C's POV
"Bryle bat mo to ginagawa sakin?" Tanong ko"Bakit C? Tinatanong mo kung bakit? Kase mas pinili mo sya kaysa sakin" sabe nya
"Pero bat ginaganito moko? Bakit handa mokong pagahasain sa iba Bryle?" Namumuo na ang luha sa mata ko
"Wala lang si Sandy ang may gusto nyan eh" tumingin pa sya kay Sandy
"I told yah mag ingat ka kase kaya kong pumatay ng tao, ops nagbabayad lang pala kami para sila ang pumatay" tumawa pa talaga sya
"Baliw na kayong dalawa" sigaw ko
"HAHAHA Baliw? Hindi kami baliw, well mahal ka parin naman ni Bryle eh pero mas nangibabaw ang galit nya" sabe ni Sandy
"Bryle mabait kang tao, tama na Bryle please pakawalan nyu na kami ni Dale"pagmamakaawa ko
"Pakawalan? Nagpapatawa kaba C? Hindi kita papalawalan, gusto mong makasama si Dale diba? Pwes mag sama kayo sa kabilang buhay" parang baliw na nga sina Bryle
"Sino ba gusto mong unahin ko sa inyung dalawa ha Dale?" Tanong ni Bryle
"Ako nalang Bryle, patayin mo na ako pakawalan mo lang si C" nakita ko ang pag tulo ng luha ni Dale
"Hindi Dale, Bryle ako nalang tutal sakin naman nag simula ang lahat ng to eh" umiiyak na ako
"Aww ang sweet naman" sabe ni Sandy
"Pwede naman sanang sabay kayo eh, kaso mas magandang may makitang umiiyak yung isa habang namamatay ang isa" baliw na nga si Bryle, tawa na sya ng tawa
"Hmmm, alam ko na kung sino ang uunahin ko, ikaw yun" tinutok nya ang baril sakin kaya napapikit ako "C" narinig ko lang ang isang outok ng baril
Wala ang naramdamang iba, Isang yakap lang ang naramdaman , mahigpit na yakap na unti-unting lumuwag
Pag mulat ko nakita ko si Dale sa harapan ko nakayakap sakin, nakangiti at may dugong lumabas sa bibig nya
"Mahal kita C, Mahal na mahal kita, pasensya kana kung nahuli ako at di ako nagpakita agad, mananatili kalang dito sa puso ko C" tumulo ang luha sa mga mata nya
"DALEEEE, Bryle walang hiya ka, baliw kana di kita mapapatawad" gustohin ko man na yakapin si Dale pero di ko magawa kase nakagapos ang kamay ko
"Itaas ang Kamay, at walang kikilos ng masama" nabuhayan ako ng loob nung may pumasok na mga pulis sa loob, kasama sila Jing
Tumakbo sakin si Jing at mahigpit akong niyakap, pinakawalan nya ako wala akong pake sa nangyayari sa paligid ko pagkawala ko agad kong niyakap si Dale
"Dale wag kang bibitaw please,wag ngayon Dale, marami pa tayong pangarap please wag mokong iwan" saktong may kasamang ambulansya doon, inayos nila si Dale at pinasok sa loob, sina Bryle nasa police Car na
Sumakay ako sa Ambulasya at habang nasa loob hawak-hawak ko ang kamay ni Dale. Nilagay ko sa may bibig ko ang kamay nya at hinalikan
"Wag kang bibitaw ha? Wag kang susuko, Dale lumaban ka please, lumaban ka para sakin di ko yata makakaya pag nawala ka Dale" may oxygen na nilagay kay Dale
Pagkadating namin sa hospital ay dinala na sya sa emergency room, gustohin ko mang pumasok di ko yun magawa, Tinabihan ako ni Jing sa upuan.
"Ok kalang?" Tanong nya,
"Hindi Jing" niyakap ko sya "Di ko kakayanin na may mangyaring masama sa kanya Jing, Hindi ko kaya" umiyak ako habang yakap-yakap si Jing
"Matatag si Dale, di nya yun magagawa sayo, di ka nya iiwan C" naghintay nalang kami sa pag labas ng doctor
Pinapauwi na muna ako ni Jing pero ayaw ko gusto ko ng makita si Dale, gusto ko na syang mahawakan, gusto ko na syang mayakap, gusto ko ng sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya
Maya-maya lumabas ang doctor "Doc kamusta po sya?" Tanong ko
"Kaano-ano ka po ng pasyente?" Tanong nya
"Girlfriend nya po ako" kahit hindi pa naman sinabe ko na na ako ang girlfriend nya
"He is in Coma" sabe ng doctor nanlumo ako sa narinig ko
"But he is still lucky kase di tumama sa spinal nya ang bullet, if yun ang nangyari may possibility na mawala sya, but now he is already stable, all we have to do is to wait hanggang sa magising sya" ngumiti samin ang doctor "if you'll excuse me, May pupuntahan pa ako"sabe nya
"Sige doc thank you" sabe ni Jing
Dinala na si Dale sa kwarto nya, pumasok na din ako dun sa loob. Ilang iras lang ang lumipas at ininterview nga ako ng mga pulis, kinasuhan namin sila Bryle di namin yun mapapalampas
ILANG ARAW na ang lumipas pero wala parin tulog parin si Dale hinihintay nalang namin ang pag gising nya.
"C umuwi ka muna kaya kami na muna bahala dito, nakauwi na din mama ni Dale dinala nya ang mga labahan nila at magdadala ng panibagong mga damit, ikaw din kaya kumuha ka muna dun" ayaw ko sana pero pumayag na din ako
Hinatid ako ni Lance sa bahay at kumuha na din ako ng damit ko, dum na muna ako sa tabi nya para sa pag gising nya ako agad ang makita nya
*ring*
Jing calling..."Hello Jing?"
"C BUMALIK NA KAYO DITO BILIS SI DALE"
Di ko na pinatapos ang sinabe nya at hinila ko agad si Lance sa kotse sana walang mangyareng masama kay Dale di ko po kakayanin
------
A/n: Bukas po ay tapos ko na ito, salamat agad sa mga sumuporta nito hanggang sa susunod ulit.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Teen FictionSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...