Chapter 16- Transferee

997 27 3
                                    

Hays bitin talaga ang ang Weekends, sana Mon-Fri nalang ang weeked at Saturday at Sunday nalang ang pasok hahahha.

"Hey beautiful" sabe sakin ni Bryle na nasa gilid ng sasakyan nya

"Bakit di ka pumasok?" Tanong ko

"Kakarating ko lang din kase, so likana?" Tanong nya at binuksan ang pinto para sakin

"Thanks babe" sabe ko at nginitian sya, umikot sya at sumakay na din

"How's weekend babe?" Tanong nya sakin

"Bitin, nag ayos lang kami ni Jing ng apartment at namasyal, ikaw kamusta ang weekend mo? Ni hindi mo manlang ako tinext or tinawagan" nagtatampong sabe ko

"Di kita tinext at tinawagan kase gusto ko na mag enjoy ka, syempre stressed ka these past few days kailangan mo ding magpahinga" paliwanag nya na napangiti naman ako

Nagdrive si Bryle papuntang school na at hinatid nya muna ako sa room ko at pumunta na sya sa room nila whick is katabi lang ng room namin.

Natapos ang 2 subject namin na bored na bored ako, Breaktime namin at vacant namin hanggang lunchtime kaya naisipan namin tumambay sa may garden ng school, na si Dale ang naka discover.

"Ang ganda dito ang tahimik, bat ka pala napadpad dito Kryptton?" Tanong ni Jing

"Medyu ang sikip na sa canteen eh kaya naghanap ako ng magandang pwesto hanggang sa makarating ako dito" sabe ni Dale

"By higa ka sa lap ko" sabe ni Lance, at nilatag nya ang malong nya, yung parang scarf na yan. Ang sweet nila tignan

"MGA BAAAAKLAAAA" Nagulat naman kami sa sigaw ni Rica

"Oh bakit nanaman?" Tanong ni Jing

"Kanina ko pa kayo hinahanap eh, may chika ako" sabe nya

"Ano yun?" Tanong ko

"May bagong transferee" sabe nya

"Oh eh ano naman ?" Tanong naman ni Lance

"Si Sandy" sabe ni Rica

"SI SANDY?" Gulat na sagot namin ni Jing

"Sino si Sandy?" Naguguluhang tanong ni Lance

"Si Sandy yung babaeng patay na patay kay Bryle" sabe ni Jing, mabuti di na nila sinabe about sa issue namin nila Bryle.

"Ang landi talaga nun noh? Kung makalingkis kay Bryle parang kulang nalang mag hubaran na sila sa room eh" medyu nakaramdam ako sa sinabeng yun ni Rica.

"Hay naku, hayaan nyu na nga yan, anong kakainin nyu kami nalang ni C ang bibili" sabe ni Jing

"Ay bongga ako ang maiiwan sa dalawang boys" sabe ni Rica

"Same tayo by kung ano sayo yun lang din akin" sabe ni Lance kay Jing

"Dale anong gusto mo?" Tanong ko

"Ikaw"sagot nya, napatingin naman kami lahat sa kanya "ikaw anong gusto mo? Libre nalang kita" sabe nya

"Ahh, the usual syempre, Juice, cheeseburger at Palabok" sabe ko

"Sya lang ba ililibre mo, pano naman ako Kryptton?" Nagtatampong sabe ni Rica

"Kaya mo na yan" sabe ni Dale at tumawa

"Hmmmpp. Sige na nga nilibre mo naman ako sa Jollibee eh, Cheeseburger lang sakin at juice" sabe nya at binigay samin ang pera

Habang naglalakad kami papuntang canteen may narinig kaming usapan ng students

"Wala naba si Pres at si Bryle?"
"Siguro may ibang kasama si Bryle eh"
"Sayang naman, mas ok naman si Pres. kaysa dun sa babaeng yun"
"Ang landi ng babae parang linta"

Hinayaan ko nalang sila at diretso na kami sa Canteen, pagka dating namin dun ay nag order nalang agad kami ng pagkain.

Nang makuha na namin ang order namin ay bumalik na kami doon sa Garden.

"Eto na ang pagkain nyu" sabe ni Jing

"Salamat naman at dumating na kayo" sabe ni Rica

"Sus as if naman di mo nagustuhan na nagtagal sila" pag sabat ni Jing

"Hahaha super gusto ko nga eh" sagot nya

Umupo na kami at nagsi kain na kami, the best talaga ang palabok nila dito, as in ang sarap talaga, nagulat ako nung pinunasan ni Dale ang gilid ng labi ko

"May dumi" sabe ni Dale

"Awiieee ehem ehem may jowa na yan" sabe ni Jing

"Jowa palang naman" pabulong nya pero rinig ko yun lumakas naman ang tibok ng puso ko.

"Ano yun Kryptton ano yun?" Tanong ni Rica

"Sabe ko maganda ka" sabe ni Kryptton

"I know right, wag mo nang sabihin alam ko naman na hahaha" waring ang haba ng buhok nya kung ilagay nya sa tainga nya.

"Binobola kalang naniwala ka agad" sabe ni Jing

"Kung ganito ba naman kagwapo ang bobola sakin aba magpapabola talaga ako noh" sagot naman

Pinag patuloy lang namin at pagkain namin, di parin mawala sa isip ko na magka klase sina Bryle at Sandy, masakit isipin na mas makakasama sya ni Bryle. Ayaw ko na mawala ang tiwala ko sa kanya ayaw ko na masaktan uli.

Tanga na kung tanga pero mahal ko sya.

----
A/n: Follow, vote, Comment and Share

The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon