12

17.5K 452 8
                                    

SARINA'S POV

"Naospital raw si Ulysses at baka isang buwan siyang hindi makapasok?"

"Oo girl! Binugbog siya kahapon ng mga hindi kilalang lalake sa parking lot mismo ng St. Therese!"

"Talaga? Sino ang mga nambugbog sa kanya?"

"Ewan. Hindi daw binanggit ni Ulysses kung sinu-sino sila pero I think na baka 'yong mga lalakeng boyfriend 'yon ng mga babaeng nakarelasyon niya. Alam n'yo naman kung gaano kababaero si Ulysses, 'di ba?"

"Yeah. Karma niya na siguro dahil sa pagiging playboy niya!"

Usap-usapan sa St. Therese si Ulysses. Binugbog daw ito sa parking lot ng St. Therese ng mga naging kaaway niya. Duguan at puro sugat at pasa sa katawan ang natamo niya. Mabuti na lang at kaagad siyang nadala sa ospital ng kateammates niya sa basketball na nakakita sa kanya na nakahandusay at walang malay sa parking lot.

Kahit may nagawa siyang kasalanan kay Jenica at sa iba pang mga babaeng niloko niya ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi maawa sa sinapit niya. Kung hindi siguro siya nadala sa ospital ay maaari niya iyong ikamatay. Walang mga puso ang mga lalakeng nambugbog sa kanya.

"Tsk! Kung nakita n'yo lang 'yong itsura ni Ulysses kahapon nang dinala namin siya sa ospital, siguradong maaawa kayo sa kanya." Naiiling na sabi ni Alex na ngayon ay boyfriend ni Jenica.

Masaya naman ako at nakikita kong okay na si Jenica dahil kay Alex.

"Bakit? Ano bang itsura niya kahapon?" Nag-aalalang tanong ni Macy.

Nagpapasalamat ako at bumabalik na sa dati si Macy na madaldal at masayahin. Tinanong ko kung may problema siya these past few days dahil sa napansin kong tahimik at tulala siya pero ang sinabi niya lang ay namimiss lang ang parents niya na busy sa trabaho nila at 'wag na akong mag-alala.

Nakahinga ako nang maluwag dahil ayon lang pala ang dahilan. Sana ay mas makabonding pa niya ang mga magulang niya para hindi na siya maging malungkot at natutulala katulad ng nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Hindi kasi ako sanay sa malungkutin na Macy. Mas sanay kasi ako sa pagiging madaldal at masayahin niya.

Tumawa si Alex sa sinabi ni Macy at tumango. Nandito pala kami sa Cafeteria at pinag-uusapan ang nangyari kay Ulysses sa parking lot ng school. Kasama ko ngayon sila Macy, Jenica, Yohan at Alex. Sinama rin ni Alex si Walter na kateammates nila ni Yohan sa basketball.

Hindi ko pa pala nasasabi sa mga kaibigan ko na nililigawan na ako ni Trey. Masaya ako dahil nalaman ko na mahal niya rin pala ako. I remembered our first kiss yesterday at sobrang kinikilig ako kapag naaalala ko iyon.

Pumayag ang parents niya na dito na muna siya sa Pilipinas tumira at sa St. Therese siya mag-aaral para makasama niya ako kahit sa school. Pumayag din ang pamilya ko at ang pamilya niya na ligawan ako basta ay pag-aaral muna ang una naming priority.

Biniro pa nga nila kami ni Trey na kasal na lang ang kulang sa amin na ikinapula ng buong mukha ko that time. Ngayon ay pinapunta ko siya dito sa St. Therese para tulungan siya sa transferee requirements niya sa school mula sa Amerika at pati na ang ipakilala siya sa mga kaibigan ko.

"Mukha siyang dumaan sa zombie apocalypse kahapon. Sino naman kaya ang mga nambugbog sa kanya? Napakasama nila para gawin 'yon kay Ulysses!" Nakatiim-bagang na sabi ni Walter na pinakaclose na kaibigan ni Ulysses.

"Sa dami ba ng nakaaway ni Ulysses ay magtataka ka pa ba na may gaganti sa kanya? Tama sila, karma niya na 'yon dahil sa dami ng mga babaeng pinaiyak, niloko at sinaktan niya. Isa na doon si Jenica." Nakangising sagot ni Yohan na ikinatahimik ng lahat.

May punto siya. Siguro ay nakakarma na si Ulysses dahil sa ginagawa niya. Pinaglalaruan niya ang mga babae kaya hindi ako naniniwala na kaya niyang magbago para lang sa akin at seseryosohin ako.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon