Chapter 20

14.8K 323 18
                                        

ANNIKA'S POV

I'm comforting my sister Sarina na kanina pa iyak ng iyak dahil sa biglaang pagkamatay ng kababata niyang si Trey. Lahat kami ay bigla na lang nagulat at nanlumo sa sinapit ni Trey. Trey is a kind guy at botong-boto ako sa kanya para kay Sarina but things came unexpectedly dahil sa isang iglap lang ay bigla na lang siyang nawala. Hindi pa rin matukoy ng mga pulis kung sino ang mga taong naging dahilan ng pagkamatay ni Trey dahil sa sobrang linis ng paggawa ng mga ito sa krimen, ni walang makitang bakas ng ebidensiya ang mga pulis at ang ibig sabihin lang nito ay hindi lang isang pangkaraniwang tao o grupo ang makakagawa no'n kundi isa nang eksperto sa pagtatago ng ebidensiya sa isang krimen na ginawa nila. Nakita na lang kasi si Trey ng mga nakatira sa condo unit na tinutuluyan niya na nakahandusay na siya sa labas ng condo unit building nila na naliligo na sa sarili nitong dugo, puno ng mga pasa at sugat sa iba't-ibang parte ng katawan nito at higit sa lahat ay basag na ang bungo nito. Only a devil people and have no conscience can do that to Trey. Hindi ko akalain na may mga tao pa pa lang halang ang kaluluwa na makakagawa nun sa kanya. Pero, sino at ano nga ba ang dahilan ng mga taong iyon para patayin nila si Trey? Sa pagkakaalam kasi namin ay wala naman siyang naging kaaway o nakaalitan bago siya umuwi dito sa pilipinas except na nakasagutan niya si Maverick Eliazar pero hindi naman magagawa iyon ni Maverick dahil kilala ko siya.

I had a crush on him at matagal ko na siyang kilala simula noong makita ko siya sa mga magazines at newspapers na sa edad niyang 25 ay isa na siyang napaka succesful na tao sa Telecommunications Company. Doon ako nag-umpisang humanga sa kanya dahil mas pinili niyang pasukin muna ang larangan na gusto niya bago i-handle ang business ng mga magulang niya. His being independent is the reason why I admire him. Kaya nga nagulat na lang ako nang makilala ko siya sa bahay kasama sina Kuya Xavier at sa harap ng pamilya namin. Older brother pa siya ng kaklase ni Sarina.

Pagkatapos kong i-comfort si Sarina mula sa pag-iyak niya dito sa burol ni Trey ay kaagad naman siyang nilapitan nila Mommy at Daddy para i-comfort rin siya. Lumayo muna ako sa kanila at tinulungan na lang ang Mommy ni Trey sa pag-aasikaso sa mga bisita. Napansin ko naman si Maverick Eliazar na nakaupo sa isang sulok na para bang malalim ang iniisip nito. Kanina pa nga siya nandito sa burol ni Trey at hindi siya makalapit sa amin dahil nagagalit sa kanya si Sarina at iniisip ng kapatid ko na siya ang may pakana kung bakit namatay si Trey dahil nga sa naging alitan nila noon sa bahay pero alam naman naming hindi totoo iyon. Depressed at malungkot lang si Sarina kaya niya nasasabi iyon at naiintindihan naman ito ni Maverick.

"Hello, Maverick." Nakangiting bati ko nang makalapit ako sa kanya at umupo rin sa tabi niya.

Ngumiti naman siya sa akin. Ang gwapo talaga niya lalo na kapag ngumingiti. "Hey, Annika." Bati naman niya.

Pinatong ko naman ang isang kamay ko sa balikat niya. "Pagpasensiyahan mo na kung pinagbibintangan ka ni Sarina dahil sa pagkamatay ni Trey. Nadedepressed lang kasi 'yung kapatid ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matukoy kung sino nga ba ang pumatay kay Trey." Malungkot kong sabi.

Tumango siya. "I understand. Hindi ko rin naman masisisi si Sarina kung bakit siya nagagalit at pinagbibintangan ako. Nagkaalitan kami ni Trey sa bahay ninyo at iisipin talaga niya 'yung ganon pero ayos lang 'yon sa akin. Magiging okay rin siya balang-araw." Sabi niya habang nakatingin kay Sarina na kinakausap nila Mommy at Daddy.

From the way he looks at my sister ay kakaiba. Nakikita ko na tinitignan niya si Sarina na may halong admiration and happiness. Napansin ko na 'yon noong bumisita siya kasama si Kuya Xavier sa bahay namin pero hindi ko lang masyadong pinansin. He's obvious that he likes Sarina.

I smiled bitterly. Nagkagusto na nga lang ako sa isang lalake ay doon pa sa gusto ang kapatid ko. Pero mas matanda si Maverick kaysa kay Sarina. I'm only 2 years younger than him at halos magkasing-edad lang kami at alam kong hindi naman siya gusto ni Sarina.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon