Chapter 30

12.7K 253 24
                                        

SARINA'S POV

Maaga akong pumasok ng school na medyo nahimasmasan na sa mga pangyayari na nararanasan ko ngayon. Tinanggap ko na ang pagkawala ni Trey at umaasa na mareresolba ang kaso niya at mabigyan ito ng hustisya. Tutulong si Kuya Maverick tungkol sa kaso ni Trey at natutuwa ako para doon. He will never fail to amuse me.  Napangiti ako ng palihim.

"Sarina!" Nakita ko sa 'di kalayuan sina Macy at Jenica na kumakaway sa akin. I smiled at them at patakbong lumapit sa kanila. Niyakap naman nila ako.

"Kumusta ka na? Okay ka na ba?" Tanong ni Jenica pagkatapos akong yakapin.

Tumango naman ako. "Okay na ako, Jenica. Ayoko na lang muna sigurong pag-usapan 'yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw."

Tumango naman siya at inakbayan ako. "Naiintindihan ko."

Tinignan ko naman si Macy at nagulat na lang ako nang ngumiti ito sa akin ng nakakaloko. Hindi kaya may alam siya tungkol sa amin ni Kuya Maverick? Hindi imposible iyon dahil kilala ko na close sila ng kuya niya. 

"B-bakit ka ganyan makangiti sa akin, Macy?" Medyo kinakabahan ko pang tanong.

Nag cross-arms lang siya at umiling. "Wala naman pero wala ka bang ikukwento sa amin ni Jenica?" Tanong niya habang nakangisi.

Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. May alam nga siya at posibleng sinabi iyon ni Kuya Maverick!

"May ikukwento ka nga ba sa amin, babae?" Tanong naman ni Jenica na parang nanghihinala na.

Umiling lang ako. "W-wala ah. Tara na nga at pumasok na tayo sa klase natin. Kayo talaga kung anu-ano na 'yang mga pinag-iisip niyo!" Mabilisan kong sagot at hinila na sila paalis.

Natawa na lang sila dahil sa sinabi ko at nagpatangay na lang sa akin. Habang naglalakad kami papunta sa una naming klase ay nakita ko na papalapit sa amin si Wayne na nakangiti sa akin.

"Hi Sarina at hi na rin sa inyo!" Bati niya sa akin pati na rin kina Jenica at Macy. Nginitian naman siya ni Jenica habang si Macy naman ay tinanguan lang siya at hindi man lang ngumiti ito. May problema ba siya kay Wayne?

"Hi rin, Wayne," Bati ko naman at nginitian rin siya.

Bigla naman siyang namula dahil sa sinabi ko at napakamot pa ng ulo. Ilang segundo lang ay may inabot siya sa aking isang puting box na may red na ribbon.

"Para nga pala sa'yo." Sabi niya na parang nahihiya pa.

"Salamat pero ano 'to?" Tanong ko.

"B-buksan mo na lang. Ginawa ko 'yan para sa'yo para kahit papaano ay gumaan ang loob mo." Sabi niya habang nakangiti.

Tumango naman ako at binuksan ang puting box na inabot niya. Tinanggal ko ang red ribbon na nakasabit dito at binuksan ang laman ng puting box. Pagkabukas ko ay isang chocolate cake na may nakasulat na 'cheer up, Sarina'  sa ibabaw ng cake. Napangiti naman ako dahil sa ibinigay niya.

"Hindi ka na dapat nag-abala pang gumawa nito Wayne pero salamat. I appreciate your effort." Sabi ko habang nakangiti.

Mas lalo pa siyang namula dahil sa sinabi ko at halos hindi na makatingin sa akin. "Ah wala 'yon. Marunong lang kasi talaga akong magbake dahil may bake shop ang Mom ko saka ang sabi nga niya ay nakakatulong ang chocolate para kahit papaano ay makabawas 'yun sa bigat ng nararamdaman mo."

"Talaga ba? Nandito naman kaming mga kaibigan ni Sarina para makabawas sa bigat ng nararamdaman niya. Hindi makakatulong ang present mo sa problema niya ngayon." Biglang pag-imik ni Macy na ikinagulat ko maging pati si Jenica.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon