Chapter 37- Valentines Preperation

990 27 0
                                    

After our Christmas Break and New Year bumalik ma kami ng school nasa stage parin ako ng healing, sa buong month ng January sinusuyo ako ni Bryle pero wala eh nasaktan parin ako, and My Stalker ? Yun lagi syang nagpapadala ng rose with an inspiring message pa.

Nandito kami ngayon sa SSG Office at mag memeeting nga kami about sa darating na Valentines Day, dati excited ako pero ngayon? Hindi na ayokona nga sana eh kaso syempre di ko pwede isali sa kabitteran ko ang mga schoolmates ko.

"Ms.Pres start na tayo" tawag ni Arabella. Pumasok na ako sa loob.

"So guys siguro naman aware na kayo kung bat kayo nandito diba? For the Valentines Day to, gaya ng tipical na Valentines celebration syempre di mawawala ang booth lalo na ang Marriage, Jail and Dedication Booth so any suggestions?" Tanong ko

"Pres try natin mag benta din ng mga roses or something na di mawawala pag Valentines para na din sa Fund natin" suggest ni Nathalie

"Oo pwede din yun ano pa?"

"Gawa tayo ng Dating Place, kunyare sa isang room may mga tables for two then ang ibang committees eh sila ang magiging waiters, ako pwede na ako ang mga cook" sabe ni Dale

"Ayun sige, Assigned kayo sa pag hanap ng tables and chairs Kyle and Hassel tapos kayo na din sa Decor" sabe ko, sumang ayon naman sila

"Pres sa Covered Court pwede gawin natin yun na parang dedication din sya, like kunyare hugot or something mga message kung gusto nila na sila mismo ang mag salita" sabe ni Joyce

"Good Idea ako ang mag babantay dun" sabe ko

"Film Showing pa pres" sabe naman ni Gab

"Yeah, kayo nalang ni Nat ang assigned dun, kayo na bahala nung movie na ipapalabas, nag decide ako na 5 rooms ang gamitin natin, kayo na ang bahala sa time ng showing" sabe ko

Marami pa silang sinuggest, mag benta din daw kami ng posters ng mga K-pop since madami daw ang K-pop fans, tapos photobooth daw sa standee ng mga Oppas, naging magaan lang ang naging meeting namin everything is okay na.

Palabas na ako ng SSG Office nung may hmila ng kamay ko, "BRYLE?" Oo si Bryle nga yun

"C I'm sorry please let's start again" pagmamakaawa nya

"Pwede ba Bryle tama na! Nag mo-move-on na ako ayokona na masaktan pa" sabe ko

"Kaya nga give me another chance, another chance to prove myself, another chane and I promise not to hurt you again" May nararamdaman parin ako sa kanya pero ayokona

"Bryle tama na! Ayokona please lang Bryle" sabe ko sa kanya at umalis na ako, tumakbo ako na di ko alam kung saan pupunta, nakarating ako sa garden na pinag tatambayan namin.

"Lagi ka nalang ba nakaiyak pag nakikita kita?" Pag tingala ko si Dale pala, walang ano-ano ay niyakap ko sya

"Dale ayaw ko na, hanggang kailan paba ako iiyak?hanggang kailn ko paba kailangan na mag suffer?"hinagod nya lang ang likod ko

"Shhh. Alam mo libre nalang kita ng Ice Cream ano game?" Sabe nya

"Di naman tayo pwede makalabas eh may guard" sabe ko

"Sa harap hindi pero sa likod pwede" sabe nya, yung gate sa likod para na syang mga kakahoyan.

"Nakakatakot dun" sabe ko

"Ang aga-aga oh tsaka wala kabang tiwala sakin? Kabisado ko ang daan dun halikana" hinila nya pa ako at tumakbo na nga kami maaga pa naman 10AM.

Totoo nga memorize nga nya ang pasikot-sikot dun, pagkalabas namin ay sumakay na kami ng taxi kase nasa school ang motor nya pumunta kami ng SM naka uniform pa talaga kaming dalawa.

"Ano Dale libre mo ba ako?" Pabirong tanong ko buti nalang at dala ko naman bag ko ganun din sya

"Oo naman ako ang nag aya eh" pumunta na kami sa isang Ice cream shop at nilibre nya nga ako ng ice cream, habang kumakain ay nag bibiro pa sya

"Chand, anong tawag sa isda na mataba?" Tanong nya

"Ano?" Tanong ko

"FATing"

"Corny ha?" Pero napangiti ako dun

"Ito, anong dapat ipangalan sa anak ng Chinese na Bulag?"

"Ano?"

"Kennet Sy" sya pa yung natawa

"Baliw oh ito Knock Knock" ko naman

"Who's there?"

"RUDE"

"RUDE WHO?"

"RUDEEE PATAWAD" Hahaha nakita ko lang yun sa FB at natawa talaga ako natawa naman sya

"Aba bumabawi ito, ano ang tawag sa isda na walang tinik?" Tanong nya

"Ano?"

"Fish Ball" natawa ako dun "tange di naman isda ang fish ball eh" natatawang sabe ko.

After nun ay inubs na namin ang Ice Cream, nag laro pa kami sa Toms world libre nya ako, tapos bumalik kami sa school para kunin ang motor nya at inihatid na nya ako sa bahay, nasa gate sya at nasa pinto na ako ng bahay nung sumigaw sya.

"CHAND! ANONG ISDA ANG NAGMAMAHAL SAYO?" Sigaw nya

"ANO?" Tanong ko

"HITO OH" Pagkatapos nun dali dali na syang sumakay sa motor nya at umalis, di ko naiwasang kiligin dun, ewan ko kung totoo oh jino-joke time nya lang ako.

Nakangiti akong napahiga sa kama ko, hinawakan ko ang dibdib ko at ang lakas ng tibok nito, ano ba tong nararamdaman ko? Tama ba to?

-----
A/n: Oh My Ghad baka naman kase love mo na hahaha.

The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon