"Beb" si Dale na yan
"Yes beb? Nandito pa ako sa room nag aayos" sabe ko maya maya lang pumasok na sya
"Kahit di kana mag paganda para sakin ikaw ang pinaka maganda sa lahat" sabe nya
"Asus bolero, syempre gusto ko na presintable akong haharap sa parents natin" sabe ko
"Parang namamanhikan lang eh" tumawa pa sya
"Kaya nga eh" sabe ko naman
"Beb may pupuntahan muna tayo bago tayo dumiretso doon sa Bahay" sabe nya
"Saan naman?" Tanong ko
"Secret" kinindatan nya pa ako at lumabas na di ko naman maiwasan na mag blush
Pagkababa ko pinag buksan nya ako ng pinto pati ng kotse nya. Habang nag dadrive sya eh nakinig nalang muna ako ng music
Maya maya lang ay bumaba na kami sa isang mental hospital "Anong ginagawa natin dito beb?" Tanong ko
"Nandito si Bryle, beb I think it's time for us para patawarin sya?" Tanong nya ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya
Pumasok kami sa loob, ginuide naman kami kung nasaan si Bryle nasa labas pa sya medyu maaga pa naman kase eh nasa isang gilid lang sya nakaupo
May mga nakabantay na nurses sa Kanya. "C sorry, mahal kita C" yan ang paulit-ulit nyang sinabe pinuntahan ko sya
"Bryle?" Sabe ko
"Sino ka? Ikaw ba si C?" Tanong nya tumango tango lang ako
"Si C mahal ko yun, mahal ko yun dalhin mo ako kay C" sabe nya
"Ako to Bryle" di ko maiwasang maiyak
"Hihingi ako ng sorry kay C, nasaktan ko di C eh nasaktan ko sya" pinalo palo nya ang ulo nya
"Bad ako bad bad bad" sabe pa nya
"Bryle tama na, si C ? Napatawad kana nya, di na galit si C ok na sya" sabe pinunasan ni Dale ang luha ko
"Talaga? Di na galit si C?" Tanong nya
"Oo Bryle di na sya galit" sabe ko
"Sabi mo kay C ha mahal ko sya" maya maya pa umiba na ang mood nya
"Umalis ka dito di ka si C alis sho sho sho" hinawakan na sya ng mga nurse
"Una na kami Bryle" sabe ko niyakap ko si Dale sumakay na kami sa kotse
"Bat sya naging ganun beb?" Tanong ko
"Di ko din alam beb, nung nakaraan ko lang nalaman na nilipat pala sya dito lagi ka daw nya hinahanap, si Sandy nakakulong parin sya" sabe nya
"Kahit na nasaktan nya ako, nandun parin yung part sakin na naaawa ako sa kanya beb" sabe ko
"Oo nga beb kahit ako din" sabe nya
Tahimik lang kami habang sa byahe, hanggang sa makarating kami sa kanila nandun na sina mama at papa
"Good evening ma,pa,tito,tita" bati ko
"Nandito na pala sila upo na kayo"sabe ng mama ni Dale umupo na kami at habang kumakain nagkausap kami
"Kryptton salamat sa pag ligtas sa buhay ng anak ko" sabe ni papa
"Wala po yun tito handa po akong itaya ang buhay ko para sa lanya" sabe naman ni Dale
"Sana lang ay mag tagal kayo, gusto kita para sa anak ko" sabe naman ni mama
"Gusto din namin si C para kay Kryptton mare" sabe ng mama ni Dale
Matapos kumain ay nauna ng umuwi sina mama dun sila sa apartment, si Jing umuwi muna sa kanila, baka dito na muna ako matulog kina Dale, pumunta kami sa Garden nila
"Alam mo beb di ko talaga expected na mayaman kayo, akalain mo ba naman mayamang lalaki tapos motor lang" sabe ko
"Pag motor kase beb ok lang malate ng gising di ka mamomoblema sa traffic, maraming pwedeng singitan" sabe nya
"Sabagay" natahimik na kami
"Beb may secret akong sasabihin" sabe nya
"Ha? Ano yun?" Tanong ko
"I love you"
"I love you too"
"Beb mahal ka daw ni Eddie" sabe nya
"Huh sinong Eddie?" Nagtatakang tanong ko
"EDDIE ako" tumawa lang kaming dalawa
"Mahal ka nga din daw ni Coreen eh" sabe ko naman
"Sino naman si Coreen?" Tanong nya
"Edi aCOREEN" Piningot nya ang ilong ko
"Ang cute talaga ng beb ko" sabe nya
"Bolero ka naman" sagot ko
"Honest lang" ngumiti pa sya
"Naku papogi kapa dyan Mr. Stalker" sabe ko
"Well gaya ng sabe mo di na ako Stalker,Boyfriend mo na ako" at hinalikan nya ako sa noo
"I love you beb"
"I love you too beb" sagot ko
------
A/n: Should I start writing the book two?
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Teen FictionSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...