05

29.3K 779 106
                                    

SARINA'S POV

Kanina pa ako nagpa gulong-gulong sa kama ko at ilang beses ng bumuntong-hininga. Pumayag na ako sa gusto ni Macy na mag-overnight kami sa kanila mamayang gabi at hindi ko naman siya pwedeng tanggihan dahil nakapangako na ako sa kanya. Makokonsensya naman kasi ako kung tatanggihan ko siya lalo na't nalaman ko pa na ako lang pala ang nag-iisa niyang kaibigan.

Isang gabi lang naman iyon at pagkatapos nun ay uuwi na rin ako. Hindi ko nalang muna papansinin ang kaba at takot ko kay Kuya Maverick.

Bakit ba kasi ako natatakot sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama sa akin at sa katunayan nga ay ang bait niya sa akin pero ewan ko ba, natatakot pa rin ako sa presensya niya. Gwapo at maamo ang mukha ni Kuya Maverick pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

Napa-paranoid na yata ako dahil sa kakapanood ko ng mga horror films kaya pati si Kuya Maverick ay kinakatakutan ko na rin.

Bigla ay nagring ang cellphone ko kaya bumangon ako mula sa kama ko. Sinagot ko ang tawag without looking at my phone.

"Hello?" 

(Oh? Parang bad mood ka yata, Sasa?) Sabi ng boses sa kabilang linya.

Bigla ay napaupo ako ng tuwid at pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko.

Tumawag sa akin si Trey my loves! I think I'm now the luckiest girl on earth! Tinawagan ako ng aking my loves!

I cleared my throat at huminga muna ng sandali bago siya sagutin. "Ahm.. hindi, ah? B-bakit ka nga pala tumawag?" Mahinhin pero kinikilig kong sagot.

(Bakit? Masama bang tawagan kita? Nakakatampo ka naman,)

Natawa naman ako ng mahina dahil sa tono ng boses ni Trey. Halatang nag-babytalk siya na hindi naman bagay sa kanya.

"Tigilan mo na nga 'yan, Trey. Para kang bata! Anyways, ang balita ko ay uuwi kayo dito sa pilipinas nila Tito at Tita next week?" Tanong ko.

(Oo, Sasa. Uuwi muna kami dyan dahil may aayusin lang sina Mama at Papa tungkol sa online gaming business namin. Naka leave na rin ako ng 2 weeks sa school pero ang kapalit nun ay magsusummer class ako dito.) Sabi ni Trey.

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay mas makakasama ko pa siya ng matagal dito sa Pilipinas?

Sana nga lang ay dito na siya mag-aral para naman palagi ko siyang makakasama pero sa ngayon ay napaka-imposible ng hinihiling ko dahil sa amerika nakabase ang business ng pamilya niya at kailangan na doon rin sila tumira. Napangiti ako nang malungkot.

"Ganon ba? Sige, hihintayin kita dito, Trey." sabi ko.

(Dapat lang dahil maglalaro pa tayo ng Nintendo at XBOX at tignan nalang natin kung matatalo mo na ako.) Nagmamalaki niyang sabi na ikinatawa ko.

"Ang yabang mo, ha? Kapag natalo kita ay kakainin mo lahat 'yang mga sinasabi mo!" Nanghahamon ko namang sagot.

(Let's see. By the way, excited na talaga akong makita ka. I miss you so much, Sarina...)

Napahinto ako dahil sa sinabi ni Trey at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hearing him say those words makes my heart melt. He's the only man I'll ever love. I've loved him since we were kids at hinding-hindi na magbabago iyon.

"I miss you too, Trey..." I said.

Natahimik siya sandali sa kabilang linya at may sinabi siya na hindi ko naman narinig dahil sa sobrang hina.

(You make me more crazy for you, Sarina. Fuck!)

"May sinabi ka ba, Trey?" Tanong ko. Tumawa naman siya na halatang pilit lang sa kabilang linya.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon