Chapter 18

13K 388 83
                                    

MAVERICK'S POV

Hinatid ako ni Xavier sa ospital dahil sa natamo kong sugat at pasa sa pisngi dahil sa pagkakasuntok sa akin ng manliligaw ni Sarina na si Trey. Hindi na nga niya napigilan ang galit niya dahil sa lihim kong pangmamaliit at pang-iinsulto sa kanya sa harapan ng pamilya ni Sarina. Masama na kung masama pero kaya kong gawin ang lahat para lang mapalapit sa akin ang mga mahal sa buhay ng babaeng mahal ko.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Pasensiya ka na sa ginawa sa'yo ni Trey. Hindi ko nga akalain na magagawa niyang manakit ng tao dahil iba ang pagkakakilala namin sa kanya." Sabi ni Xavier matapos gamutin ng nurse ang natamo kong sugat at pasa sa bandang pisngi ko.

Ngumiti naman ako. "Ayos na ko, Xavier. Baka talagang nagseselos lang sa akin 'yung manliligaw ng kapatid mo kaya niya ako nagawang suntukin sa mukha." Kunwaring ayos kong sagot pero sa totoo lang ay nanggigigil ako sa galit dahil sinira niya pa ang gwapo kong mukha. Paano pa ako tititigan ulit ni Sarina kung pumangit na ako sa paningin niya?

Umiling naman si Xavier at nagtiim-bagang. "Mali pa rin 'yung ginawa niya sa'yo. Inakusahan ka pa niyang may gusto kay Sarina dahil lang sa nagseselos siya? Hindi ko na alam ang nangyayari kay Trey. Mabait ang batang 'yon pero baka nga nagbago na pati ang pag-uugali niya simula nung tumira sila sa amerika ng pamilya niya." At bumuntong-hininga siya.

Mabait naman talaga si Trey pero dahil sa ginagawa kong pangmamaliit sa kanya ay hindi na niya napigilan pa ang galit niya para sa akin. Mas pabor iyon sa akin para madali kong makuha si Sarina.

Tinapik ko ang balikat niya. "Baka nga nagbago na siya. Akala mo na 'yung noon na Trey na kilala niyo ng pamilya niyo ay iba na sa Trey na kilala niyo ngayon. Sa nakikita ko pa sa kanya ay masyado siyang possessive kay Sarina. Hindi ka ba natatakot para sa kapatid mo? Baka masaktan niya si Sarina dahil sa matinding possession niya." Sabi ko.

Napahinto si Xavier dahil sa sinabi ko at parang nag-iisip ng malalim. Napangisi na lang ako ng palihim. Hindi ko alam na madali lang pala bilugin ang ulo ng kuya ni Sarina. Mukhang paniwalang-paniwala siya sa mga sinasabi ko. Sino ba naman ang hindi maniniwala sa isang Maverick Eliazar na successful at maraming ipagmamalaki sa buhay? 

"Tama ka. Kailangan na talagang layuan ni Trey si Sarina. Hindi ko alam ang mga pwede pa niyang gawin sa oras na maging sila na. Baka hindi na simpleng pagsuntok ang gawin ng lalakeng 'yon kundi baka higit pa do'n." Matigas niyang pagkakasabi.

"Alam mo Xavier, as Macy's older brother at para na rin sa ating pagkakaibigan, poprotektahan ko si Sarina at hindi ko na siya palalapitin pa sa Trey na 'yon. Its for her safety. Okay lang ba 'yon sa'yo?" Nakangiti kong tanong.

Kaagad naman siyang tumango at nginitian rin ako. "Walang problema, Maverick. Salamat at concern ka para sa kapatid ko. Utang na loob ko sa'yo 'to."

Tumango na lang ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Ngayon na nakuha ko na ang tiwala ni Xavier at ng buong pamilya ni Sarina ay madali na lang para sa akin ang lahat. Nagkamali sila na pinagkatiwalaan nila ang isang katulad ko. I can do cruel things just to get what I want and I want Sarina all by myself. Wala na akong pakialam pa kung may matapakan man akong tao dahil sa ginagawa ko. I can play dirty things to get what I want.

YOHAN'S POV

Kasama ang buong gang nila Kuya Aldwin at Kuya Ace ay inaabangan namin ang pag-uwi ni Trey mula sa condo niya. Ang yaman talaga ng hayop na 'to kaya mas lalo lang siyang nagpapadagdag sa inis ko na bagay sila ni Sarina. Pareho kasi silang mayaman.

"Shit, tol. Ang yaman naman pala ng kababata ni Sarina. Ang laki ng condo ng p*tang*na! Pwede nating nakawin 'yung mga gamit sa loob ng condo niya at ibenta. Siguradong tiba-tiba tayo niyan." Nakangising sabi ni Kuya Aldwin na sinang-ayunan naman ng mga ka-gangmates niya.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon