Bukas na ang Intramurals namin naisipan ko munang dalawin si Bryle sa condo nya para i-good luck sya
Nagpaalam ako kay Jing na aalis muna ako, wapakels naman sya, kaya sumakay na ako ng taxi para mas madali, medyu natagalan lang kase traffic, nang makarating ako sa building ng condo nya binate ako ng nasa front desk kilala na nila ako kase madalas ako dumalaw kay Bryle.
"Good Evening po Ma'am C" bati ni Sheila na nasa front desk
"Dadalawin ko lang si Bryle nandun ba sya?" Tanong ko
"Yes ma'am puntahan nyu nalang.
Tinext ko muna si Bryle.
To: Babe
Hello babe nandito ako sa front desk punta na ako dyan sayo love you.Bryle's POV
Nakahiga sa braso ko ngayon si Sandy ng mag beep ang cellphone ko.
From: Babe
Hello babe nandito ako sa front desk punta na ako dyan sayo love you.Napabalikwas ako ng pag bangon.
"Baby ano yun?" Tanong sakin ni Sandy
"Magbihis kana dalian mo dalhin ko lahat ng gamit mo" sabe ko
"Baby pagod pa ako dito muna ako matutulog" at niyakap pa ako. Shit di ako pwedeng maabutan ni C ng ganito
"Magbihis kana o gusto mong lumabas na hubo't-hubad" sabe ko sa kanya nag bihis na din ako ng maong at tshirt.
Pagkalabas ko pinindot ko ang elevator tang*na di pa bumubukas. Mukhang may papalabas sa kabilang elevator kaya dali-dali kaming bumalik sa kwarto ko. Maya maya ay nag doorbell si C
"Shhh tumahimik ka lang dyan" sabe ko kay Sandy, tumahimik naman nga sya.
Nang wala ng nag doorbell ay dun na kami lumabas ni Sandy, sa Fire exit nalang kami dadaan.
C's POV
Bumalik ako sa ilalim dahil wala namang tao sa condo ni Bryle.
"She, pakitawagan naman ang room ni Bryle oh wala kaseng sumasagot kanina eh" sabe ko
"Ok ma'am saglit lang po" habang tumatawag si Sheila ay nakita kong lumabas si Kuya Ryan na syang monitor ng CCTV, pasimple akong pumasok sa CCTV room at dun nakita ko nga,
Si Bryle kasama ang babae nya, yung si Sandy, ang babaeng kasama nya din sa Park, nag uunahan nanaman sa pag tulo ang luha ko ng pumasok si Kuya Ryan
"Ma'am C bawal po kayo dito, pasensya na po" sabe ni Ryan lumabas nalang ako at dumiretso sa parking lot, saktong pagdating ko dun nakita ko si Bryle.
Pinarahan nya ng taxi ang babae nya, bago tuluyang pumasok ang babae ay hinalikan nya ito sa noo, ang sakit sobra.
Nakatago lang ako sa isang sulok habang umiiyak, pagka daan ni Bryle ay napansin nya ako."C let me explain" sabe nya di ko na sya pina explain tumakbo ako at papara sana ng taxi.
"Gabi na Chand nandito kapa ? Hatid na kita sa inyu" si Dale pala di na ako nag hindi at sumakay na binigyan nya ako ng helmet.
"Sinasadya siguro ng tadhana na makita kita pag nasasaktan ka, para siguro mapasaya kita" sabe nya sakin
"Drive mo nalang ako pauwe" sabe ko
"Bat di mo pa sya hinihiwalayan?" Tanong ni Dale
"Mahal ko sya" sabe ko. Napatango nalang sya
Pagdating ko sa bahay ay nasa sala si Jing at gumagawa ng graham balls na inebenta namin bukas,ngayon ko lang din natandaan na may dapat pa pala akong gawin. At mag oover-night pala dito si Dale.
"Oh anong nangyare?" Tanong sakin ni Jing. Di ako sumagot kaya si Dale ang tinanong nya "Oy kryptton anong nangyare sa babaitang to?" Tanong nya kay Kryptton
"Ewan ko nakita ko lang sya na umiiyak galing ng condominium ng boyfriend nya" seryosong sabe ni Dale
"Sabe na eh si Bryle nanaman, ano nanaman ang ginawa ng mokong na yun sayo ha?" Seryosong tanong ni Jing.
"Pupunta sana kase ako sa condo nya to say good luck para sa game nila bukas then I saw him with another girl, yung girl na yun eh yung babae din na nakita kong kasama nya sa park"sabe ko medyu nang gigilid na ang luha ko.
"Alam mo hiwalayan mo na ang mokong na yan" sabe ni Jing
"Oo nga hiwalayan mo na" sabe naman ni Dale
"Nakapag-decide na ako" sabe ko
"HIHIWALAYAN MO NA?" Sabay na tanong ni Jing at Dale
"Nakapagdecide ako na bibigyan ko sya ng 3 chances after nun hihiwalayan ko na sya" napasapaw naman sa noo si Jing
"Ang martyr mo talaga C grabe ang katangahan mo to the highest level na so 2nd chance mo na to?" Tanong nya
"Hindi baka 1st chance palang kase nung una friend daw sila mag eexplain din yun" sabe ko at ngumiti
"Kryptton paki kuha nga ang martilyo doon sa Kusina pupokpokin ko lang ang ulo netong kaibigan ko baka sakaling tumino eh nabaliw na to" may pagka iritang sabe ni Jing, si Dale ay nakikinig nalang talaga sya sa usapan naming dalawa ni jinh.
"Jing alam mo naman diba ? Una palang si Bryle na yung laging nandyan para sakin sa loob ng 2 years naging masaya ako, and ayaw ko na maputol ang kasiyahan ko pag nagkahiwalay kami" sabe ko tumayo na ako at pumunta na sa kusina.
kinuha ko ang mga loaf bread at nirolling pin ko para ma flatten sya. After nun ilalagay mo ang half ng hotdog na small lang sa gitna masama ang cheese at irorolyo mo sya, isasawsaw mo sa itlog at sa breadcrumbs.
---
A/n: Like,comment,share
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Novela JuvenilSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...