01

54K 969 56
                                    

SARINA'S POV

Smile was written all over my face pagkagising ko. I'm finally a 4th year high school student at ito ang unang araw ng pasok ko. Isang taon na lang at gagraduate na ako sa St. Therese Academy.

I'm Sarina Howell Vicencio, half Filipino/British. Ang Mommy ko ay isang British na ipinanganak sa London, England at ang daddy ko naman ay isang Filipino na ipinanganak sa Kalibo, Aklan. Nagkakilala ang mga magulang ko sa parehong university na pinapasukan nila noong college palang sila. My Mommy is an exchanged student at that time from England while my Daddy is her college tutor at dahil sa closeness nilang dalawa ay nagkatuluyan sila at doon ay nabuo ako.

"You're good mood, huh? My pretty sis," Pagpuna sa akin ni Ate Annika habang kumakain kami ng breakfast.

Ate Annika is my older sister. She's 23 years old at nagtatrabaho na siya sa kompanya nila Mommy at Daddy same with my older brother, Kuya Xavier.

Parehong Business Administration ang kinuha nilang course para mahandle at mapatakbo nila ang kompanya namin at makatulong sa future ng kompanya sa oras na mag-retired na pareho sina Mommy at Daddy sa business industry.

"I noticed that, too. What's up with your good mood, baby sis? Tell us." Nakangiti namang tanong ni Kuya Xavier.

Kuya Xavier is the eldest. He's 25 years old at isang gwapo, mabait, matalino at mapagmahal na kuya ko. He's a heartthrob guy at maraming babaeng nagkakagusto sa kanya pero kahit ni isa sa kanila ay wala man lang siyang ine-entertain. Mas priority raw muna kasi niya ang trabaho niya bago pumasok sa isang relationship. We respect his decision naman at sa oras na mahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay susuportahan namin siya doon.

Umiling lang ako sa tanong nila Ate Annika at Kuya Xavier saka ngumiti. "Nothing. Masaya lang ako dahil 4th year high school na ako at isang taon na lang ay ga-graduate na ako ng high school!"

Napangiti naman sila sa sinabi ko.

"Sus! Akala ko naman kung ano na. Balita ko yata ay bibisita dito next week sa Pilipinas si Trey?" Panunukso ni Ate Annika sa akin na ikinangisi naman ni Kuya Xavier.

Namula ako sa sinabi ni Ate at napakagat-labi.

Bibisita dito sa Pilipinas si Trey my loves? Panigurado na kukulitin na naman niya akong makipaglaro ng Nintendo at XBOX pero walang problema doon dahil sasamahan ko siya sa kahit na anong trip niya sa buhay.

Love ko kaya ang kababata kong 'yon! Sayang nga lang at hindi ko siya madalas na nakakasama dahil sa amerika siya nag-aaral. Doon kasi nakabase ang Gaming online business ng pamilya niya kaya kailangan ay nandoon rin sila.

"Nagblush na si Sarina, oh!" Panggagatong pa ni Kuya Xavier kay Ate Annika kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag niyo nga akong asarin!" Kunwaring naiinis na sabi ko.

"Sarina and Trey equals? Love!" Sabay na sabi nila ate at kuya na ikinapula pa lalo ng mukha ko. Pang-asar nila sa akin 'yan dahil obvious na obvious sa pamilya ko na gusto ko si Trey.

Napailing na lang ako at kinikilig na itinuloy ang pagkain ko.

"SARINA!"

Lumingon ako sa tumatawag sa akin mula sa hallway ng campus namin at nakita ko sina Yohan at Jenica na hinihingal nang naglalakad papalapit sa akin.

"Oh, kayo pala? Saan ang klase niyo?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan.

Sina Yohan Suarez at Jenica Lizardo ay matagal ko nang mga kaibigan. Nagkakilala lang kami sa sa St. Therese noong 1st year high school palang ako at nata-tsambahan na nagiging magkaklase kaming tatlo.

Si Yohan ay isang sikat na Basketball Varsity player dito sa St. Therese at si Jenica naman ay Captain ng Volleyball team namin.

Niyakap naman ako ni Jenica tsaka siya kumalas sa akin. "Dyosa, magka-kaklase ulit tayong tatlo kaya tuwang-tuwa naman 'tong si Yohan the boy dahil makakasama ka niya sa buong taon ng klase natin!" Sabi ni Jenica at nginisian si Yohan na biglang namula dahil sa sinabi nito.

"A-Ano bang sinasabi mo diyan? M-masaya lang ako dahil magiging magkaklase ulit tayo nila Sarina. Ayon lang 'yon." Mautal-utal naman na sabi ni Yohan saka ito napaiwas ng tingin sa akin.

"Okay? Sabi mo e." Nakangising sabi ni Jenica.

"Sabay-sabay na tayong pumasok sa first class natin?" Tanong ko sa kanila.

"Mauna na kayo ni Yohan. Hihintayin ko pa kasi si Ulysses sa Cafeteria." Malungkot na sabi ni Jenica at napayuko ito.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin hinihiwalayan ni Jenica si Ulysses Fernandez. Sikat rin na Basketball Varsity Player iyon sa St. Therese. Kilala siyang playboy at maloko ng Campus.

Naging sila lang ni Jenica 5 days ago at alam ko na any time ay hihiwalayan rin siya nito. Wala kasing nagtatagal na relasyon kay Ulysses dahil pinapalitan niya kaagad ang mga nagiging girlfriend niya.

"Jenica," Sabi ko at hinawakan ang isang kamay ni Jenica. Tumawa naman siya ng peke.

"Ano ka ba, Sarina? Okay lang ako no! Tsaka alam ko naman na hihiwalayan na ako ni Ulysses pero sa ngayon ay ine-enjoy ko pa na maging kami. Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto, 'di ba?"

Natahimik naman ako at tumango.

"Nandito lang kami ni Yohan. Hindi ka namin iiwan." sabi ko.

Jenica smiled and nodded at pagkatapos ay nagpaalam na itong aalis na.

"Naaawa ako kay Jenica, Yohan. First time niya lang magka boyfriend tapos hihiwalayan pa siya kaagad at hindi naman siya mahal." Malungkot na sabi ko nang kaming dalawa nalang ni Yohan ang naiwan.

"Its her choice and we know that Jenica is a strong woman so you don't need to worry about her. Okay?" Sabi ni Yohan at hinawakan ako sa isang balikat.

Tumango naman ako at ngumiti.

Yohan is handsome and kind-hearted guy. Maraming mga estudyanteng babae ang nagkakagusto sa kanya pero hindi niya naman iyon pinapansin. Ayaw muna niyang magkagirlfriend dahil may babaeng hinihintay pa raw siya.

Tinatanong ko naman kung sino iyong babaeng iyon pero ayaw niyang sabihin. Nakakainis nga dahil naglilihim siya sa akin na isang kaibigan niya.

Malalaman ko rin kung sino ang babaeng 'yon at tutuksuhin ko siya ng tutuksuhin bilang ganti kapag nalaman ko kung sino ba iyon.

"Good. Pumunta na tayo sa unang klase natin."

Naglakad na kami papaalis ni Yohan at bigla ay inakbayan niya ako at nailang ako doon. Nakatingin kasi sa amin ang bawat estudyanteng nadaraanan namin. Kilala at sikat si Yohan sa school namin kaya hindi na nakakapagtaka iyon.

"Sila na ba ni Yohan?"

"Siguro. Magkasama na naman sila, e."

"Hindi ba't matagal nang gusto ni Ulysses si Sarina? Paano na si Uly niyan?"

"Alam kong new girlfriend na ni Ulysses si Jenica so paano na si Sarina?"

"Bagay silang dalawa!"

"No! Akin lang si Fafa Yohan!"

At marami pa akong narinig na chismisan pero hindi nalang namin pinansin iyon ni Yohan.

Tsaka, tama ba ang narinig ko na matagal na akong gusto ni Ulysses? Hindi naman siguro dahil hindi naman kami nagkikita at nag-uusap at mahal kaya ni Jenica iyon.

Baka nagkakamali lang ako ng pagkakarinig.

Oo tama. Nagkamali lang ako ng narinig.

---
-Ajai_Kim

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon