Chapter 47

9.6K 195 14
                                        

SARINA'S POV

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mag-away sina Kuya Xavier at Kuya Maverick. Talaga ngang pilit na akong inilalayo ni kuya kay Kuya Maverick. Araw-araw pumupunta si Kuya Maverick dito sa bahay namin para lang makausap ako pero hindi ko na muna siya nilalabas dahil ayokong suwayin ang kapatid ko. Nakokonsensya ako dahil parang napapabayaan na rin ni Kuya Maverick ang sarili niya dahil sa araw-araw na pagmamakaawa niya sa akin na labasin ko siya at kausapin.

Kahit anong gawin kong pag-iwas sa kanya ay mahal ko pa rin siya. Tama ba talagang tuluyan ko na siyang layuan dahil lang sa sinaktan niya ang kapatid ko?

"Pupunta ngayon dito si Georgina. You remember her, right Sarina?" Sabi ni Kuya Xavier habang kumakain kami sa dining area.

Tumango naman ako. Siya 'yung kaworkmate na ipinakilala sa akin noon ni Kuya Xavier sa restaurant at alam kong may gusto rin iyon sa kanya.

"Good to know. Gusto ka niyang makita dahil namimiss ka na raw niya." Sabi pa niya.

Gusto niya akong makita? O baka gusto lang niyang makita ang kuya ko? Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy pa rin sa pagkain.

"Hindi talaga tumitigil ang Maverick na 'yan na guluhin ka. Mamaya siguro ay baka maabutan ko na naman na nandyan 'yan sa labas ng bahay natin. Inuubos niya talaga ang pasensya ko." Tila nagagalit na sabi ni kuya.

Napayuko na lang ako. Kahit papaano ay naaawa na rin ako kay Kuya Maverick at gusto ko na siyang makausap pero alam kong tuluyan nang magagalit sa akin si Kuya Xavier kapag ginawa ko iyon.

Bandang hapon ay sinalubong ko si Ate Georgina nang pumasok ito sa loob ng bahay namin. Utos iyon ni Kuya Xavier sa akin. Nagulat naman ako na kasama niya rin pala ang kapatid niyang si Kuya Cyril.

"Hi, Sarina! It's nice too see you again." Nakangiting bungad ni Ate Georgina at sinalubong niya ako ng yakap.

Ngumiti naman ako at niyakap rin siya pabalik. "It's nice to see you rin po." Sabi ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at may iniabot na isang paperbag. "This is my gift for you. Naisipan kong bilhan ka niyan dahil sigurado akong bagay sa'yo 'yan." Sabi niya.

"Salamat po." Sabi ko.

Pinaupo ko muna sila sa sofa at nagpahanda ng makakain nila sa katulong namin. Bumalik naman ako para tignan sila at nakita ko na nag-uusap ang magkapatid. Nang makita nila ako ay ngumiti sila sa akin.

"Nandito na pala kayo," Napalingon naman kami sa nagsalita at si Kuya Xavier iyon.

Nakita ko naman ang pagpula ng pisngi ni Ate Georgina nang makita niya si kuya habang si Kuya Cyril naman ay nakipag-kamay sa kanya.

"Kadarating lang namin ngayon at sinalubong kami kaagad ng little sister mo." Nakangiting sabi ni Kuya Cyril kay Kuya Xavier.

"That's good. By the way, Georgina? Pwede ba tayong mag-usap na tayong dalawa lang? Tungkol lang 'to sa work natin. May itatanong lang sana ako sa'yo." Baling naman ni Kuya Xavier kay Ate Georgina na kaagad tumayo mula sa pagkakaupo niya at nahihiyang tumango.

"S-sure, Xavier." Medyo nauutal pa niyang sabi.

"Maiwan muna namin kayong dalawa." Sabi ni Kuya Xavier at umalis na nga silang dalawa ni Ate Georgina.

Nabigla naman ako nang tumatawa na napapailing si Kuya Cyril.

"Natatawa talaga ako kay Ate George kapag nasa harapan na niya si Xavier. Parang naging modernong Maria Clara ang kilos niya ngayon, ah?" Sabi niya at umupo ulit sa sofa saka ininom ang baso na may juice na nasa table.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon