Tumakbo na agad ang iba pakyat nanaman sa plywood, medyu naging madali lang siguro dahil sa adrenaline namin, gusto namin manalo, kase ang reward ngayon pag kami ang mananalo ay di kami magluluto ng lunch at dinner tapos ang pag kain, pagkain sa hotel.

Nag sabayan na din tig daalawa ang pag akyat sa may gulong pagkatapos nun ay iretso na kami sa putikan si Dale nalang ang last namin tapos si Kyle naman ang sa kabilang grupo. Nag sisigawan na kami, tumigil si Kyle dahil pinunasan nya pa ang itsura nya na nabuhusan ng tubig kaya ayun KAMI ANG NANALO. Pagkalabas ni Dale dun nag group hug kaming lahat at nag sisisigaw, wala kaming pake kung puro putik kami ang mahalaga nanalo kami!

-----
A/n: Nakuha ko ang idea na yan nung nag Yes-O kami ganyan din ang mga ginawa namin.

The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon