MACY'S POV
I still can't believe this! Papaano nangyari na nagkagusto ang jerk na Alex na iyon kay Besty Sarina? Hindi ko lang pinansin si Sarina ng ilang linggo dahil nagtampo ako sa kanya dahil nakikipag-usap siya sa isa pang jerk na si Wayne tapos ngayon malalaman ko na lang na pati si Alex ay may gusto na rin sa kanya? Are they out of their minds? I thought that Alex loves Jenica? May something special talaga kay Sarina kaya pati si Kuya Maverick ay may gusto rin sa kanya. I'm glad that they're already dating at hindi ako makakapayag na may sumali sa binubuo nilang loveteam.
I was walking around the Campus at sakto pang nakita ko si Alex na nakaupo sa isang bench at nakikipagtawanan sa mga kaklase niya na nandoon rin. After what happened ay may gana pa talaga siyang pumasok at maging masaya?
He's a total jerk!
"Hoy!" Sabi ko kay Alex nang lumapit ako sa pwesto nila.
Natigil naman ang tawanan nila nang makita nila ako.
"Wow! Ikaw 'yung girlfriend ni Walter 'di ba?" Tanong ng isang kaklase ni Alex habang nakangiti ito sa akin.
Inirapan ko naman siya. "I'm not talking to you, idiot!" Sagot ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko at umiling. "Ang sungit mo naman. Chill lang, okay?"
"Shut up!" Sabi ko at muli akong bumaling kay Alex.
"We need to talk." Malamig kong pagkakasabi.
Tumango naman siya at saka nagpaalam sa mga kaklase niya na mag-uusap lang kami.
Lumayo kami sa pwesto nila and I confront him as fast as I could.
"What do you think are you doing? Paninindigan mo ba talaga 'yang pagiging jerk mo? Ang akala ko ay wala nang tatapat sa Wayne na 'yon when it comes sa pagiging jerk pero nalampasan mo pa pala siya. Are you nuts?" Inis kong sabi.
"Wala ka bang importanteng sasabihin sa akin?" Sabi naman niya ng seryoso.
"Hindi ba importante ang tinatanong ko sa'yo, idiot? What's your real purpose? As far as I know you really love Jenica so much then now you're saying that you like Sarina all of the sudden? Pinaplano mo ba talaga na pag-awayin silang magkaibigan nang dahil lang sa'yo?" Sabi ko at tinitigan siya ng masama.
Tinignan naman niya ako na parang naguguluhan siya sa sinasabi ko. "I have no intention to do that, Macy." Sagot niya.
Umiling lang ako "No, you are. Show me your true colors, Alex. There's no point of hiding it dahil alam ko kung anong klaseng tao ka. You're just like Wayne but you are worse than him." Tinitigan ko siya lalo ng masama.
I want to beat him up dahil parang pinapalabas niyang wala siyang clue sa ginagawa niya ngayon. The nerve of this guy! If gumagana ang ganitong klaseng strategy niya sa ibang taong nakakasalamuha niya then he can't easily fool me.
I'm just like my brother who can read peoples mind and thoughts.
Natahimik siya ng ilang segundo pero di kalaunan ay tumawa siya na ikinagulat ko.
"I see." Lumapit siya lalo sa akin and he smiled.
I closed my fist in anger. "You can't stop me, Macy. You're nothing but a worthless, stupid, weakling and bland girl. You have no match for me. I used to love Jenica before and that's true but she's no use for me now. All I want is her friend and your friend also, Sarina." He's mocking me.
"Pathetic!" Sigaw ko sa kanya and he laugh again.
"Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa'yo ni Walter, e. Okay, I admit that you're pretty enough but you're not that sexy and you're also short too. He always have a bad taste when it comes to girl. I pity him for that." Sabi niya na iniinsulto ako.

BINABASA MO ANG
Danger Alley
Fiksi UmumSarina Vicencio is a beautiful girl who's a happy-go-lucky, kind-hearted, and humble girl. When she met her new best friend Macy's older brother Maverick Eliazar, her contented and happy life will suddenly change because of his sweet dangerous obses...