SARINA'S POV
Excited na ako dahil bukas ay uuwi na si Trey dito sa Pilipinas. Ang tagal ko nang gustong makita ang gwapo at cute niyang mukha. Habang nandito siya sa Pilipinas ay susulitin ko na ang mga araw na magkasama kami dahil pagkatapos no'n ay uuwi na siya pabalik sa Amerika.
Mahirap talaga kapag magkalayo kayo ng taong mahal mo, kalaban n'yo ang distansya pero kung mahal mo talaga siya ay kaya mong magtiis. Mahal ko si Trey at kahit malayo siya sa akin ay patuloy ko pa rin siyang mamahalin.
Nasa field kami ng mga kaklase ko habang may P.E class kami. Tinuturuan kami ng Teacher namin ng self-defense move na kakailanganin kung saan ay magagamit ito sa masasamang tao na balak manakit sa'yo. We were wearing our P.E uniform at pawis na pawis na kami dahil sa init ng sikat ng araw sa labas ng school.
"Ito, tubig. Kailangan mo 'yan dahil mainit ang panahon at baka ma-heatstroke o madehydrate ka pa. Ayokong mangyari 'yon sa'yo." Concern na sabi ni Yohan at inabutan ako ng isang bottled water.
Napatingin ako kay Macy na yumuko at parang natatakot tumingin kay Yohan.
Pero bakit naman siya matatakot? Mabait si Yohan at alam kong may crush siya dito. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.
Nginitian ko si Yohan at ininom ang bottled water. "Salamat, Yohan."
Tumitig siya sa akin nang ilang segundo na ikinabahala ko, ilang saglit pa ay tumigil na siya sa pagtitig at tumingin nalang sa iba naming mga kaklase na tinuturuan ng self-defense.
Sa ilang taon naming naging magkaibigan ni Yohan ay ngayon lang ako nakaramdam ng takot dahil sa pagtitig niya.
Ganitong-ganito rin 'yong naramdaman ko sa mga titig ni Kuya Maverick. Kahit matagal ko nang kaibigan si Yohan ay marami pa rin akong hindi alam sa kanya, katulad na lang kung saan siya nakatira. Ni hindi pa nga ako nakakapunta sa bahay nila.
Ang sinasabi niya sa aking dahilan ay baka maligaw lang daw ako sa sobrang laki ng bahay nila at nakakaboring doon. Mayaman daw sila at ang Mommy niya ay isang Doktor habang ang mga kuya niya ay ang mga nagpapatakbo ng business nila. Mas mayaman pa yata sila kaysa sa pamilya namin base sa mga kwento niya sa amin ni Jenica.
Napansin ko si Jenica sa gilid ko na nakangiti habang may katext sa cellphone niya.
Ang akala ko nga ay after ng break-up nila ni Ulysses ay magiging malungkot siya pero nagkakamali ako. Tama nga si Yohan sa sinabi niyang matatag at malakas na babae si Jenica. Masaya ako para sa kanya.
"Hoy! Sino 'yang katext mo at mukhang masaya ka yata?" Kinalabit ko si Jenica at nginisian.
Napangiti siya na patuloy pa rin sa pagtetext. "Si Alex. Nililigawan na niya ako." Kinikilig niyang sagot.
Nagulat kami ni Yohan sa sinabi ni Jenica.
Kilala ko ang Alex na tinutukoy ni Jenica dahil kateammate lang siya ni Yohan sa basketball at sikat rin 'yon sa buong St. Therese. Gwapo iyon, mabait at wala pang naging girlfriend hindi katulad ni Ulysses na isang babaero at kaya lang magpaiyak ng mga babae.
Hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya noong nagkausap kami dahil alam kong gumagawa lang siya ng kwento. Pinagtitripan niya lang ako at kapag nakuha na ang gusto niya sa akin ay saka niya ako iiwan at ipagpapalit sa ibang babae katulad ng ginawa nito kay Jenica.
Sinasabi rin niyang matagal na niya akong gusto? Napakaimposible dahil madalang lang naman kaming magkita.
"Talaga? Kailan pa?" Tanong ni Yohan.
"Kahapon lang. Ewan ko ba pero nagugustuhan ko na yata si Alex kahit kahapon lang kami naging magkaibigan. Ang bait niya kasi tapos nararamdaman ko pa kung gaano niya ako kagusto." Jenica was smiling.

BINABASA MO ANG
Danger Alley
Ficción GeneralSarina Vicencio is a beautiful girl who's a happy-go-lucky, kind-hearted, and humble girl. When she met her new best friend Macy's older brother Maverick Eliazar, her contented and happy life will suddenly change because of his sweet dangerous obses...