Chapter 28

10.8K 299 35
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tahimik at tulala lamang si Yohan habang pinapasok siya ng mga taga DSWD sa isang silid kung saan ay ekslusibong ginawa ito para sa kanya bilang kulungan niya. Dahil sa edad na labing-anim na taong gulang ay hindi pa siya maaaring makulong. Ililipat lamang siya sa isang pampublikong kulungan kung siya ay ganap nang labing-walong taong gulang. Dahil sa ginawa niyang krimen ay makukulong ito ng pang habang-buhay habang ang mga kasama naman niya sa krimen kasama na ang kanyang Kuya Aldwin ay makukulong ng marami pang taon sa bilangguan. Nakatakas naman ang kanyang Kuya Ace na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad. Ang kanyang ina naman ay sumama muna sa kanyang bagong asawa dahil binawi rin ni Maverick Eliazar ang lahat ng ibinigay nito sa kanila.

Nang iniwan na si Yohan ng mga nangangalaga sa kanya sa DSWD sa silid na pinagdalhan sa kanya ay tahimik lamang itong napaupo sa sulok ng silid habang nakatulala. Maski sa sarili niya ay hindi niya maintindihan kung bakit nagawa niyang makapatay ng tao dahil sa matindi niyang obsession sa pinakamamahal niyang si Sarina pero ni minsan ay hindi niya maramdaman ang konsensyang dapat niyang madama dahil sa pagpatay niya kay Trey. Sa tingin nga niya ay tama ang kanyang ginawa upang wala nang humadlang sa kanila ni Sarina. Natawa at napailing na lamang si Yohan nang maalala niya ang ginawa niyang unti-unting pagpatay kay Trey Delos Santos.

"He really deserves to die." Sa isip niya habang nakangisi.

Bata pa lamang si Yohan ay lumaki na itong matapang at hindi nagpapatalo sa kahit na sino. Tinuruan siya ng kanyang mga nakatatandang kapatid na maging matapang at masipag na tao. Yung tipong sasambahin sila nang kahit na sino kahit pa ang mga santo. He thinks that he is the most powerful and smartest person on Earth. Hindi nga naman siya lalaking isang masamang tao kung nagabayan lamang sila ng tama ng kanyang ina noon na pinabayaan lang sila ng kanyang mga kapatid na magpalaboy-laboy sa kalsada at mamalimos sa kahit na sinong tao. Napaigting na lamang ang kanyang panga nang maalala niya ang lahat ng hirap at sakit na dinanas niya noong siya ay bata pa lamang. Binaon na lamang niya sa limot iyon ngunit bumabalik pa rin ang lahat ng sakit mula sa pang-aabuso at pagpapahirap sa kanya na ginawa ng mga naging asawa ng ina niya.

"Wala na ba talagang magmamahal sa akin?" Tanong niya ulit sa kanyang sarili at unti-unti nang tumulo ang kanyang mga luha.

Tao rin naman siya at nasasaktan. Kulang lamang siya sa atensyon at pagmamahal na tangi lamang niyang nahanap sa kaibigan niyang si Sarina. Ni minsan ay hindi siya pinabayaan nito at palagi itong sumusuporta sa kanya. Nakita niya rin at nadama ang pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya. Kaya niya siguro itong nagustuhan ay dahil napakabuti nitong tao at kahit na sino naman sigurong lalaki ay magugustuhan ang isang katulad niya. He is selfish when it comes to the girl he loves. Gusto niya ay sa kanya lamang si Sarina katulad rin ng paghahangad ng karibal niyang si Maverick Eliazar sa puso niya.

Napakuyom na lamang siya ng kamao nang maalala niya na unti-unti nang nahuhulog ang babaeng pinakamamahal niya sa lalaking mas matanda pa sa kanya ng siyam na taon. Hindi maaari iyon at kailangan niyang gumawa ng paraan upang makatakas sa silid na pinagdalhan sa kanya at gantihan ang lahat ng mga taong sumira sa buhay niya kasama na doon si Maverick Eliazar. Naalala niya na nakatakas pala ang kanyang kuya na si Ace at gagawa ito ng paraan para tulungan silang makatakas sa kulungan na pinagdalhan sa kanila. Kilala niya ang kanyang Kuya Ace at triple pa ang ugali nito sa mala demonyong ugali niya.

Tumawa na lamang siya ng malakas.

"Humanda kayong lahat. Babawiin ko si Sarina mula sa inyo lalo na sa'yo, Maverick Eliazar."

BRYAN'S POV

Pinapatahan ko si Annika habang umiiyak ito nang malaman niya na si Yohan Suarez na kapatid ng manliligaw niyang si Ace ay kasama rin sa pagpatay kay Trey Delos Santos na kababata ni Sarina. Hindi ito makapaniwala na magagawa ng mga lalaking iyon ang isang karumal-dumal na krimen nang dahil lang sa isang obsession. Naalala ko lamang bigla ang pinsan kong si Austin na nagpakamatay dahil hindi nito matanggap na hindi siya mahal ng babaeng minahal niya. Obsession is really dangerous dahil makakapatay ka na lang nang hindi mo namamalayan dahil sa matindi mong paghahangad sa isang tao o bagay.

"I can't really believe this Bryan! I trust Yohan and Ace tapos kaya pala nilang pumatay ng isang tao? And the worst is, kababata pa ni Sarina na si Trey ang pinatay nila nang dahil lang sa matinding paghahangad na makuha ang kapatid ko nang sa kanya lang." Umiiyak niyang sabi. Niyakap ko na lang siya at pagkatapos ay pinainom ng tubig.

"Don't worry Annika, makukulong na sila ng pang habang-buhay at pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila pero meron pa palang isang problema.." Nag-aalangan kong sabi at napabuntong-hininga.

Napahinto naman si Annika dahil sa sinabi ko at tumingin ito sa akin saka ako hinarap.

"What's the problem, Bryan?" Tanong niya.

I look at her with dissappointment. "Nakataas ang kapatid ni Yohan na si Ace mula sa mga pulis nang huhulihin na siya. Hindi pa rin mahanap ng mga pulis kung saan nagtatago si Ace at nag-aalala lang ako dahil maaaring gumanti ito at gumawa ng paraan para makalaya ang mga kapatid at kasamahan niya sa gang at baka.. kunin ka rin niya, Annika. Alam mo kung gaano kabaliw sa'yo ang Ace na 'yon, pero 'wag kang mag-alala dahil poprotektahan kita mula sa kanya. Nandito lang ako para sa'yo, Annika." Sabi ko.

Bakas sa mukha niya ang gulat dahil sa mga sinabi ko. Hindi malabong gumanti at kunin ni Ace si Annika dahil katulad ng kanyang kapatid na si Yohan ay obsessed na rin ito kay Annika. Nakita ko na 'yon mula nang makilala ko si Ace kaya nag-aalala lang ako para kay Annika because I like her so much at hindi ako papayag na mapahamak siya.

"N-nakatakas si Ace? Baka saktan niya si Sarina o baka saktan niya tayo!" Sabi niya at bigla na naman itong napahagulgol.

Hinagod ko na lang ang kanyang likuran upang kumalma siya. "Hindi ako papayag na masaktan niya kayo ni Sarina, Annika. Nandito lang ako at tutulungan ko kayo." Sabi ko at pinunasan ang kanyang mga luha.

Tumango naman ito at unti-unti nang kumalma.

"Maraming salamat, Bryan." Mahina niyang pagkakasabi.

Napangiti naman ako doon. Basta para kay Annika ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko matulungan ko lang siya. Nagkagusto ako sa kanya simula noong nag-aaral pa kami sa college na pareho naming pinapasukan. She is my schoolmate but she doesn't know my existence before dahil sa pagiging torpe ko. Ngayon lang ako naglakas ng loob na lapitan siya at gagawin ko ang lahat para matulungan at maprotektahan ang babaeng pinakamamahal ko.

"You're welcome, Annika." Nakangiti ko namang sambit.

"Maa'm, may delivery po na galing sa inyo."

Napakalas naman kami ng yakap ni Annika sa isa't-isa nang dumating ang katulong nila na may dalang isang kahon na kasing laki ng kahon ng sapatos. Kinuha naman ni Annika ang kahon mula sa katulong nila.

"Thank you, Yaya." Sabi niya at pagkatapos ay umalis na ang katulong.

"Kanino naman kaya galing 'to?" Sambit niya habang inoobserbahan ang kahon na kulay puti.

Parang may hindi ako magandang kutob tungkol sa laman ng kahon pero bago ko pa man mapigilan si Annika ay binuksan na niya ang kahon at laking gulat ko nang makita na may patay na daga sa loob ng kahon. Napahiyaw sa takot si Annika at nabitawan ang kahon habang ako naman ay nagpanic at niyakap na lang siya nang mahigpit.

Umiyak nang umiyak si Annika sa dibdib ko habang ako naman ay tinititigan ang kahon na may patay na daga sa sahig. Nang mapansin ko na may pulang papel na nakalagay sa kahon ay pinulot ko ito at mas lalo akong nagimbal sa nakasulat sa pulang papel. Hindi naman ito napansin ni Annika dahil umiiyak lang ito sa dibdib ko na hindi napansin ang pulang papel na pinulot ko.

Hi Annika my dear.. I really miss you so much. Hintayin mo lang ako dahil babawiin kita mula sa pesteng Bryan na 'yan. Gaganti rin ako para sa mga kapatid ko. lintik lang ang walang ganti, babe. Wait for me, ha? I love you.. -Ace

Hindi. hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Annika.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon