07

26.6K 614 52
                                    

MACY'S POV

Maganda nga talaga ang desisyon ko na lumipat sa St. Therese dahil nakilala ko si Sarina na new best friend ko. Hindi ko na kasi kayang pumasok sa dati kong school dahil kinakaibigan lang ako ng mga girl students doon para lang mapalapit sa kuya ko.

Ang mga boy students naman ay balak lang na ligawan ako at mas lalong mapalapit sa akin. They are fake people to me at ayoko ng ganoon. Hindi palagay ang loob ko sa ibang tao but when I met Sarina ay ang gaan na kaagad ng loob ko sa kanya.

She's so pretty and kind and I think my Kuya Maverick likes her.

Naging maayos ang overnight stay ni Sarina sa bahay namin at sobra akong nag-enjoy kasama siya. She's like a sister to me at natatawa na lang ako nang hindi niya alam kung gaano siya kaganda.

I admitted that she's prettier than me. Napakasimple niya at walang arte sa katawan unlike me kaya nga natutuwa ako sa kanya. She is true to herself, honest at masayahing tao kaya hindi na ako magtataka na nagkakagusto sa kanya ang Kuya ko.

Its Monday again at maaga akong pumasok para abangan si Best friend Sarina. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Yohan na kaibigan ni Sarina.

Gosh! He's hot wearing a jersey habang may nakasabit na sports bag sa balikat niya. Unlike Kuya Maverick na may pagka-foreigner ang itsura na nakuha ko din, si Yohan naman ay mukhang Korean. Matangkad siya, maputi at nakabagsak ang itim na buhok.

Ang cool niyang tignan dahil para siyang si Rukawa ng Slam Dunk. He's also a silent and mysterious type of guy.

"Hi, Yohan!" Bati ko kay Yohan at sinabayan siya sa paglalakad.

Lumingon siya sa akin at hindi man lang ako nginitian. "Hi din. Sige, aalis na ako dahil may gagawin pa ako."

Aalis na sana siya nang pinigilan ko ito.

"Wait, Yohan... may gusto lang sana akong sabihin sa'yo." Nahihiya kong sabi.

Nakita ko naman ang iritable niyang ekspresyon at bumuntong-hininga. "Ano ba kasi 'yon? Bilisan mo na at male-late na ako sa practice namin sa basketball!" Nagpameywang siya at hinihintay ang sagot ko.

I sighed and close my eyes. "Yohan, I-I have a crush on you. Noong una pa lang kitang makita ay nagkacrush na ako sa'yo. I think I like you na nga, e."

Nagmulat ako at tinignan kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko pero ngumisi lang siya at tumingin sa akin na para bang nababaliw na ako.

"Talaga? Gusto mo ako? Pasensya na, Eliazar pero hindi kita gusto at hinding-hindi kita magugustuhan."

Nasaktan ako sa sinabi niya at parang maiiyak na. Lumapit naman siya sa akin at may binulong.

"Si Sarina lang ang gusto ko. Sa akin lang siya at hindi rin pwede na maging pagmamay-ari ako ng iba. Hindi kita gusto."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I slapped him na ikinagulat niya.

I had no idea Yohan was so rude. Ibang-iba siyang magsalita at kumilos kapag kaharap niya si Sarina pero kapag sa akin ay lumalabas ang totoong ugali niya.

Paano nga ba ako nagkacrush sa hambog na lalakeng 'to? Nasaktan ako dahil straight forward niyang sinabi na hindi niya ako gusto at hindi man lang inisip na masasaktan ako sa sinabi niya.

Napaluha na ako. "Ganyan ka ba talaga sa mga babaeng nagkakagusto sa'yo? And you said that Sarina is yours? You're only her friend, right? At alam mo siguro na may gusto siya sa kababata niyang si Trey."

Natahimik siya sa sinabi ko at kumuyom ang panga dahil sa galit pero sandali lang 'yon dahil ngumiti siya at pinunasan ang mga luha ko.

Kaagad kong tinabig ang kamay niya na ikinatawa nito.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon