THIRD PERSON'S POV
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Xavier nang makita niya si Maverick na nasa labas ng bahay nila.
Mukhang gusto nitong makipagkita kay Sarina pero hindi siya papayag doon.
"I just want to see Sarina." Sabi naman ni Maverick. Napailing na lang si Maverick dahil sobrang sama na ng tingin sa kanya ni Xavier. Tutol talaga ito na makipagrelasyon siya sa kapatid nito.
Mas lalo namang lumapit sa kanya si Xavier habang hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. "Sasabihin ko na sa'yo to. Tutol ako na ligawan mo si Sarina kaya pwede bang layuan mo na siya?" May diin niyang pagkakasabi.
"And who are you to told me that?" Naiinis namang sagot ni Maverick. Binababaan lamang niya ang kanyang pasensya dahil kapatid ito ng babaeng nililigawan niya.
"Who am I? I'm her brother and I know what's best for her. Kung ako sa'yo layuan mo na si Sarina at baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo. Wala rin akong pakialam kung tinutulungan mo man ang pamilya ni Trey o ang pamilya ko laban sa mga Suarez pero hindi dahilan 'yon para makalapit ka kay Sarina." Sabi ni Xavier.
Hindi niya kayang lubos na magtiwala kay Maverick Eliazar dahil noon pa lang alam na niyang may kakaiba na sa lalaking ito. Mas tiwala siya kay Trey para kay Sarina noong nabubuhay pa lang ito dahil alam niyang mabuting lalaki ito para sa kapatid niya pero ngayon ay nararamdaman niya kay Maverick Eliazar na hindi magiging mabuti ang lagay ng kapatid niya sa oras man na magkaroon sila ng seryosong relasyon.
Pinoprotektahan niya lang si Sarina dahil baka manganib pa ang buhay nito sa kamay ng lalaking nasa harapan niya. Mas malala pa ito kay Yohan at nakikita niya iyon.
Mahal na mahal niya si Sarina at hindi niya hahayaang mapahamak ulit ito.
Umiling at halos hindi makapaniwala si Maverick sa sinabi ni Xavier. Ang layuan si Sarina? Hinding-hindi niya magagawa iyon.
"Bakit ba tutol na tutol ka sa aming dalawa? Sarina loves me at sinabi niya 'yon sa akin kaya nga siya pumayag na ligawan ko tapos ikaw na wala namang karapatan na panghimasukan kami ay hinahadlangan akong mapalapit sa kanya? Bakit Xavier? Nagseselos ka ba dahil baka mawalan na ng time sa'yo ang kapatid mo kapag naging kami na?" Nakangisi namang sabi ni Maverick.
"Hindi ganon 'yon, Maverick. Una sa lahat ay nakikita ko sa'yo na hindi magiging ligtas ang kapatid ko mula sa mga kamay mo. Pangalawa ay mapagpanggap ka. Pangatlo ay mas matanda ka sa kanya." Hindi na mapigilang sigaw ni Xavier.
Natawa naman si Maverick. "Paanong hindi magiging ligtas si Sarina sa akin? I want to protect her since then at sinabi ko na 'yan sayo noon pa. Hindi rin ako mapagpanggap at higit sa lahat wala rin akong pakialam kung mas matanda man ako sa kanya ng ilang taon. Hindi ko rin pala nasabi sa'yo na alam kong gusto ako ng mga magulang niyo para sa kanya? Ikaw lang 'tong nagpapalala ng sitwasyon, Xavier. HIndi ko alam kung ano ba talaga ang iniisip mo e," Seryosong sabi nito.
Hindi makontrol ni Xavier ang galit niya kay Maverick kaya napapikit na ito at napakuyom ng mahigpit sa isang kamao niya. "Umalis ka na dito bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo!" Sigaw niya.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita si Sarina." Sagot ni Maverick pabalik.
Hindi na nakapagpigil pa si Xavier at kaagad niyang sinugod si Maverick at sinuntok ito sa mukha. Hindi na rin nakatiis si Maverick at sinuntok niya rin si Xavier. Pareho silang nagsasakitan ngayon at pareho rin na ayaw tumigil.
"Leave her alone!" Sigaw ni Xavier at sinuntok sa tagiliran si Maverick.
Napaubo naman si Maverick sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Xavier pero hindi rin ito nagpatinag at sinuntok rin si Xavier.

BINABASA MO ANG
Danger Alley
Fiction généraleSarina Vicencio is a beautiful girl who's a happy-go-lucky, kind-hearted, and humble girl. When she met her new best friend Macy's older brother Maverick Eliazar, her contented and happy life will suddenly change because of his sweet dangerous obses...