Pgakadating namin ay hinubad ko na ang helmet ko.Kakadating lang namin sa apartment at sinalubong agad ako ni Jing ng yakap.
"Tell me you're okay" sabe nya
"Ok lang ako Jing" at niyakap ko din sya.
"Pasok na muna kayo, Kryptton salamat sa pag hatid sa kanya dito" sabe ni Jing at nakaakbay sakin
Nandun din pala si Lance, dito pala sya natulog sa apartment wala daw kaseng kasama si Jing.
"Lance anong ginawa nyu ni Jing kagabi" natatawang tanong ni Dale
"Natulog syempre, as if naman papayag sya sa gusto kong gawin edi na pektusan pa ako" natatawang sabe ni Lance
"Sabagay, amazona kase yang gf mo eh" pagkarinig nun ni Jing eh pinektusan nya sina Lance at Dale.
Jing's POV
Pagkadating nila C ay niyakap ko agad sya, sinabe sakin ni Kryptton ang nangyari nung tinawagan ko sya kagabi, kahit gusto ko man syang sumbatan dahil i sya nakinig sakin di ko nagawa kase nagmahal lang naman sya eh.Pumasok nga muna kami sa loob nung mag 10 na eh pinauwi na namin ang dalawang mokong na yun, gusto ko kase na makausap sya kase alam ko na behind her smiles ay ang sakit na nararamdaman nya.
"C labas tayo?" Tanong ko
"Wala ako sa mood Jing eh sorry" sabe nya, well alam ko naman na yun ang isasagot nya eh
"Alam ko na nasasaktan ka parin, C ibuhos mo sakin lahat ng sakit na nararamdaman mo, sabihin mo sakin, kaibigan moko at kilalang-kilala kita" sabe ko
Niyakap nya nga ako at umiyak na nga sya "Sorry, Sorry kase di ako nakinig sayo, sorry kung mas inuna ko ang puso ko, sorry kung naging matigas ulo ko, you just want the best for me pero di ako nakinig sayo sorry" sabe nya habang yakap yakap nya ako, hinaplos haplos ko ang likod nya
"Wala kang dapat ihingi ng tawad, Shhh. Alam ko na mahal na mahal mo talaga si Bryle and nagpapayo lang naman ako, di kita sinisisi tandaan mo yan, ang sinisisi ko ay ang lalaking yun" nag uumpisa na ring tumubig ang mga mata ko
"Ang sakit sakit Jing, para akong sinaksak ng paulit-ulit, nagbulag-bulagan ako sa panloloko nya, kase gusto ko lang nman sumaya eh, gusto ko lang naman na may magmahal sakin eh" humahagulgol na si C, masakit sa part ko na makitang umiiyak ang bestfriend ko.
"Tahan na, He is not the one for you, you deserve someone better, better that him tandaan mo yan" sabe ko
"Isusurprise ko sana sya eh, pero ako yung nasurprise sa nakita ko, pero siguro may mali din ako, gaya nga sabe nya may pangangailangan daw sya at yun kase yung di ko maibigay Jing eh, may kasalanan din ako" ganito sya kabait yung sarili nya nalang ang sisisihin nya
"Tama lang na di mo ibinigay yan, dahil paano kung binigay mo yan sa kanya tapos lokohin ka parin nya ? Yun yung masakit C" pagpapaintindi ko
"Di ko yata kaya, 2 years Jing, 2 years sinayang nya yun eh, di sya nakuntento sakin eh" humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinaharap ko sya sakin
"Tandaan mo to, sya yung nawalan hindi ikaw okay? Nasayo na ang lahat C, Maganda ka, Mabait bonus pa na Matalino ka at may diskarte pa sa buhay, Dyoga lang ipinagmamalaki nung Sandy na yun, pero pagdating sa talino sayo nasa utak lahat sa kanya napunta lahat sa suso edi yun punong-puno" medyu napangiti ko sya dun
"Punasan mo na yang luha mo! Sa Christmas pwede tayong mag celebrate doon sa amin isama natin sina Kryptton" sabe ko sa kanya tumango naman sya
After nun ay naghanda na kami ng Lunch namin 11:00 kami kumain, may pupuntahan kase ako eh, importante ang pupuntahan ko. After mag lunch sabe ni C matutulog muna daw sya, naligo na rin ako para puntahan ang bahay nya.
2:00PM nung handa na ako, sinundo ako ni Lance, pupuntahan namin ang apartment na tinutuluyan ni Sandy, medyu malapit lapit lang din dito saamin 30mins away lang. pagkadating namin dun bumaba na ako
"Dyan kalang wag kang bababa, kaya ko na to" pagpapaalala ko kay Lance. Tumango naman sya "ingat ka hintayin kita dito" tuamngo at bumaba na, nag doorbell ako sa gate nila
"Oh ikaw ang kaibigan nung ex ni Bryle diba?" Sya na nga to si Sandy
"Oo, ano di mo ba ako papapasukin?" Pagtataray ko
"At bakit?" Tanong nya
"Nung pumunta ka sa apartment namin pumasok kalang ng walang paalam so might as well gawin ko din yun" tinulak ko ang gate para makapasok ako, diretso sa loob ng apartment nya at umupo sa couch.
"Oh bakit ka nga nandito?" Nakahawak sa beywang na tanong nya, tumayo naman ako
"Alam mo bagay sayo ang pangalang Sandy" sabe ko
"Oo naman" at tinaasan pa ako ng kilay
"Super bagay parang isang demonyo eh sandyMONYO" Sabe ko
"Aba wala kang karapatan na bastusin ako o ang pangalan ko" sabe nya
"Well, nakipagsex kalang naman sa BF or should I say Ex-BF ng bestfriend ko, ibinaba mo na ang dignidad mo para lang sa isang lalaki, ikaw nga di mo na nirespeto ang sarili mo ako pa kaya" sarcastic na sabe ko.
"Eh ano naman kung nakipagsex ako kay Bryle? Di ko lang naman yun ginusto, Ginusto nya din yun" at nasampal ko sya ng bonggang-bongga
"Para yan sa paglandi sa Ex ng bestfriend ko" sinampal ko sya ulit
"Para yan sa pagsira ng relasyon nila" at isa pang sampal ulit na binuhos ko na lahat ng lakas ko
"At para yan sa pananakit at pagpapaiyak sa bestfriend ko" hawakhawak nya ang pisnge ko.
"Kakasuhan kita dahil sa ginawa mo na to tapos trespassing kapa" pagbabanta nya
"Edi go, Chief of Police lang naman ang tatay ko at Lawyer ang tito ko" taas kilay na sabe ko
"How dare you" akmang sasampalin nya ako nung nasalo ko kamay nya
"Ikaw di ka marunong sumalo ng sampal ako oo, wag na wag mo lang akong susubukan, nagtimpi ako nung pinuntahan mo si C sa apartment, nag timpi ako nung habang nag field trip tayo nilalandi mo si Bryle, pero ngayong wala na sila at nasaktan ang kaibigan ko makikisali na ako, at subukan mo lang ulit na may gawin sa kaibigan ko, baka mandilim ang paningin ko sayo at mapatay kita ng di manlang nalalaman ng magulang mo kung saan ang bangkay mo, wag mo akong susubukan dahil di mo talaga magugustohan ang maaari kong gawin" pagbabanta ko
Halata sa mukha nya ang pagkatakot "Oh matapang ka diba? Makapal mukha mo diba? Oh san na ngayon napunta ang lahat ng tapang mo ? Dyan sa s*s* mo?" Tanong ko
"UMALIS KANAAAA!" Sigaw nya
"Kahit di mo sabihin aalis na talaga ko noh, sino ba naman ang taong makakatagal kasama ka? Kung si Bryle nga parausan kalang diba? Masyadong harsh ba? Well, that serves you right SandyMonyo" sabe ko at umalis na pinag buksan ako ng kotse ni Lance.
"Kaya mahal kita eh" sabe nya
"Wag kang ano dyan mag drive kana, ok na ako kase naiganti ko na ang bestfriend ko" sabe ko at ngumiti
-----
A/n: A bestfriend like Jing please
BINABASA MO ANG
The Ultimate Stalker (COMPLETED) #Wattys2018
Teen FictionSa love talagang magiging TANGA ka at kung sobra na nagiging MARTYR kapa. "Love can make an intelligent man into a stupid one" sabe nga nila. Pero sa pag-iyak ni C dahil sa Boyfriend nya may isang tao paring pinaparamdam sa kanya na deserve nyang ma...