Chapter 34

9.2K 209 16
                                        

JENICA'S POV

Papunta ako ngayon sa DSWD kung nasaan ay naroroon si Yohan dahil gusto ko siyang makausap kung bakit niya nagawang pumatay ng tao dahil lang sa pagmamahal niya kay Sarina. Alam kong noon pa man ay may lihim na siyang pagtingin sa kaibigan namin pero hindi ko alam na aabot pa sa ganitong punto na makakasakit siya ng isang tao. Sa pagkakakilala ko kay Yohan ay mabait itong kaibigan sa amin ni Sarina pero sa mga nakikita ko ngayon ay mukhang hindi talaga namin kilala pa ng lubusan ang isang Yohan Suarez.

Hindi ko pinaalam kay Alex na pupuntahan ko si Yohan sa DSWD dahil alam kong hindi siya papayag dun dahil masyado nga raw mapanganib ito at baka may kung anong gawin sa akin pero kaya ko ito, kakausapin ko lang naman si Yohan nang masinsinan.

Nang makarating na ako sa DSWD ay kaagad kong tinanong sa help desk kung nasaan si Yohan Suarez at itinuro naman niya sa akin kung nasaang silid ito. Kumpara sa ibang mga bata at teenagers na nandito ay hindi siya malayang nakakalabas ng silid niya dahil na rin siguro sa kakaibang takbo ng pag-iisip niya at mabigat rin ang kaso niya. Nagpasalamat ako sa nagturo sa akin kung nasaang silid siya at saka na ito umalis. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng silid.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sulok ng silid niya habang nakayuko. Nang mapansin niya ako ay nagulat siya at sinamaan ako ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" May galit niyang pagkakasabi.

Huminga ulit ako ng malalim at saka nagsalita. "Gusto lang sana kitang makausap," Sabi ko.

Ngumiti naman siya at tumayo para lumapit sa akin. "Para saan? Para sermunan ako na isa akong kriminal at baliw na tao? Hindi ko kailangan ng sermon niyo kaya umalis ka na!" Sigaw niya.

Sa nakikita kong Yohan ngayon ay siya ang Yohan na puno ng galit sa puso at hindi ang Yohan na palangiti na nakilala namin noon.

"Yohan, kilala kita at noon pa man ay alam kong mahal na mahal mo na si Sarina pero bakit mo ba nagawa 'yon? Alam mo naman na boto ako sa'yo para kay Sarina 'di ba pero hindi mo naman kailangan na pumatay pa ng tao para lang mapasayo siya. Matutulungan naman kita kung sakali." Nag-aalala kong tanong.

Sa sinabi kong iyon ay natahimik siya saka ito umupo sa kama ng silid niya.

"Kung hindi ko pinatay ang bwisit na Trey na 'yon malamang ay nagpapakasaya siya ngayon kay Sarina. Sa tingin mo ba talaga na may pag-asa ako kay Sarina? Alam mong wala dahil alam natin na mahal na mahal niya ang gagong 'yon!" May diin niyang pagkakasabi.

Umiling na lang ako at umupo sa tabi niya. "Hindi mo naman kasi mapipilit ang pagmamahal, Yohan. Matagal na niyang kilala si Trey at simula mga bata pa lang sila ay nagkakasundo na sila sa lahat ng bagay. Kung mahal mo si Sarina dapat ay hahayaan mo siya sa taong mahal niya." Sabi ko na puno ng sinseridad.

Napatawa naman siya ng mahina. "Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko, Jenica. Bata pa lang ako ay hindi ko narasanan na mahalin ako ng totoo at si Sarina lang ang nagparamdam nun sa akin. Hindi ko hahayaan na maagaw siya ng kahit sino sa akin. Sa akin lang siya!" Sabi niya at napakuyom ito ng kamao.

Mahal niya si Sarina pero makasarili siya.

"Kaya ba binugbog niyo rin noon si Ulysses dahil alam mong may gusto siya kay Sarina?" Tanong ko.

Tumawa lang siya. "He deserves that. Isa siyang bubuyog na umaaligid sa isang magandang bulaklak. Dapat nga ay pinapatay rin ang isang katulad niya." Nakangisi niyang sagot.

Medyo kinilabutan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang iyon ipinahalata.

Tumingin naman siya sa akin. "Ikaw ba Jenica, hindi ka ba natatakot na magkagusto rin si Alex kay Sarina? Nung una ay si Ulysses tapos baka ngayon ay si Alex naman. Hindi malabong mangyari 'yon." Nakangisi niyang sabi.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon