MAVERICK'S POV
Dalawang oras na akong nag-aabang dito sa labas ng school nila Sarina pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakakausap at wala na rin akong pakialam kung masabihan man niya akong stalker na palaging sumusunod sa kanya kahit saan man siya magpunta. I'm really in love with that girl at hindi ko matitiis na magiging ganito lang ang sitwasyon namin. Kung may iba mang nagpapatibok ng puso niya katulad ni Cyril ay gagawin ko ang lahat para lang maibalik ang nararamdaman niya para sa akin.
I'm not dumb to give her up in this situation like this.
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang akong kinabahan para kay Sarina kaya napagdesisyunan ko na pumasok na lang sa loob ng school nila. Wala na rin akong pakialam kung ipagtabuyan man niya ako ang mahalaga ay makausap ko lang siya at maipaliwanag ang side ko kung bakit ko nagawang saktan si Xavier.
Nang pumasok ako sa loob ng St. Therese ay sakto pang nakatulog 'yung guard na nagbabantay ng school nila kaya pagkakataon ko na ito para makapasok sa Campus nila Sarina. Nang tuluyan na akong nasa loob ay hinanap ko kaagad kung nasaan na siya.
Nakarinig ako ng sigaw mula sa isang abandonadong kwarto kaya dali-dali akong pumunta doon para makumpirma kung doon nga ba nanggagaling ang ingay.
"K-kuya Maverick..."
Para akong napaso at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko nang makumpirma ko kung sino ang tumawag ng pangalan ko. Boses iyon ni Sarina na kahit bulong lang ay narinig ko pa rin. Wala na akong sinayang pang oras at pilit kong binuksan ang abandonadong kwartong 'yon. Mabuti na lang at hindi ito nakasara.
Medyo madilim ang lugar na ito pero hindi ko na iyon inintindi pa. Halos manlumo ako nang makita ko si Sarina na nakahandusay sa sahig habang nasa ibabaw niya ang isang lalaki na sa pagkakatanda ko ay kapatid iyon ni Farah. Lumukob bigla ang galit ko nang makita ko ang ginagawa ng lalaking ito.
Pilit niyang hinahalikan si Sarina sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito at halos matatanggal na ang suot niyang uniform.
"Walanghiya ka!" Sigaw ko para maagaw ang atensyon niya. Lumapit ako sa lalaking iyon at sinuntok siya sa mukha dahilan para mapaatras ito.
Susuntukin ko na sana ulit siya nang bigla itong tumakbo at lumabas na ng abandonang kwarto.
"Shit!" Sigaw ko at muling bumaling kay Sarina.
Nang makita ko ang kalagayan niya ay napamura ako at hindi ko na mapigilang umiyak. Wala na itong malay at bakas sa mga mata niya ang kanyang matinding pag-iyak.
Pagbabayaran ng lalaking iyon ang ginawa niya sa babaeng mahal ko!
"Sarina, wake up please," Mahinang sambit ko at tinapik-tapik ng mahina ang braso ni Sarina at niyakap siya mula sa mga bisig ko.
Unti-unti naman niyang minulat ang mga mata niya at nang makita niya ako ay bigla na lang siyang lumuha at hinawakan ang mukha ko.
"Y-You save me, again. T-thank you Kuya Maverick..." Mahinang sambit niya at ngumiti ito.
Napangiti ako at bigla ay naalala ko kung paano ko siya unang nakilala.
Kadarating ko lang mula sa bahay namin galing sa trabaho at pagod akong umupo sa kama ko. Kaagad kong tinanggal ang suot kong damit at nagpalit ng boxer shorts at pagkatapos ay pumunta ako sa living room namin at inaabangan ang pagdating ni Macy.
Ilang minuto lang ay nakarinig ako ng doorbell mula sa labas ng bahay namin at alam kong si Macy na iyon kaya lumabas na ako at pinagbuksan ito ng gate. Nagulat ako dahil hindi lang siya mag-isa ang nandito dahil may kasama rin siyang isang napakagandang babae na sa tingin ko ay kaklase niya.
BINABASA MO ANG
Danger Alley
Fiksi UmumSarina Vicencio is a beautiful 16-year-old girl who's a happy-go-lucky, kind-hearted, and humble girl. When she met her new best friend Macy's older brother Maverick Eliazar, her contented and happy life will suddenly change because of his sweet dan...