Chapter 27

13K 320 11
                                        

SARINA'S POV

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nakahawak sa kamay ko si Kuya Maverick. Nagkakaroon ako ng Adrenaline Rush habang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman niya napapansin na nakatitig lang ako sa gwapo at maamo niyang mukha habang nakapikit siya at nakahiga sa damuhan. Dinala niya kasi ako sa isang matarik at mataas na lugar kung saan ay makikita na namin ang kabuuan ng lugar sa siyudad namin. Sa mga nalaman ko ngayon ay tama lang na dito niya ako dinala. I want a peaceful and breathtaking view. Salamat at dito ako dinala ni Kuya Maverick.

How this man can be so handsome? He's more like a Greek-God-like man. Naulanan na talaga siya ng magandang physical features at wala ka nang maipipintas pa sa itsura niya. His body was built so perfectly at mapapansin mo na nag-gygym talaga siya. His looks was also very intimidating na kahit kanino pa siya itapat sa mga gwapong lalake diyan ay malalamangan pa rin niya ito. May mga ganitong klaseng lalake pa pala talaga ang nag-eexist sa mundo no? Akala ko ay sa mga Wattpad at Pocketbooks na nababasa ko lang sila nabubuhay.

Nakita ko na unti-unti na siyang napamulat kaya bigla akong umiwas ng tingin sa pagkakatitig sa gwapo niyang mukha. Naramdaman ko naman na bumangon na siya at nilapitan ako saka pinantayan ang mukha ko.

"Do you like this place?" Tanong niya sa akin.

Napangiti naman ako saka tumingin ulit sa magandang tanawin na nasa harapan namin. Nililipad ang buhok ko ng masarap na hangin na sumasalubong sa aming dalawa. Kung pwede nga lang na tumira sa magandang lugar na ito ay ginawa ko na. Napapaligiran pa kami ng mga magagandang bulaklak at mga puno na nasa paligid lang namin.

"Yes. I like it very much Kuya Maverick. This place is so beautiful and relaxing. Thanks for bringing me here." Nakangiting sabi ko.

Naghintay ako sa sasabihin niya pero nanatili lang siyang walang imik kaya napalingon ako sa kanya then there, I saw him smiling while still looking at me with amusement on his face. Namula naman ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya napayuko ako dahil sa hiya. Tumatambol pa lalo ng mabilis ang puso ko at hindi ko alam ang susunod na ikikilos ko.

Maverick Eliazar, why are you doing this to a 16 year-old girl like me?

"W-wag ka ngang ganyan makatingin sa akin, Kuya Maverick. Naiilang ako!" Nauutal at nahihiya kong sabi.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa saka nito ginulo ang buhok ko. "You're so cute, Sarina pero naiilang ka pa rin hanggang ngayon sa akin. Why?" Seryoso niyang tanong.

Napakagat naman ako sa labi ko. "N-nakakaintimidate ka po k-kasi saka.. Ahm, basta! Mahirap pong i-explain e," I said with shyness.

"But you don't know how beautiful and intimidating you are, Sarina? I can't stop staring and looking at you. Kahit yata habang buhay kitang titigan eh hindi ako magsasawa." He said.

Adrenaline rush, tumatambol ng sobrang bilis na puso, namumula kong pisngi at hindi ko maipaliwanag na nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Maybe I already like Kuya Maverick.

Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi niya at napabitaw sa kamay kong hawak-hawak niya. Ano ba ang dapat kong i-react sa sinabi niya? Aaminin ko ba sa kanyang nagugustuhan ko na siya? Pero paano si Trey? Hindi pwede itong nararamdaman ko. Kamamatay pa lang ni Trey dahil sa kagagawan ni Yohan tapos nagkakagusto na kaagad ako sa ibang lalake? This is so wrong and I need to forget that I like Kuya Maverick.

Hindi na lang ako umimik at nanatiling tahimik dahil sa sinabi niya. Napabuntong-hininga na lang siya at napahawi sa nililipad niyang buhok mula sa hangin na sumasalubong sa amin.

"I guess our feelings are not mutual but I won't stop admiring and liking you, Sarina."

Gusto kong kiligin pero pinipigilan ko lang dahil ayoko namang bigyan ng false hope si Kuya Maverick. Now that I know he likes me then I need to be quiet and keep my unexplainable feelings to him.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon